#ADMwp Chapter 5
Ganito pala ‘yung feeling na miss na miss mo na ‘yung tao pero wala kang magawa kung hindi ang malungkot?
“Uno...” I called his name.
“Yeah?” sagot niya. Magkausap kami sa facetime ngayon habang gumagawa siya ng project niya.
“Wala lang,” sabi ko. “Kamusta na nga pala si Maicy? Nakausap mo ba?” I asked him. Ilang beses ko na kasing sinubukan na kausapin si Maicy pero palaging ayaw niyang magsalita. Pasalamat siya at wala ako sa Pilipinas...
“Hindi, e. Alam mo naman ‘yun, ayaw magsabi ng problema,” sabi ni Uno. Oo nga, minsan kasi nakakalimutan ko na malaki na nga pala si Maicy. Hindi na nga pala siya ‘yung Maicy na umiiyak at ipinagtatanggol ko. Malaki na nga pala ‘yung kapatid ko.
I sighed. Nakakalungkot naman dito.
“Basta, try mong kausapin, ha? Ang hirap kasi na wala ako dyan...” I said.
Uno looked at me and smiled. “Don’t worry, ako na ang bahala. She’s practically a family,” he assured me.
Mas lalo akong na-excite magpakasal sa kanya. Maaasahan ko talaga siya kaya hindi na ako masyadong nag-alala pa para kay Maicy... but still I wish she’d talk to me.
BINABASA MO ANG
A Drunken Mistake (COMPLETED)
General Fiction"It was just one night... One night that ruined the years we shared. One night that ruined the forever we're about to build."