Chapter 10

181K 4.1K 176
                                    

#ADMwp Chapter 10

“Baby!” I said tapos tinalunan ko siya at hinalikan agad. Wala akong pakielam kung pagtinginan kami ng mga tao dito sa airport. I freaking missed this guy so much! “I missed you. I love you!”

Palagi kong sinasabihan ng I love you si Uno... Pakiramdam ko nga minsan overrated na ‘yung expression... Pero hindi ko alam. Feeling ko kasi sasabog ang puso ko kapag hindi ko na-verbalize kung gaano ko siya kamahal.

He smiled at me. “Pagod ka na ba? Ihahatid na kita sa inyo,” he said tapos kinuha niya ‘yung baggage ko. Medyo nagtaka lang ako dahil hindi siya nag I love you, too pero hindi ko na pinansin. Baka nakalimutan niya lang.

On the way home, panay ang pangungulit ko kung kamusta na ang wedding preparations. Pakiramdam ko tuloy nakukulitan na si Uno sa akin dahil hindi niya masyadong sinasagot ‘yung mga tanong ko. But I let it slide. Tomorrow, ako na ang bahala sa kasal ko. I will be the best bride ever!

Nagbless ako kay Mama at hinanap ko agad si Maicy pero sabi ni Mama na nasa kwarto daw siya.

“Maice?” I asked matapos kong kumatok. “Papasok ako, ha?” I said. Pumasok ako sa loob at nakita ko na nakahiga lang siya sa kama. “Nasa labas ‘yung pasalubong ko sa ‘yo.”

She stirred and then smiled. “Thank you, ate...”

Agad ko namang hinawakan ‘yung noo niya dahil ang tamlay niyang tignan. Wala naman siyang sakit.

“Ayos ka lang ba?” I asked. Ang tagal niya na na ganito, ah... Hindi pa rin ba sila nagkaka-ayos ni Justin? “Mukha kang may sakit...”

She smiled again and said, “Okay lang ako, ate... Headache lang.”

Tumango na lang ako kahit hindi ako totally convinced na simpleng sakit sa ulo lang iyon. Magsasabi naman siya sa akin kapag gusto niya na. But in order to change the topic, I said, “Thanks nga pala sa pag-asikaso mo sa kasal namin, ha? Ano nga pala ang comments ni Uno tungkol sa details?”

She froze for a moment but then she went on answering my endless questions.

A Drunken Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon