Chapter 11

187K 4.2K 475
                                    

#ADMwp Chapter 11

“Uno, alam mo, ang weird ni Maicy lately...”

Namimili kami ng centerpiece para sa tables nung hindi ko na talaga ma-contain. May weird talaga sa kapatid ko at nag-aalala na talaga ako. It’s been weeks since umuwi ako at hindi ko siya maintindihan. Palagi siyang tulala. Ayaw kumain. Palaging nakakulong sa kwarto. Sinusubukan ko namang kausapin pero ayaw niyang magsalita... Ano kaya ang meron ‘dun?

“Baka may problema lang,” he said. “Ano ang gusto mong kainin mamaya?”

I smiled at him and said, “Dito na lang tayo sa unit mo.”

Magdamag kaming magkasama ni Uno. We always talked about having kids. Nasa edad na rin naman kami kasi para magkapamilya. Sinabi ko naman sa kanya na months after we got married, titigil na ako sa contraceptives. I was sure with him. He’s the guy I wanna build a family with. I’m sure he’ll make a great father.

The morning after, tumawag ako sa bahay at sinabi ni Mama na lumabas na daw si Maicy sa kwarto. Finally!

“Uno, lunch tayo mamaya kasama si Maice? Lumabas na daw sa kwarto sabi ni Mama, e,” I said habang sinusuot ko ‘yung dress ko.

“Ha?” he said. “Ano, e. May meeting kami mamaya sa board.”

Kumunot ang noo ko. “Akala ko ba naka-leave ka?”

“Ah... emergency meeting kasi. Sorry, babe. Babawi na lang ako.”

Inihatid niya na ako sa bahay after that. Sinabi ko na nga na magcoffee muna siya sa loob pero nagmamadali. Mukhang emergency meeting talaga iyon, ah. Usually kasi papasok muna siya sa loob para maghi kina Mama at Maicy.

“Maice!” I said and then smiled at her. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. “Ayos ka na ba? Gusto mo ng kausap?” I offered.

She just smiled at me and then shook her head. Kahit na pagod ako, nagluto ako ng paboritong ulam ni Maicy. Alam ko kas na ito ang unang disenteng pagkain na kakainin niya in weeks. Gusto ko talagang malaman ang problema nitong kapatid ko pero mukhang ayaw niya namang magsabi...

“Nakapili na ako ng centerpiece! Finally, adjustments sa gown na lang and tapos na sa lahat ng preparations!” I said with a smile. Nakakapagod pala talagang mag-ayos. Kahit na kakaunti na lang ‘yung natira para gawin ko, napagod pa rin ako. What more pa si Maicy? Sobrang thankful talaga ako dito sa kapatid ko na ‘to...

After naming kumain, umalis na si Maicy. Pinapatawag na daw kasi siya ng boss niya dahil nagleave pala ‘tong babaeng ‘to. Sobrang bigat naman yata ng problema niya para magleave siya. Kinakabahan na talaga ako... Sana naman hindi serious ang problema niya...

Nag-general cleaning kami ni Mama after umalis ni Maicy. Bibisita kasi dito ang future in-laws ko. Since nasa States ang family ni Uno, ngayon pa lang formally hihingin niya ang kamay ko sa Mama ko. Weird but that’s how it was. Hindi naman ako kinakabahan dahil sabi naman ni Uno, mabait ang family niya. And he won’t let me down. I trust him too much—I trust him with my life.

Tapos na akong maglinis sa baba nung dumating ‘yung naglalaba. Pinakuha sa akin ni Mama ‘yung mga maduduming damit. Pumasok ako sa kwarto ni Maicy para kuhanin ‘yung damit niya.

I was in the middle of picking up the dirty clothes when a pregnancy test kit caught me by surprise.

A Drunken Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon