SKY POV
Hays!!
Pagkatapos kong malasing este mabudol ni Manong takbo ginawa ko makarating lang pupuntahan ko. Halos magekis na ang mga binti ko.
At sa kamalas malasan naabutan ng mahabang pila.Anak nang tipaklong!! Anong bang meron?? Bakit ang haba ng pila??
Ayon alam ko mga nabudol ang mga itong nakapila ni Manong. Puro bulungan tungkol sa bokus na palamig na iyon. Dinaan daw sila sa honta. Mga buwisit na buwisit.
Kakaiba talaga!
"Lintik na yan!!"
"Magkakasakit ata ako sa bato nito!! "
"Iba ang karisma ni Manong!!!"
"Ang haba pa ng pila. Ano to na goyo niya??!!
Makalipas ang halos isang oras nakahinga ako ng maluwag noong makapasok ako sa mens comfort room. Talaga naman malakas pa ata sa gripo ang ihi ko.
Haahhhhh!!! Success!!
Nakahinga ako ng maluwag. Tumingin muna ako salamin at nagpapogi pagkatapos ay isinakbit ko na ang gym bag sa balikat ko.
Napatagil saglit ang paglalakad ko at halos malaglag ang panga nang makita ko ang haba din ng pila sa women's c.r. tinalo pa pag aayos ng documents sa government sa bagal ng usad e'.
Ano bang nangyari??
Inikot ko ang mga mata ko agad napako ang paningin ko sa isang pamilyar na pigura bigla namang may humarang na isang babaeng akala mo'y gang leader.
Nagkibat balikat na lang ako dahil baka nagkakamali lang ako. Kanina kase, akala ko may natawag sakin na kaboses pa niya pero paglingon ko wala naman.
ohh summer!!
Napakamot na nga lang ako sa batok.
Naglakad na ako paalis, nakita ko naman si Manong na walang customer kaya dumaan mo na ako. Tatalikod na sana ako ng bigla nya umalingawngaw ang boses ni Manong. Mariin akong napapikit."Pogi..." tawag niya.
Hindi ko pinansin kahit alam kong ako ang tinatawag niya.
"Pogi...!!!" sigaw niya.
Di ko siya pinansin nagpatuloy ako sa paglakad.
"Ikaw na naka jersey??. Hoy!!.. Ikaw pogi!!????" pagtawag niya muli.
"Ulap!!!!" pag uulit niya.
Anak ng??? Ulap???
Para akong robot na naubusan ng baterya, kunot noo ko siyang nilingon. Wala akong nagawa kundi ang lumapit sa kanya.
Ulap!! Pano niya nalaman ang pangalan ko!!. Alam ko pogi ako pero letse ulap talaga!!!
Ang loko nagawa pa akong ngitian ng pagkatamis tamis, dinaig pa ang minatamis. Ngiting hinamplos ang puso ko sarap hambalusin.
"Aba!! Nagbalik ka pogi."nakapamatay niyang bati.
Malamang tinawag mo ako!!
May tama din ang 'sang to!
Tama na katol manong!!Literal na nakakamatay dahil pagkinagat ka tiyak tepok pero biro lang. Mukha lang talaga siyang bampira.
Pilit ngiting ko na lang matapos makipagapir. Inabot niya sakin ang isang baso ng palamig. Ngayon ko lang nalaman na may nakaprint pala name doon.
"Libre na yan!! Tutal nakarami ka naman kanina."
"Dapat lang haha!!!"
"Sky ba ang ngalan mo, Pogi??" biglang tanong niya na nagngising aso.
BINABASA MO ANG
Summer Meets Rain
General FictionRomantic comedy Love Patiently waiting Season of Love New beginning Colorandpastel