PARA SA MGA PINAGTAGPO PERO 'DI TINADHANA
***
Pagpasok ko sa kwarto, patapon akong humiga sa kama at tumingin sa kisame. Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing aalalahanin ang nangyari kanina. Pakiramdam ko namumula ang mga pisngi ko. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi saka napapadyak sa kama kasabay ng impit na tili. Gumulong ako sa kama hangang sa nabalot ako ng comforter.
Natigil lang ako sa kahibangan nang tumunog ang cellphone ko. Gumulong ulit ako para makawala sa pagkakabalot ng comforter. Kinuha ko ang cellphone sa ibabaw ng side table.
From: Bon
Tulog ka na?Pagkabasa ko sa text niya, napangiti na naman ako. Wala lang naman 'yong text niya. Napaka simple nga lang at ilang beses ko nang narinig mula sa mga kaibigan ko. Pero bakit ngayong siya ang nagtatanong, pakiramdam ko ay kinikilig ako.
Inayos ko muna ang sarili ko bago nag-type ng reply.
To: Bon
Hindi pa. Lalabas pa ako mamaya para hintayin si mamo.Wala pang ilang segundo nang mag-reply siya.
From: Bon
Punta ako diyan? Samahan kitang maghintay.To: Bon
Loko ka. Hindi pwede dahil gabi na.From: Bon
Ilang kanto lang naman ang pagitan ng bahay natin.To: Bon
Kahit na, gabi na. Matulog ka na nga lang.From: Bon
Ayaw ko, gising ka pa kasi.Naging matunog ang pagngiti ko dahil sa reply niya.
To: Bon
Ano namang connect?From: Bon
Ano nga palang tawagan natin?Naibaba ko sa mga hita ko ang telepono saka napaisip. Tawagan? Call sign? Endearment? Naging matunog na naman ang aking ngiti.
Ano nga bang magandang tawagan sa mag-jowa?
To: Bon
Ewan.From: Bon
Babe? Mhie and Dhie? Love? Baby? Honey? Hubby and wifey?Napangiwi ako sa mga binigay niyang choices. Ang cliche naman. Lahat sila ay gamit na ng mga nagkaroon ng jowa. May mga kakilala akong couple na ganiyan ang tawagan but they ended up breaking each others heart. Therefore, pang walang forever ang mga tawagan na 'yan.
To: Bon
Babe? Tss. Pangmayaman na CS na nauuwi lang sa hiwalayan. Mhie and Dhie? Tunog pang mag-asawa naman 'yan. Love? Hmm, ayaw ko. Masyadong obvious. Baby? Dzuhh, masyadong OA. Honey? Tunog pang mag-asawa rin. Hubby and Wifey? Pareha lang naman 'yan sa Honey at Mhie and Dhie. Ang cliche ng mga suggestions mo.Ang ideal call sign ko kasi ay 'yong unique, 'yong isang beses mo lang maririnig sa buong buhay mo. 'Yong may tatak forever. Ano nga ba?
Napatigil ako sa pag-iisip nang tumunog ulit ang phone ko.
From: Bon
Grabe naman. Sigi, ikaw na ang bahala. Pero maganda 'yong Mhie and Dhie. Maganda pakinggan.To: Bon
Eh, 'di jowain mo sarili mo tapos 'yan ang gawin mong call sign.
BINABASA MO ANG
PARA SA MGA PINAGTAGPO PERO 'DI TINADHANA
Romance'Study first before you enter AGAIN the Kingdom of Love' iyan ang naging motto ni Calixtie matapos masaktan ng dalawang beses na magkakasunod. Panay sabi ng 'Ayoko nang mag mahal ulit' sa tuwing maaalala ang sakit na dinulot ng pagkaka 'friendzone'...