PSMPPDT 4

2 0 0
                                    

PARA SA MGA PINAGTAGPO PERO 'DI TINADHANA

***

Matapos ng gabing 'yon, hindi na muli kaming nagkausap ni Terein. Paggising ko kinabukasan ng araw na iyon. Pakiramdam ko ang bigat ng nararamdaman ko. Paano kasi, nagising ako dahil napanaginipan ko ang naging usapan namin ni Terein. Nakokonsensya ako no'n, gusto ko siyang makausap ngunit hindi pwede. Sinubukan ko siyang e-chat pero wrong move dahil si Grazel pala ang gumagamit ng accout niya that time.

Ilang araw akong hindi mapakali, hindi pinapatahimik ng konsensya ko. Nagsisisi ako kung bakit ko sinabi ang mga bagay na 'yon. Sa isip ko'y baka na-offend ko siya.

Gustong-gusto ko siyang makausap pero hindi ko alam kung paano. Hindi na rin kasi niya ako tinext o chinat man lang nang makapag-usap kami ng maayos. Pero isang araw, in-open ko ang account ko only to find out that he blocked me on facebook. Pakiramdam ko dinurog ang puso ko non. Ganoon na lang ba 'yon? Auto block agad? Wala man lang last words bago ako binlock? Wala man lang closure?

Bakit naman kailangan pa ng closure, e wala naman kaming label. Tsk!

So ayon. Hanggang doon na lang ang walang label naming relasyon ni Terein. Pero sana man lang nag iwan siya ng last words, ano? May pinagsamahan din naman kami. Minsan ko naman siyang napasaya, na-comfort, inalala at ginusto. Noon ko narealize, pampalipas oras nga lang talaga niya ako. Wala akong halaga sa kanya. Wala siyang pakialam sa akin. Nakakalungkot, dahil matapos kong ibigay ang oras ko sa kanya at atensyon, basta-basta na lang niya akong tinalikuran nang wala man lang ni paalam.

Wala, eh. Tapos na kasi ang papel ko sa buhay niya. Kumbaga sa laroan na remote control, lowbat na ako at si Grazel ay full charge na ulit kaya doon na siya. Kumbaga sa kontrata, expired na ang pagkagusto niya sa akin. Kumbaga sa online game, may new season si Grazel, samantalang ako ay walang pinagbago.

Masakit. Ilang linggo rin akong umiyak. Gusto ko mang kalimutan na ang nangyari pero nakatatak na 'yon sa isip ko kaya pauli-ulit ko talagang maaalala. Nasa akin na 'yon kung paano ko dadalhin ang alaala na 'yon. Kung sa tuwing maalala ko ba 'yon ay magpapadala ba ako sa sakit. O mangingiti na lang dahil nangyari iyon sa buhay ko at maari kong pagkuhanan ng aral.

Study first before you enter AGAIN the Kingdom of Love, Calixtie. Aral muna bago jowa. Diploma first before boys, paalala ko sa aking sarili, ginagaya ang paraan ni mamo ng pangangaral sa akin.

Kaharap ko ngayon ang aking mga libro, nag-aaral dahil final exams na. Nangako ako sa sarili ko na mag fo-focus na ako sa pag-aaral, pag-aaral lang at wala ng iba. Hindi ko maaring bigoin ang mamo ko. Napakalaki ng utang na loob ko sa kanya kaya hindi ko siya maaaring bigoin sa huli. Malapit na akong grumaduate, makakabawi na rin ako sa kabutihan ni mamo sa akin. Kaya dapat sa pag-aaral na lang ang focus ko, hindi na ako dapat pang mag-entertain ng mga bagay na maaring maging distraction sa pag-aaral ko.

Hindi naman naging distraction sa akin sina Lime at Terein noon. Kahit na sabihing nire-reply-an ko si Terein kahit nagkaklase ang teacher. Hindi naman nawawala ang atensyon ko sa pag-aaral. Pero hindi rin naman sila naging inspiration sa akin. However, tama na siguro yong dalawang beses? Siguro pang experience lang 'yong dalawa, o dumating lang sila sa buhay ko para bigyan ako ng lesson. Kasi ganoon naman talaga, hindi ba? May mga tao na darating sabuhay mo either papasayahin ka o sasaktan ka. Pero kahit gano'n, may iniiwan naman ang pangyayaring 'yon na aral.

"Okay, everyone listen up. Kahapon ay napag-usapan ng mga senior member ng dance club ang pagkakaroon ng retreat. Since malapit nang mag end ang school year, napag-isipan nilang magkaroon ng bonding ang lahat ng member ng dance club. 3 days and 2 nights 'yon. Kaya naman, ngayon pa lang ay magpaalam na kayo sa mga parents niyo. Sa Friday ang alis natin at sa linggo naman tayo babalik. Hindi tayo pwedeng mag-absent dahil karamihan sa members ay graduating student," inanunsyo iyon ni Rayver, isa rin sa senior member ng dance club namin.

PARA SA MGA PINAGTAGPO PERO 'DI TINADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon