PSMPPDT 9

1 0 0
                                    

PARA SA MGA PINAGTAGPO PERO 'DI TINADHANA

***

Mabilis na lumipas ang mga araw, ilang linggo na mula noong nag-simula ang pasukan. Ilang linggo na rin pala akong nakikisalamuha sa mga batang estudyante ko. Ngayon ko lang nalaman na mag-iisang buwan na simula noong mag-practicum ako, marahil ay dahil sa nag-enjoy akong turoan ang mga bata. I never knew my heart would so full with this kids. Napaka-bibo nila, very attentive at masunurin pa. Actually, never nila akong binigyan ng sakit sa ulo. Tuloy ay may panahong gusto ko ng maging guro dahil sa experience ko ngayon.

Pero sa ngayon, wala pa akong fixed decision kung ano ang gusto kong kuning trabaho pagka-graduate ko. Isang araw gusto kong maging guro dahil sa mga batang tinuturoan ko ngayon. Later on maiisip ko naman ang pagsu-sulat ko. Gusto kong maging published author ng pangarap kong publishing house, ang Creative Mind Publishing Inc. na siyang isa sa pinakamalaking publishing house sa Pilipinas. I fell in love with CMP dahil binibigyan nila ng pagkakataon ang mga aspiring writer na gawing reality ang dream namin. Actually, ang lahat ng collection ko ng mga Tagalog Books ay CMP.

"Hindi nga pala ako makaka-luwas ng Manila. May Title Hearing kami." Malungkot na sinabi ni Bon ang kaniyang balita.

Sinabi niya sa akin na luluwas siya ng Manila para mag-celebrate ng first monthsary namin. Excited ako na kinakabahan pero ngayon ay gumuha iyon dahil sa balita niya. Bigla akong nalungkot. First month pa naman namin at para sa akin especial iyon.

Isang buwan. Isang buwan na ang Long Distance Relationship namin ni Bon. Akala ko noong una ay hindi ko kaya kasi malayo kami sa isa't isa. Paniniwala ko dati, imposible ang LDR dahil paano kayo makabibigay ng oras sa isa't isa gayong may ilang kilometro ang layo ninyong dalawa. Pero heto ako ngayon, walang gabi na lumilipas na kung hindi man ako naka-upo sa swivel chair ay sa kama habang kausap si Bon, katawagan man o ka-video chat.

Sa isang buwang relasyon namin, masasabi kong pwede pala ang LDR. Kasi may oras naman kami sa isa't isa kahit pa sabihing busy kami pareho sa eskwela. Naglalaan kami ng oras para maka-usap ang isa't isa kahit sa pamamagitan lang ng gadget. Noon ko nalaman, kapag mahal n'yo talaga ang isa't isa, kahit gadget lang ang source of communication ninyong dalawa, mananatiling matatag ang relasyon n'yo.

"Yow, Cali, 'tol! Kumusta na!" masiglang salubong sa akin ni Kysler nang makapasok ako sa VIP room ng Bar na madalas naming tambayan.

Nagsilapitan ang iba ko pang mga barkada at binati ako. Napatingin ako doon sa center table. May iilang bote na ng alak ang naka-tumba dahil wala ng laman.

"Late ka na naman kaya huwag ka ng mag-taka kung marami na kaming nainom," sabi ni Ekoy.

"Walang'ya ka talagang kausap, Cali. Sabing 7 pm nandito na. Anong oras na? Mag-aalas nuebe na!" sarkastikong ani Jory.

Tinawanan ko lang siya. Siya ang tumawag sa akin kagabi at sinabing magba-bar daw kami, pa-despedida ni Sol dahil aalis na siya sa susunod na linggo papuntang Canada. Doon na siya magta-trabaho bilang nurse.

"Oy! Marami tayong dapat e-celebrate ngayong gabi, ah," sabi ni Teron.

Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya. "Bakit, ano pa ba?"

"Si Sol ay magta-trabaho na sa Canada. Si Mikel ay pasado sa bored exam kaya may kaibigan na tayong architect." Napatingin ako kay Mikel. Nag-kibit-balikat siya at parang sinasabing 'Ako pa'. "Si Kysler naman promoted sa trabaho bilang Head Manager at isabay na rin natin ang pagpa-practicum ni Cali. Oh, 'di ba ang dami nating dapat e-celebrate. Ano na? Tagay na!" Napaka-bibo ngayon ni Teron.

Napa-palakpak kami dahil sa tinatamong success ng mga kaibigan namin. Nakaka-bilib lang, dati ay mas may oras silang tumambay sa biliyaran o 'di naman kaya sa bar. Inaakala ng lahat na hindi na makakapag-tapos ng pag-aral ang mga hinayopak na ito. Ngunit heto kami ngayon, nasa VIP room ng paborito naming bar, nag-cecelebrate ng mga naabot ng aming mga kaibigan. Masaya ako para sa aming lahat.

PARA SA MGA PINAGTAGPO PERO 'DI TINADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon