#ADMwp Chapter 20
Wala pang ilang segundo na nasa loob ako ng kwarto nang may kumatok.
“Mira. Mira, buksan mo nga ‘tong pinto,” utos ni Mama. Pinunasan ko ‘yung luha sa mata ko at binuksan ang pinto. Nakakunot ang noo ni Mama at halata na galit siya. “Ano ‘yung ginawa mo kanina? Ano’ng problema mo?”
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ang sakit kasi. Kahit saan ko tignan, kahit paano ko isipin, ang sakit pa rin. It was too much to take in all at once. Pakiramdam ko pinagkaisahan nila akong lahat. I felt so betrayed.
“Hindi ko po kayang pakasalan si Uno...” I whispered.
“Ano?!” she shouted. “Nababaliw ka na ba?!”
“Mama...” I began. “Mama, hindi ko talaga kaya...”
I wanted to tell her about my problem but I couldn’t begin to. Paano ko sasabihin? Iniisip ko pa lang, nasasaktan na agad ako.
“Mira, umayos ka at babain mo ‘yung magulang ni Uno. Aba, mahiya ka naman. Bumyahe pa mula Amerika ‘yung mga ‘yun tapos mag-iinarte ka dyan.”
Tinalikuran niya ako. Pakiramdam ko wala akong emosyon. Wala ba akong karapatan masaktan?
Bago pa man makaalis si Mama, tinawag ko siya. Agad kong kinuha ‘yung pregnancy kit na nakalagay sa ilalim ng unan ko. Ipinakita ko sa kanya ito at hudyat naman iyon sa tuluy-tuloy na pagbagsak ng luha ko.
“Buntis ka?!”
Umiling ako.
“Buntis po si Maicy... at si Uno ang ama.”
BINABASA MO ANG
A Drunken Mistake (COMPLETED)
General Fiction"It was just one night... One night that ruined the years we shared. One night that ruined the forever we're about to build."