#ADMwp Chapter 14
“Mira, alam mo ba kung nasan ang kapatid mo?” Mama asked. Umiling ako. Dalawang araw na na hindi umuuwi si Maicy. Sanay naman kami ni Mama na biglang mawawala si Maicy pero nagtetext naman ‘yun... “Tsk. San na naman ba nagsuot ‘yung batang ‘yun...”
My wedding was in a month pero mas pinoproblema ko pa si Maicy. Ano ba naman kasi ang nangyari sa kapatid kong ‘yun? At kailan niya kaya balak sabihin sa amin ni Mama ang tungkol sa pinagbubuntis niya?
Maybe she’s scared... But we love her. Kung hindi siya papanagutan ni Justin, kami na lang ni Mama ang bahala sa anak niya. We surely could raise the kid together.
Later that night, umuwi na si Maicy.
“Maice!” I said. Napatayo ako nung makita ko siya na pumasok. “San ka ba nanggaling?!”
Dire-diretso lang siya. “Pagod ako, ate. Mamaya na ako magpapaliwanag...” Umakyat siya sa kwarto niya. Gusto ko sana siyang bigyan pa ng panahon pero kinakabahan ako para sa kanya. Ayoko na may gawin siya na hindi niya dapat gawin.
Sinundan ko siya sa itaas.
“Maicy,” I said as I entered her room. Nakaupo siya sa kama niya at tinatanggal ang foot socks niya. “Mag-usap nga tayo.”
I stared at her face and her eyes looked dead tired.
“I know you’re pregnant.” Natigilan agad siya sa sinabi ko. “And it’s fine. Don’t be scared, okay? I’m here for you; we’re here for you...”
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. As soon as I enveloped her inside my arms, she started sobbing. She’s still my baby girl...
“I’m sorry, ate...” she kept on repeating. “I’m sorry...”
BINABASA MO ANG
A Drunken Mistake (COMPLETED)
General Fiction"It was just one night... One night that ruined the years we shared. One night that ruined the forever we're about to build."