Chapter 26

330K 7.1K 1K
                                    

#ADMwp Chapter 26

Ilang araw din akong natahimik. Nalaman ko kasi sa isang pinsan namin na pumayag na si Uno magpakasal—more like napilitan siya. Sabi sa akin na palagi daw lasing si Uno kapag mag-aayos sila ng kasal. Nakakatawa lang kasi kaya pala si Maicy ang nag-ayos ng karamihan sa kasal namin ay dahil siya rin pala ang ikakasal.

Nagpa-reserve na ako ng ticket papuntang Bali, Indonesia sa week ng kasal nila. Wala akong balak umattend. Nagleave na din ako sa work ko. Actually, wala na akong balak tumira dito sa Pilipinas. Naghahanap na ako ng job opportunities abroad. Pakiramdam ko kasi masyadong maliit ang Pilipinas para sa aming tatlo.

“Uy, balita ko buntis daw si sister mo! Sino ang father?” tanong sa akin ni Gaile. Akala ko mabilis ang chismis pero hindi pa yata kalat na si Uno ang ama nung pinagbubuntis ni Maicy.

Dahil sa sinabi niya, bigla kong naalala na magtanong sa pinsan namin kung nasaan si Maicy. Kahit na galit ako sa kanya, may malasakit ako sa pinagbubuntis niya—sa magiging pamangkin ko.

“Hindi ko sure, ate Mirs. Pero based sa planner niya, ang alam ko nasa St. Luke’s siya para sa checkup,” sabi ni Raf. Nagthank you ako sa kanya. Siya kasi ang pinagtatanungan ko tungkol sa mga nangyayari sa bahay.

Nag-ayos ako sandali bago pumunta sa St. Luke’s. Wala naman akong balak magpakita. I just wanted to be sure na okay ang baby.

Nandun na ako at naglalakad na ako sa hallway papunta sa section ng ob-gyne clinic. Nakita ko na nakaupo dun si Maicy. Unlike the others, mag-isa lang si Maicy. Puro mag-asawa o kaya naman ay magboyfriend ang nandun. Akala ko ay sasamahan siya ni Uno.

I wanted to leave but I couldn’t bring myself to. Kahit i-deny ko sa sarili ko ay naaawa ako kay Maicy. She looked pitiful—she looked so alone.

Nakatayo lang ako sa gilid, nagbabantay. Gusto kong mainis kay Uno dahil sinabi ko sa kanya na alagaan niya si Maicy pero hindi niya ginawa. Sinaktan niya na ako pero sinasaktan niya rin ang kapatid ko.

Maicy was next in line when she stood up. Agad akong nagtago dahil ayaw ko na makita niya ako. Naglalakad siya habang umiiyak. Panay ang punas niya ng luha niya.

Lumabas si Maicy mula sa hospital at pumara ng taxi. Kukunin ko sana ‘yung kotse ko pero matatagalan lang ako. Pumara din ako ng taxi at pinasundan ko ‘yung taxi na sinasakyan ni Maicy.

Hindi ko alam kung saan pupunta si Maicy but the place she went to was a bit sketchy. Nagbayad ako sa driver at saka lumabas. Alam ko na nasa QC pa rin kami pero hindi ko alam kung ano itong lugar na ‘to. Pumasok si Maicy sa loob ng gate ng isang bahay. Sumunod naman ako agad sa loob.

Dahan-dahan akong naglakad papasok. The place was giving me the creeps!

Nung pagpasok ko, may babae na nagtanong sa akin.

“Ilang months na?”

Kumunot naman ang noo ko. “Ha?”

“Ilang buwan ka nang buntis? Hanggang 4 months lang ang pwedeng ipa-abort dito.”

Biglang nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Abortion?!

Madali akong naglakad at hinanap kung nasaan si Maicy. Dahil parang lumang bahay lang naman ito ay mabilis ko siyang nahanap sa isa sa mga kwarto. Pinigilan ako nung babae na mag-aabort.

“Don’t you fucking dare!” sigaw ko. “Idedemanda kita at ipapakulong kapag pinigilan mo ako!” sabi ko sa kanya sabay hatak kay Maicy papalabas nung abortion clinic.

Hingal na hingal ako sa galit nung makalabas kami.

“Nababaliw ka na ba?!” sigaw ko sa kanya. “Ano’ng balak mong gawin, ha, Maicy?!” sabi ko pero hindi siya nagsasalita. “Sumagot ka nga!”

Nagsisimula na naman siyang umiyak.

“Nag-away kami ni Justin nun, ate... Sabi niya ayaw sa akin ng pamilya niya dahil hindi daw ako karapat-dapat sa anak nila... Na hindi daw ako mabuting babae... Na dapat malinis daw ‘yung babae na papakasalan ni Justin,” sabi niya. “Ate, hindi naman ako maduming babae... Hindi naman ako kagaya nung sinasabi nila sa akin... Pero bakit ganon? Kahit ilang beses ko sabihin sa kanila na mahal ko si Justin, na gagawin ko naman lahat para maging karapat-dapat sa anak nila, ayaw pa rin nila sa akin?”

“Gusto ko lang naman makalimot, ate... Uminom lang naman ako... Gusto ko lang naman malunod sa alak kasi kung hindi, pakiramdam ko malulunod na ako sa dami ng problema ko...” she continued. A part of me didn’t want to hear this. A part of me didn’t want to know what happened that night... “Tapos nandun si kuya Uno...” she said and then cried even harder. “Hindi ko alam, ate. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko... Hindi ko alam kung bakit galit na galit ako nung gabi na ‘yun at gusto ko na lang totohanin ‘yung mga binibintang sa akin ng magulang ni Justin...”

Hinawakan niya ‘yung kamay ko at saka inilapit sa mukha niya.

“Ate, sorry... Sorry...” paulit-ulit niyang sinabi.

“Ayoko dito... ayoko namang mabuntis, ate... Mas gugustuhin ko na mawala na ‘to kaysa ganito... Naisip ko lang naman na kapag nawala na ‘to, hindi na ako pipilitin ni mama na pakasalan si kuya Uno... Hindi ka na magagalit sa akin... Hindi na magpapakalasing si kuya Uno at hindi niya na ako titignan na parang ako ‘yung sumira sa buhay niya...” she said while crying so hard.

Napangko ako sa kinatatayuan ko. I didn’t know she was hurting this bad.

A Drunken Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon