PSMPPDT 6

1 0 0
                                    

PARA SA MGA PINAGTAGPO PERO' DI TINADHANA

***

Tahimik kong pinagmamasdan ang mga kasamahan ko sa dance troupe habang bumubuo ng dance steps para sa opening program ng new school year. Next week ay may pasok na ulit. Fourth year na ako at mags-start na sa practicum. Excited ako na kinakabahan. Magpa-practicum na kami, papasokin na namin ang totoong mundo ng pagtuturo. Iba-ibang ugali ng studyante ang aming makakasalamuha at tuturoan, Kaya naman ngayon pa lang ay hinahanda ko na 'yong sarili ko.

"Start na tayo, guys!" anunsyo ni Nikko na sinabayan pa ng palakpak.

Nagsitayoan naman kami at pumwesto. Tinuro muna nila Nikko sa amin ang mga steps bago kami nag-proceed sa formations namin. Buong araw kaming nag-practice at kalahati pa lang ng kanta ang nasasayaw namin. Hindi na bale, may ilang araw pa naman kami para nag-practice.

Kinuha ko 'yong towel sa bag ko saka pumunta sa cr para makapag bihis.

Nasa loob ako ng isa sa mga cubicle nang tawagin ako ni Mikay.

"Cali, 'yong phone mo kanina pa nagri-ring!" aniya

"Sandali." Sinuot ko 'yong t-shirt ko bago lumabas. Nabigla ako nang maabotan silang lahat na nakatingin sa phone ko. "Hoy!" asik ko at patakbong lumapit sa kanila at inagaw 'yong cellphone.

Nagtataka naman silang tumingin sa akin.

"Bakit ka tinatawagan ng facilitator natin?" kunot-noo'ng tanong ni Tine.

"Hoy, sure ba kayong facilitator natin 'yan sa retreat?" pagde-deny ko.

Nginiwian lang nila ako.

"Magde-deny pa, eh, huling-huli ka na. Kayo na ba ha?" tanong ni Tine.

Ako naman ang napangiwi. "Syempre hindi!" depensa ko. Pero mukhang hindi sila naniniwala sa akin.

-

"Para sa 'yo nga pala." Inabot niya sa akin ang isang hindi kalakihang paper bag.

Pinangunotan ko naman siya ng noon. "Ano 'yan?"

"Gift ko sa 'yo," ngiti niya.

"Hindi ko naman birthday."

"Sa birthday lang ba pwedeng magbigay ng gift?"

Nagdadalawang-isip akong tinanggap ang paper bag. "Salamat, sir ah. Ano po 'to?"

"Buksan mo," nakangiting aniya.

Sinimulan ko namang buksan ang paper bag. Tinanggal ko 'yong pagkaka-stipple niya. Medyo mabigat 'yong laman, I wonder what's inside.

Nakamasid lang sa akin si sir Bon habang binubuksan ko ang paper bag, nakangiti.

Napasinghap ako nang makita ko ang laman ng paper bag. Pakiramdam ko umakyat sa ulo ko ang excitement at gusto kong magtatalon sa tuwa.

"Nagustohan mo ba?" nakangiti pa ring tanong niya.

Ilang beses akong tumango sa kaniya. "Sobra. Salamat," mahina kong sambit, pinipigilan ang tuwa na lumulukob sa akin.

Inamoy ko 'yong mga libro kahit naka-sealed pa ang mga ito. Grabe, iba talaga ang amoy at kapag hahawakan ang mga libro, nakakaramdam ka ng sobrang saya.

Kanina ay tumawag siya at sila nga Mikay ang nakasagot. Tinawagan niya ako ulit at sinabing magkita kami sa park dahil may ibigay siya sa akin.

"Sinabi ko na nga ba at magugustohan mo," nakangiting sabi niya.

Tumingin ako sa kaniya. "Paano mo nalamang magugustohan ko ang mga ito?"

"Dahil mahilig kang magbasa," simpling sagot niya.

PARA SA MGA PINAGTAGPO PERO 'DI TINADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon