PARA SA MGA PINAGTAGPO PERO 'DI TINADHANA
***
Busy ako sa pagwawalis ng garden ni mamo nang hapong iyon. Hindi na naaalagaan ni mamo ng maayos ang garden dahil sobrang busy niya sa trabaho. Matapos kong mag-walis, nagtungo ako sa likod-bahay par kunin ang hose dahil magdidilig ako ng mga halaman. May bermuda grass dito noon kaya lang hindi naalagaan ng maayos kaya namatay rin kalaunan.
Matapos ko namang mag-dilig. In-arrange ko ang mga bulaklak na nakalagay sa paso. Gumawa rin ako ng sariling landscape para magtanim ng bagong halaman. Sinigurado ko munang malinis ang buong paligid bago ko niligpit ang lahat ng gamit saka pumasok sa loob ng bahay.
Pawis na pawis akong pumasok sa kusina, kumuha ng tubig sa ref saka nagsalin sa baso at ininom ito. Ang dumi ko kaya dumiritso ako sa banyo ng aking kwarto para maligo. Ang tagal kong natapos maligo, pakiramdam ko kasi kumapit ang lupa sa aking katawan.
Nadatnan ko ang cellphone ko na nakalagay sa ibabaw ng study table, nagri-ring. Nilapitan ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag. Si Bon. Natapos ang ring at noon ko lang nakita kung gaano na karami ang missed calls niya. 75 missed calls. Kinuha ko ang cellphone ko saka in-open ang messenger app. And to my surprise, bumabaha ang missed video calls ni Bon.
Bumuntong-hininga ako kasabay ng paglapag ng cellphone sa study table. Lumapit ako sa closet ko saka nag-hnap ng maisusuot. Simpling short shorts at oversized t-shirt ang napili ko. Binlower ko ng buhok ko para mabilis itong matuyo. Tamad kasi akong ibalot ng tuwalya ang buhok ko para matuyo. Naririnig ko pa rin ang paulit-ulit na pagri-ring ng phone ko. Tuloy ay pumapasok sa aking isipan ang itsura ni Bon ngayon habang paulit-ulit na tumatawag nang walang sumasagot.
Sigh. Hindi ko pa rin mahanap ang gana ko upang kausapin siya. Girlfriend niya ako at hindi ko siya dapat ginaganito pero anong magagawa ko, wala talaga akong ganang kausapin siya. Kapag pinilit kong kausapin siya, tiyak ay maaaway ko lang siya. Gano'n ako, kapag wala akong gana at pinilit ko, mauuwi sa galit o inis. Kaya mas mabuting huwag nang pilitin.
Umupo ako sa swivel chair sa harap ng study table saka binuksan ang laptop ko. Dumiritso ako sa MS word kung saan naroroon ang manuscript na kasalukuyang tinatapos ko. Noong isang buwan ay nag-submit ako ng manuscript sa CMP. Hindi ko alam kung anong magiging resulta no'n, ngunit hindi ako nage-expect na maa-approve 'yon bagaman may tiwala ako sa aking sarili.
-
"'Tol, una na kami. Salamat sa pakals," tatawa-tawang ani Jory.
"Sa susunod ulit, Cali 'tol," segunda naman ni Teron.
"Alis na kayo, mga palamunin kayo sa bahay ko," pagtataboy ko sa kanila.
Umagang-umaga, binulabog nila ako sa bahay dahil makikikain daw sila. Nabigla pa ako nang makitang ang gulo ng buhok nila tapos mukhang wala pang tulog at higit sa lahat, amoy alak. Iyon pala ay sa bar na naman natulog ang mga gag* at sa bahay namin naisipang mag-almusal. Wala naman akong nagawa kundi ang pakainin sila. Matapos din naman nilang kumain, lumayas na rin sila.
Mag-isa na naman ako sa hindi kalakihan naming bahay. Maliwanag na maliwanag sa loob ng bahay dahil pumapasok ang sikat ng araw. Pumasok ako sa kusina para ligpitin ang pinagkainan ng mga mangu. Mayamaya pa'y nakarinig ako ng parang may tumatawag sa akin. Tinigil ko ang aking ginagawa saka lumabas para tignan kung may tumatawag nga ba sa akin.
"Cali!" boses ni Lyn iyon.
"Lyn!" tawag ko sa kaniya. Kunot-noo akong lumapit sa gate para pagbuksan siya. "Anong ginagawa mo rito? Pasok ka."
"May importante akong sasabihin," aniya nang makapasok sa gate.
Sinarado ko muna ang gate bago kami pumasok sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
PARA SA MGA PINAGTAGPO PERO 'DI TINADHANA
Romance'Study first before you enter AGAIN the Kingdom of Love' iyan ang naging motto ni Calixtie matapos masaktan ng dalawang beses na magkakasunod. Panay sabi ng 'Ayoko nang mag mahal ulit' sa tuwing maaalala ang sakit na dinulot ng pagkaka 'friendzone'...