#ADMwp Chapter 30
I looked at Uno. He’s crying. Damn it! Palagi na lang ganito! Ilang beses ko na bang sinabi sa kanya na hindi pwede? Na dapat niyang pakasalan si Maicy?
“Uno, tumayo ka na nga dyan...” paos na paos na ang boses ko. Wala na akong tigil sa pag-iyak. Wala na akong ginawa kung hindi ang umiyak simula nung nalaman ko lahat ng ginawa niya.
But he didn’t. He continued crying. Niyakap pa niya ang binti ko at saka mas umiyak.
“Mira naman...” he said, his voice pleading.
“Uno, tama na, please,” pakiusap ko sa kanya. Nagtitinginan ‘yung mga tao sa pinagtatrabahuhan ko and I couldn’t risk another job. Umalis na nga ako sa dati naming pinagtatrabahuhan dahil palagi kaming sentro ng balita... Hindi ko na kaya na humanap ulit ng bago.
I just wanted to live a normal life. To have a normal life pero bakit ang hirap naman yatang makuha nun? Hindi naman ako humihiling ng marangyang buhay, hindi naman ako humihingi ng sobra-sobra... Gusto ko lang ng tahimik na buhay pero hindi ko maabot-abot iyon.
“Mira, hindi ko kayang pakasalan si Maicy alam mo naman ‘yan.”
“It’s not my problem anymore. You asked for this, Uno. Panindigan mo. Magpakalalaki ka naman.”
Unti-unti kong inalis ‘yung pagkakayakap niya sa binti ko. I needed to be merciless with him. Hindi ako dapat maawa sa kanya. Kailangan siya ng kapatid ko. I could live on my own. Sanay naman na ako na mag-isa. Sinanay niya ako na mag-isa.
“Umuwi ka na,” I told him. “Kasal niyo na bukas. Matulog ka at magpahinga,” I instructed him.
Tumalikod na ako bago nagsimulang maglakad palayo.
“Uno?” I called for his name. “Huwag mong takbuhan ang kapatid ko.”
BINABASA MO ANG
A Drunken Mistake (COMPLETED)
General Fiction"It was just one night... One night that ruined the years we shared. One night that ruined the forever we're about to build."