Chapter 14

12 1 0
                                    

SKY POV

Ang sakit!!!

Tumayo na ako, naghandang umalis, nagpagpag muna ako sa pants at sinakbit ang sports bag sa kanang balikat. Sa peripheral vision ko nakikita ko ang titig niya sakin..

Nagpasalamat muna ako bago ako naglakad papalayo, ayokong makita niya ang nagbabadyang luha dahil naiinit na gilid ng aking mga mata.
Napapikit ako ng mariin. Kumuyom ang kamao.

Nasasaktan ako!!

Bakit ganoon, akala ko lang kase pareho kami ng nararamdaman?
Akala kaya madaming namamatay at nasasaktan dahil sa lintik na akala na yan. Sino bang nakaimbento ng salitang yan??

Bakit kase ako nahulog.. wala naman palang sasalo?
Bakit ang dali niyang magustuhan... hindi mahalin..

Hays!! Friendzoned....

"Kamusta kaibigan!! Palamig ka muna!! Kaibigan...." sabi ni Manong nagtitinda ng palamig.

"Kaibigan palamig kana. Masarap lalo't na summer ngayon. Ano kaibigan?? !! " dagdag pa niya.

Ngiting ngiti pa ang manong. Tinapik pa ako sa balikat. 

Kaibigan... Paulit ulit.. tapos may pang Summer pa!
Tamang tama ang timing mo Manong.

Bilhin ko na kaya lahat ng palamig niya. Baka kahit saglit malimutan ko.

Alak lang peg.. Sky!! Baliw kana!!

Nakapatingin ako sa karatula ang cart niya.

Palamig para pusong nanlalamig.
Masarap sa panahon ng tag-init
Makakalimutan mo sa sakit
Sa pamamagitan ng mura at masarap na palamig!”

Ahh ohh si Manong gumaganon!!
Natawa ako na mapait.. Isa muna akong ampalaya ngayon..

Sobrang sakit.... Sumugal ako, kahit zero chances of winning... Hindi ako galit sa kanya, naiintindihan ko naman. Sakit hindi galit ang nararamdaman ko.
Bakit ganito???
Wala akong magagawa kundi tanggapin...pero nakakapanghinayang sa isang banta.. dahil alam ko after of my confession magiging awkward na kami. Kaya lang kase pag pinatagal ko pa to! hindi ko na kakayanin. Baka sa mental na kahahantungan ko itatago ko pa.

Napagdesisyunan kong bumili sa palamig. Ngiting ngiti naman si Manong.

"Sigurado bang masarap to, Manong? " walang buhay kong tanong.

Agad naman siyang tumango bago magsalita.

"Oo naman!! Di ka magsisi. Malilimutan mo pangalan mo." pambobola niya.

"Pwede bang pangalan niya ang makalimutan ko, Manong. Ayoko ng ganitong sakit." madrama kong sabi habang nakaturo sa aking puso.

Naiiling niya akong tiningnan.

"Naku!! Hijo, iba gamot dyan. Yakapsul, Hijo." aniya habang nagsasalin sa isang plastic cup.

Inabot niya ang isang gulaman flavor
na totoong masarap nga ito, di ako nagsisi pero ang pangalan niya, hindi ko naman nakalimutan. Nagsinungalin si Manong.
Nakailan na ata ako masakit pa din.

"Isa pa nga. Nakakabente cup na ako manong wala pa din epek. Masakit pa din. Mangiihi na ako nito" malungkot niyang turo ang basong wala na laman.

Lintik na!!  Maiihi na ako. Niloloko ata ako pambirang ito.

"Naku!! Masarap naman diba??
Wag ka mainis dyan. Libre na ang isa." natatawa niyang sabi ng pogi sign pa.

Summer Meets RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon