PARA SA MGA PINAGTAGPO PERO 'DI TINADHANA
***
Linggo ng gabi nang bumyahe kami pauwi. Ang usapan ay tanghali kaming babyahe pero ang mga mangu, tinatamad daw silang bumyahe. 7 pm na nang mapag-desisyonan nilang bumyahe na kami. Tuloy ay 11 pm na kaming dumating.
Pagdating ko sa bahay ay off na lahat ng ilaw, ni-lock pa ni mamo ang gate. Inakala niya sigurong bukas pa kami uuwi. Mabuti na lang at may spare key ako. Ingat na ingat pa ako sa aking bawat galaw dahil baka magising si mamo, pagalitan pa ako dahil late na kaming naka-uwi. Pagpasok ko sa kwarto, nilagay ko lang 'yong dala kong bag sa sahig saka dumapa sa sahig. Nakakapagod ang byahe at late na rin kaya naman nakatulog ako kaagad.
Kinabukasan malakas na pagkatok sa pinto ang gumising sa akin na sinundan pa ng malaking boses ni mamo.
"Calixtie! Bumangon na riyan kung ayaw mong sirain ko itong pinto mo!"
Bumangon ako saka nag-unat. Bumaba ako ng kama at humarap muna sandali sa salamin para tignan kung may muta ba ako roon.
Umalingawngaw na naman ang malakas na katok ni mamo sa pinto to the point na halos sirain na niya ito.
"Mamo, gising na ako!" sigaw ko sa kaniya.
Pumasok ako sa banyo at maghihilamos na sana nang kumalabog na naman ang pinto ng kwarto ko.
"Calixtie!" Ang laki-laki na ng boses ni mamo, galit na yata siya.
Lumabas ako ng banyo at pinagbuksan siya. Galit na mukha ni mamo ang sumalubong sa akin.
Teka, anong oras na ba?
Nilingon ko ang orasan sa side table ko. At doon ko napagtanto kung bakit halos umusok sa galit si mamo. Dahil 11:39 am na. Grabe, ang tagal ng itinulog ko.
"Ah!" daing ko dahil sa pagsapok ni mamo sa ulo ko. Nakasimangot akong tumingin sa kaniya. "Mamo, masakit. Sorry na kung late akong nagisi-"
Pinutol ni mamo ang sinasabi ko. "May naghahanap sa 'yo," pagalit na aniya.
"Hmm? Sino po?" nagtatakhang tanong ko habang hinihimas ang ulo kong sinapok ni mamo.
"Ikaw bata ka." Kinurot niya ang tagiliran ko. Napadaing naman ako dahil sa sakit.
"Aray naman, mamo."
"Huwag mo akong inaartihan! Nagsinungaling ka sa akin, Calixtie.."
"Po?"
Nagsinungaling?
Kitang-kita ko ang mabibigat na paghinga ni mamo, tanda na galit siya.
"Bakit hindi mo sinabi sa aking may nobyo ka na?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni mamo. Alam niya? Paano?
"M-mamo..." Bigla akong kinabahan.
"Bakit mo itinago sa akin? Hindi ba't alam mong ayaw na ayaw kong naglilihim ka sa akin?" May diin ang bawat pagbigkas ni mamo. Napayuko ako dahil nahihiya ako. Nahihiya ako kay mamo. Narinig ko ang pagbuga niya ng malalim na hininga. "Mag-uusap tayo mamaya. Kausapin mo muna siya. Mukhang may hindi kayo pagkakaunawaan."
"Opo." Nakatungo akong sumagot kay mamo. Iiling-iling siyang lumabas ng kwarto ko.
Mabilis akong nagtungo sa banyo para mag-ayos ng sarili. Matapos ay saka ako bumaba. Naabotan ko sa sala si mamo na nakasandal sa sofa habang magka-krus ang mga kamay at paa, mahahalata mong hindi niya nagustohan ang sumalubong sa kaniya sa umagang ito.
BINABASA MO ANG
PARA SA MGA PINAGTAGPO PERO 'DI TINADHANA
Romance'Study first before you enter AGAIN the Kingdom of Love' iyan ang naging motto ni Calixtie matapos masaktan ng dalawang beses na magkakasunod. Panay sabi ng 'Ayoko nang mag mahal ulit' sa tuwing maaalala ang sakit na dinulot ng pagkaka 'friendzone'...