Chapter 16

218K 4.7K 143
                                    

#ADMwp Chapter 16

Agad akong umuwi. Gulung-gulo ang isip ko. Gusto ko ng kausap pero hindi ko ma-contact si Uno. Nagkulong ako sa kwarto ko habang hinihintay ko si Maicy na dumating.

Pasado alas-onse na nung dumating si Maicy. Tulog na si Mama sa kwarto niya. Sinundan ko si Maicy papasok sa kwarto niya.

“Maicy!”

“Bakit?” she said. There were huge bags under her eyes. “Ate, I’m tired. Gusto ko na matulog.”

“No, hindi ka matutulog hanggang hindi ka nagpapaliwanag,” I stood on my ground. “Kinausap ko si Justin kanina.”

After hearing what I just said, nakuha ko na ang atensyon ni Maicy. “What?! Bakit mo ginawa iyon, ate?!” sigaw niya sa akin.

“I am your sister, Maicy! Of course ginawa ko ‘yun dahil nag-aalala ako sa ‘yo! You won’t eat, you won’t talk! Ano ba ang balak mong gawin?!”

Tumayo siya at napasabunot sa buhok niya. Tears began falling. Wala siyang masabi na matino dahil iyak lang siya nangiyak. “Shit, shit, shit,” she cursed under her breath.

Hinayaan ko muna siya na kumalma. Napagod din siya kakaikot sa room at kaiiyak. I waited for her breathing to be even.

“Maice...” I called out her name. “Maice... sabi ni Justin hindi daw siya ang ama niyan...”

Tahimik lang si Maicy.

“Sino ang ama, Maicy?” Matapos kong sabihin iyon, mas napahagulgol siya. “Maicy... please naman... Let me help you...”

Seeing my sister being like this, being as helpless as this was hurting me. Bakit ayaw niyang sabihin? Tutulungan ko naman siya. I’ll always be here. I love her as much as I love myself.

“Kakilala ko ba ‘yan?” I said, which only make her crying harder. “Maice... paano kita maiintindihan kung hindi ka magsasalita?”

Iyak lang siya nang iyak. Nakatingin lang ako sa kanya habang umiiyak siya. I closed my eyes as different possibilities hit me.

“Maicy, were you raped?”

Natigilan siya at tumingin sa akin. Oh, my god.

A Drunken Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon