Chapter 7:

17 2 0
                                    

SUMMER POV

Excited talaga ako kase ngayon lang ako makakaalis ng walang nagbabawal. Syempre naguguilty ako dahil di ako nakapagpaalam kila Mama at Papa pero okay na din kase alam ko di nila papayagan. At baka mapauwi pa mga yon ng di oras kunh malaman nila.  

Bago umakyat...

Binibriefing muna kami ng tourguide at DENR official sa mga Don'ts and Do's.
Para sa safety namin at tamang patreat kay mother nature. May ganoon pala bago umakyat ng bundok, akala ko akyat lang agad.
Bago kami umakyat ng pray muna kami for guidance and protection. 

“Keep safe everybody”,
bilin ng tour guide.
....

Let's go! “Sami”, sigaw ni Liberty habang nakaakbay sakin.

Enjoy na enjoy pa ako, kase medyo patag pa nong una. Hanggang unti unti nang humihirap bago marating ang summit.

Syempre wala akong practice o try out kung baga,sugod agad ang lola nyo sa war. Di man lang nakapag warm up ang katawan ko. Ayon hingal na hingal ako!.

Lahat naman ng patience, may magandang outcome. 

Kaya push. Akyat. Go!

Medyo nagpapahinga ako nang untin pag may pagkakataon.
Natatawa sa mga sinisigaw nila syepmre lead by Liberty.

“Where are we going?

Kanta na medyo sigaw ni Liberty. Sa tune ni Dora the explorer.

Baliw talaga!

“Sa Mt. Ulap” sabay sabay nilang sigaw.

Kahit medyo pagod push. Napapansin kong medyo nahuhuli ako. Samantalang nauuna naman sila Liberty at Alice. Diba true friends ko sila. Iniwan nila ako,pero bestfriend ko talaga mga yon.

Patigil tigil kase ako para huminga ng kaunti tapos lakad ulit. Yung medyo matarik na dadaanan may biglang nagoffer ng kamay sakin tinulungan ako umakyat.

Napansin niya siguro ang bagal at nahihirapan ako.
Inabutan pa ako ng isang bottle of water.

He is a perfect gentleman for me ngayon. Namula naman ang mukha ko.

Inabot ko naman ang kamay ko sa kanya.

“Thank you”, medyo pabulong kong sabi.  Nahihingal na kase ako. 

Pawis na pawis na ako. Feeling ko amoy araw na ako.

“Kaya pa? ” tanong niya habang nakangiti.

Agad akong tumango at nginitian din siya.

Sobrang hirap mag hiking pero nakakaexcite. Sinabayan na ako ni Mr.Gentleman sa paglalakad kahit medyo nahihiya ako i need help talaga ngayon.

Pakiramdam ko natanggal lahat ng pagod ko dahil sa kanya. Naging light na lang for me, dahil sa gwapong kong kasabay.

Nakaw ko siyang tinitingnan kaya ayon natisod ako sa may bato.

Stupid ka Summer. Mag pokus ka nga!  Mamaya kana humarot!

“Ahhhhhh”, mahina kong sigaw.

To the rescue naman si Kuya.
Hinawakan niya agad ang braso ko, para di ako tuluyang madapa sabay tanong kung Okay lang ako.

Sandali!! Asan na ang mga magaling kong kaibigan? Sila nagyaya iniwan ako bigla.

Hinanap ko sila. Ayun! Nakatingin sila sakin at nakangiti nang nakakaloko.

Simaan ko sila ng tingin. Aba. Tinawanan lang ako mga baliw.

Summer Meets RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon