Chapter 11

15 2 2
                                    

Summer POV

Lumipas ang mga oras, araw at buwan mas naging malapit at komportable kami ni Sky sa isa't isa.
Madami akong nagagawa kapag kasama ko sya.
Masaya, simple na pakiramdam.
Parang lutang na lutang.

Assumerang frog lang siguro ako pero napapansin ko na parang may something si Sky sakin. O may kung ano.
Syempre girl power itey este girl instinct.
Alam ko sa sarili ko na may gusto na ako sa kanya pero di ko muna yon sasabihin,syempre i will keep my mouth shut. Iba parin naman ang gusto, Sa Mahal diba? I will take it slowly muna.

....
Blah... Blah... Class dismissed

Pagkatapos ng klase ko kay Sir Dimapuno. Dumaretcho na agad University Park.

"Hay buti na lang tahimik at walang masyadong tao. Makakagawa na ako ng tula. Mas madaling makagawa ng mga tula at storya lalo na kung tahimik ang lugar. Mas makakapagconcentrate ako sa gusto kong gawin.

Sana lang walang mag istorbo muna sakin habang wala pa ang mga bakla kong kaibigan. Di ako makapagfocus pag andyan sila dahil ang tahimik nila sobrang tahimik.

Napapangiti ako habang naglalakad papuntang University Park, pag naiisip ko ang megaphone na boses ni Lib at serious mode ni Alice.

Ipinalsak ko na ang earphones ko. Nagstart akong makinig ng music mas nagiging madali sakin ang pag cocompose lalo kung maganda ang music isabay pa ang tahimik na ambiance. Itext ang mga bakla.

To: Lib and Alice

Bakla. Nasa park ako. Wait ko kayo. :)

Sent!

Nagsimula na akong magsulat ulit.

Kakasabi ko lang na sana walang istorbo e. Kaloka. Bulong ko sa isip ko.

"Miss,Pedeng makiupo?"
tanong nang isang lalaki na if I'm not mistaken is a senior student.

Napalingon ako sa paligid madami naman bakanteng upuan. Anong problema ni Kuya.? Pwede din namang wag nag magpaalam e. At talagang sa tabi ko pa umupo. Nagugulo tuloy ang paggagawa ko story.

Tumango na lang ako.

"Mag isa ka yata? Wala ka atang bantay ngayon?" tanong niya habang nakatingin sakin.

Naguguluhan akong napaangat nang tingin sa kanya.

Ha?

Napatulala ako. Gwapo sobrang gwapo makalaglag panty. I felt I'm drooling sa harap niya kaya agad ko pinagdikit ang labi ko noong napansin kong hindi matanggal ang titig niya. Sinulyapan ko siya. Matangkad. Mapupungay ang mata. Ang pilikmata may kurba. Ang kilay perfect parang ipaayos sa halagang wanfipti. May percing sa kaliwang tenga na bagay sa kanyang mukha. Varsity player based sa uniform that he wearing baseball player.Matigas matipuno ang katawan na di sobrang hulk pero bagay sa kanya.

"Ah oo ehh." naguguluhang sagot ko at pilit na ngumiti.

He smiled back at me. Yung ngiti abot hanggang mata.

Stalker ba ito?

Nagkabit balikat na lang ako. Nag balik ako sa pagsusulat. Kaya lang i can't focus anymore.
In the back of my mind naiinis na ako. Sa peripheral vision ko nakikita kong nakatingin sakin siya sa akin. Aba malay ko ba kung bakit siya tingin ng tingin.?? Kaya kinuha ko ang handkerchief ko sa bag i secretly wipe my face baka may dumi. Naconscious ako sa titig niyang parang pinapasok ang kaluluwa at mundo ko. Tagusan kaya hindi na gumagana ang imagination ko.
Napatikhim ako para mawala ang atensyon niya sa akin pero mas lalo pang tumitig na parang minimorya ang bawat parte ng mukha ko.
Nag init ang buong mukha ko pakiramdam ko mas mapula pa ako sa kamatis na ready nang igisa. Napaiwas ako nang tingin. Paglingon he chuckled.

Summer Meets RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon