Chapter 25

305K 6.7K 988
                                    

#ADMwp Chapter 25

Isang tawag ko lang kay Uno ay nagpunta na agad siya. As I looked at his face, he didn’t look like the Uno I fell in love with. Kahit ano’ng gwapo ng itsura niya, kapag tinitignan ko siya, ang naaalala ko lang ay tatay siya ng anak ng kapatid ko. And the hatred ignites.

“Mira,” sabi niya, relief washed his face. “God, thank you at nakipag-usap ka sa akin. Muntik na akong mabaliw.”

Gusto ko na agad tapusin ‘to. I looked at him and said, “Pakasalan mo si Maicy.”

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang mukha niya sa narinig niya sa akin. “A-ano?”

Huminga ako nang malalim. Stay on your ground, Mira. ‘Wag kang magpahalata na hanggang ngayon, gusto mo pa rin siya. Na kahit ang sakit sakit na, mahal mo pa rin siya.

“Pakasalan mo si Maicy, Uno. ‘Wag mong gawing bastardo ‘yung magiging anak niya.”

“Mira, I can’t. I don’t want to. I just made a mistake that night. I was drunk and I was disappointed...”

“Huwag mong ibalik sa akin ang sisi, Uno! Kasi kahit gaano mo akong i-disappoint, hindi ako magpapabuntis sa ibang lalaki. Uno, love doesn’t work that way!” I shouted at him.

Pilit niyang hinahawakan ‘yung kamay ko pero pilit ko rin iyong inaalis.

“Mira, I’m sorry for impregnating your sister. I’ll give her all the support that she needs, I’ll be a good father but I can’t be her husband...” sabi niya sa akin. “Mira, babe, ikaw lang ‘yung babae na gusto kong iharap sa altar,” he said and then held my hand. He kissed them and then stared at my eyes. “Marriage is for two people who love each other. Ikaw ang mahal ko.”

Inialis ko ang kamay ko mula sa kanya.

“Love isn’t enough. You betrayed my trust.”

“Babe, I’ll work hard to earn your trust... Please naman, ‘wag mo naman akong pilitin na pakasalan ko ‘yung babae na hindi ko naman mahal... Maawa ka naman sa akin...”

Gusto kong matawa. Maawa? Bakit sa akin ba hindi siya naawa?! Hindi ba niya alam kung gaano ako nahihirapan?!

“Babe...”

“Marry my sister.”

“Babe, I can’t. That was a mistake. That was one night, one mistake tapos gusto mo akong parusahan habang buhay?”

Dati, ayoko na nakikitang umiiyak si Uno dahil tuwing nasasaktan siya, mas nasasaktan ako. Pero ngayon? I couldn’t even consider his pain because my own pain was too much to handle.

“One night,” sabi ko at mapaklang natawa. “One night ruined the years we shared. One night ruined the forever we’re about to build.”

Tumayo ako at kinuha ‘yung gamit ko.

“Uno, please stop begging. Stop this, okay? Kahit umiyak ka, kahit lumuhod ka, kahit magbigti ka sa harapan ko, ayoko na,” I said with conviction. “Learn to love my sister kasi siya ang babaeng makakasama mo buong buhay mo.”

A Drunken Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon