SUMMER POV
Lumipas ang mga buwan malapit na matapos ang 2nd sem. Mag 4rd year na kami. Parang kailan lang sabay sabay pa kaming nag iinquire tatlo, ngayon konting push na lang road to diploma na..
Finally!!
Naglalakad kaming dalawa ni Alice papunta sa may bench, kung saan namin iintayin ang isang pugong megaphone.
Sabay kaming napatalon ni Alice sa biglang pagsulpot ni Lib."Bulaga!!! Mga beesfriend!!!”
halakhak niyang bati.Halos maitapon ang dala naming merienda ng biglang umakbay pa ang luka habang tawang tawa. Pagkatapos ay dumukot ng fries.
Nag aapoy sa inis si Alice na napalingon sa kanya. Dapat talaga wag galitin ang babaeng amazana lalo na't gutom na siya.
"What the???"inis na sambit ni Alice.
Tumawa lang ang luka at dumukot ulit ng fries. Napapailing na lang ako.
"kalma! hahaha" tawang sabi ni Lib habang tinuturo ang namumulang mukha ni Alice.
Lumapit ako kay Alice, pinakalma siya.
"Alice,wag mo ng pansinin yan. Okay?."
Tumango siya at napairap na lang. Nilakihan ko ng mata si Lib.
Tinawanan lang ako ng luka.Daldal ng daldal si Liberty about sa mga rants niya sa prof. nila. Kumain lang kami ng kumain. Maya maya kumalma na si Alice. Nag kwentuhan na ulit kami sa bagay bagay.
Sabi na iba talaga ang epekto ng gutom.
"Konting push na lang road to the real world na tayo."nakangiti kong sabi.
Inakbayan kami ni Alice, bigla naman kaming kiniss ni Lib sa cheek.
Sasabunutan na dapat ni Alice ngunit nakatakbo siya at dumila pa samin.
Nagkatinginan na lang kami ni Alice at napatawa sa kabaliwan niya.
Habang nakaupo sa bench bigla akong kinulbit ni Alice, sabay nguso sa naglalakad na si Sky.
Napangiti ako habang minamasdan siya. Ang gwapo, sobrang gwapo. Mukhang kakagaling lang training dahil bitbit pa niya ang sport bag niya. Kahit may may pawis mukhang mabango pa din. Biglang nagtama ang mga mata namin. Nakikita kaya niyang nag hugis puso ang mata ko.
Napahagikgik ako ng mahina."Ang landi mo girl! Haha" bulong ni Alice sabay tawa. Hinampas ko siya sa braso at tinapunan ng chichirya.
Ang tagal din namin di nag kita dahil busy siya para nadin sa trainings at para sa mga requirements sa school. Mostly sa text,call or chat lang kami nakakapag usap nitong mga nagdaang buwan.
Napatulala ako, parang siya lang ang nakikita ko. Slow motion!!
Napabalik lang ako sa ulirat noong umupo siya sa tabi ko.
"Saya nyo ah! "nakangiti niyang sabi.
"Kamusta kayo?" dagdag niya.Habang nakangiti sakin bumaling sakin.
"Okay lang kami. Long time no see. Parang di tayo nagkita kanina ahhh. Hahaha." tawa ni Alice.Biglang tumayo si Alice. At inakbayan ako.
"Mauna na muna ako. Alam ko naman na si Summer ang pinunta mo dito. Hahaha. Kunwari pang nangangamusta! Aysus. Dudong! Hahaha" tawa niya.
Napakamot lang si Sky sa batok.
"Ikaw na muna bahala kay Bebi Summer!" dagdag niya.
Naglakad na siya papalayo pero humarap pa sakin.
"Summer bebi.. Wag ka masyadong obvious.... Wag masyadong malandi!! Mag pakipot ng kaunti. bwahahaha. Bye. Ayiehhh"
Anak ng! Baliw talaga.
BINABASA MO ANG
Summer Meets Rain
Ficción GeneralRomantic comedy Love Patiently waiting Season of Love New beginning Colorandpastel