#ADMwp Chapter 27
Hinatid ko si Maicy sa bahay matapos naming mag-usap. Naaawa ako sa kapatid ko. Masyado yata akong nabulag kaya hindi ko napansin na nasasaktan din siya. Na kahit nasasaktan ako, nasasaktan din siya.
I’ve decided to leave the country pagkatapos ni Maicy na manganak. I couldn’t leave her like this. She’s a mess. She’s a bigger mess than I was.
Pumasok ako sa bahay at may kinuha akong ilang mga gamit. Medyo natagalan ako dahil panay ang pag-iyak ko. Hindi ko na pinigilan. Ito na nga lang ang magagawa ko. Ang umiyak para sa sarili ko.
Agad kong pinuntahan si Uno matapos kong ihatid si Maicy.
“Ano ‘to?” tanong sa akin ni Uno matapos kong iabot sa kanya ‘yung box.
“That’s us,” I said. “That’s our memories together,” pagpapatuloy ko na may mapaklang ngiti. Binuksan niya ‘yung box at tumambad sa kanya lahat ng regalo na binigay niya, lahat ng sulat na ginawa niya.
“Let’s finally end it here, Uno,” sabi ko sabay punas ng luha. “I’m begging you, marry my sister... Alagaan mo naman siya...”
Nakatingin lang sa akin si Uno.
“Mira...”
Unti-unti akong napaupo. Wala na akong lakas. Pagod na pagod na talaga ako.
“Uno, ‘wag mo namang pabayaan ‘yung kapatid ko... Inalagaan ko ‘yang buong buhay ko... Mahal na mahal ko ‘yan...”
He held me and then hugged me.
“Mira, ikaw ‘yung mahal ko,” he said.
“Mahal din naman kita.”
“Then don’t push me away like this,” sabi niya na basag ang boses. “Don’t hurt me like this.”
I broke the hug and cupped his face. “Uno, I am hurting. I am hurting so bad that I can’t feel a thing anymore... Manhid na manhid na ako...” sabi ko sa kanya. “So please, please release me from your love.”
“Mira...”
“If you really love me, unlove me, Uno. ‘Wag mo na akong mahalin kasi sa iba mo na dapat ituon ‘yung pagmamahal mo,” I said and then kissed him for the last time.
BINABASA MO ANG
A Drunken Mistake (COMPLETED)
General Fiction"It was just one night... One night that ruined the years we shared. One night that ruined the forever we're about to build."