ALICE POV
Hays!!!
Nagpunta ako sa isang Cafe, malapit sa school. Pagpasok ko ay agad na tumunog ang chimes at tumambad ang malamig na singaw ng hangin galing sa aircon.
Hayys!!! Ang sarappppp!!!
Tumayo muna ako saglit.
Nakakagoodvibes na ambience, ngunit wala ata itong talab sa aking pagod na katawan. Pakiramdam ko ang lagkit lagkit ko, kahit wala namang P. E dahil sa preparation sa Foundation day. Sobrang baba nang energy ko. Kasalanan lahat to'ng itlog na si Liberty.Tamad akong naglakad at humanap nang mauupuan. Doon ako pumesto sa medyo tahimik. Na hindi masyadong, agaw attention.
Agad naman bumati ang gwapong waiter at nagtanong ng order at umalis na din pagkatapos.
Pinagmasdan ko ang paligid. Iba't ibang uri ng tao sa lipunan. Mga taong may iba't ibang pinagdadaanan at kwento. May mga nagtatawanan pero sa likod non ay isang maskara na nakakumbli ang totoong kwento. May mukhang hagardo bersosa sa trabaho niya. Merong nag aalok ng product o nagrerecruit. May mag meet-up's and flings lang.
May lalabas, may papasok, may aalis, may darating parang sa buhay natin.
Hindi mapipigilan dahil the more na pinigilan the more na gustong kumawala....
May magjowang parang lalanggamin sa sobrang kasweetan. Ang sakit nila sa mata. Napaikot na lang ang mga mata ko.
May mga single din na mukhang bitter ang sama naningin sa magjowa. Meron chill at may walang pakialam.
Ako ito kabilang sa single people. Choice ko ito.
Hindi ako galit sa mga taong nasa loob ng relasyong dahil choice nila yon. May mga relasyong lang talagang walang ginawa kundi ibalandra sa madla.Naputol ang pag-iisip ko ng may pumasok na dalawang babae. Isang maikling buhok at ang isa ay may kulay green na nakaposod.
Humahagolgol ang isa. Niyakap naman siya kasama.
Hindi mabuo ang sasabihin dahil sa sobrang emosyon galing sa kanya.Nahuli niya ang boyfriend niyang may kasamang ibang babae.
Mukhang galing pang trabaho base sa suot niya. Pinagmasdan muna niya ang nakatalikod na lalaki. Sinigurado kung ito nga ang boyfriend nang makumpira ay walang ano-ano'y sinugod niya ang babae kasama ng lalaki.
Napatayo ang lalaki sa gulat.
Hindi nakagalaw ng ilang segundo. Kung kanina ay tahimik silang nagkwekwentuhan at nag-uusap.
Palitan ng sigawan at hikbi.Dali-dali siyang humarang at inawat ang babaeng may maikling buhok. Ang kasama niyang babae ay hindi na man lang umawat. Hinahayaan lang ang nangyayari.
Maya-maya pa sinampal niya ang babaeng kabit umano.Mga tao nga naman hindi na nga, umaawat kinukuhanan pa nang video.
Akmang tatayo na ako para umawat bigla namang dumating ang mga staff at Managers ng Cafe. Nahirapan sila sa dami ng usi sa paligid.
May mga nakikisali pa at sinisigawan. Mga gatong pa.
"Kabit siya..."
"Bigyan pa ng mag-asawang sampal dapat!!!!!."
"Makating babae!!!!!!!!"
"Bayarang babae!!!!!!."
"Walang kahihiyan..."
"Dapat sa ganyan sinusunog ng buhay!!!!"
"Bitch!!!! She deserve it"
"Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo??"
BINABASA MO ANG
Summer Meets Rain
Ficção GeralRomantic comedy Love Patiently waiting Season of Love New beginning Colorandpastel