PARA SA MGA PINAGTAGPO PERO 'DI TINADHANA
***
SOBRANG bigat ng pakiramdam ko sa ulo ko kinabukasan nang magising ako. Kulang na lang ay buhatin ko ito para makabangon sa kama. Maging ang mga mata ko ay sobrang bigat din, masakit kung bibiglain kong idilat. Kaya naman tinakpan ko ang mga ito gamit ang isa kong kamay upang sanayin sa liwanag. Nang pakiramdam ko ay hindi na gano’n kasakit. Tumayo ako at dumiritso sa banyo.
Binababad ko ang sarili ko sa ilalim ng malamig na shower nang biglang pumasok sa aking isipan ang nakita ko kahapon. Kasabay ng pag-agos ng malamig na tubig sa katawan ko ay siya ring pag-agos ng mabilis ng mga luha ko sa aking mga pisngi. Mas lalo lamang bumigat ang pakiramdam ko. Nakatulogan ko kagabi ang pag-iyak, ngayon naman ay kagigising ko lang tapos umiiyak na naman ako.
Bakit gano’n? Sa tuwing magmamahal ba ako, kailangan ba talagang masaktan din ako? Hindi pa ba sapat ang sakit na pinagdaanan ko bago ko nakilala si Bon? Bakit kailangan akong saktan ng paulit-ulit?
Mabilis kong tinapos ang pagligo ko. Kakatapos ko lang magbihis nang makarinig ako ng magkakasunod na katok mula sa labas ng aking kwarto, sinundan iyon ng isang boses na hindi ko inaasang maririnig ko ngayon umaga.
“Lovey? It’s me. Let’s talk… please,” nakiki-usap ang tono ng boses niya.
Napatingin ako sa kanan ko at hindi inaasahang sumalubong sa akin ang repleksyon ko sa salamin. Gosh! Ngayon ko lang ulit natitigan ang sarili ko sa harap ng salamin. I look so awful. Ang laki-laki ng eyebags at nangingitim pa ito, masyadong halata ang pag-iyak ko kagabi. Halata rin masyado ang puyat sa mukha ko.
Hindi ko namalayang tumutulo na naman pala ang mga luha sa aking mga mata kahit titig ako sa sarili ko sa salamin. Wala akong ibang babae na nakikita sa salamin kundi isang babae na sa tuwing magmamahal siya ay palaging nasasaktan. Isang babae na ilang beses nagpakatanga, umasa, at nasaktan pero hindi pa rin natututo. Bakit gano’n ka, Cali? Bakit hindi ka na natuto sa dalawang beses na nasaktan ka? Bakit ang rupok ng pundasyon mo?
“Lovey, please. I know you’re awake. Please open the door and talk to me. Let me explain about what you saw.”
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa pagiging sincere ng tono niya. Hindi ko kasi alam kung saan siya concern, eh. Sa nararamdaman ko ba o sa sikreto niya?
Gustong-gusto kong marinig ang sasabihin niya kasi mas lalong pinapabigat ng mga tanong sa isip ko ang nararamdaman ko. Gusto ko ng sagot pero natatakot ako. Natatakot ako sa kung ano ang maaari kong marinig. Mahal ko si Bon at natatakot ako na baka… baka niloloko niya nga ako. Ayaw kong marinig ‘yon dahil ayaw kong masaktan na naman sa pangatlong pagkakataon.
Pero parang may nagtutulak sa akin na buksan ang pinto at harapin ang katotohanan. Ngayon ay nasa harap ko na siya, gusto kong isarado ang pinto ngunit huli na sapagkat kaharap ko na siya ngayon.
“Lovey.” Mabilis niya akong kinabig at niyakap.
Hindi agad ako gumalaw, hindi ako gumanti sa yakap niya.
Sandali pa at siya rin ang bumitaw sa yakap. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Lakas loob akong tumingin ng diritso sa kaniya, ang mga mata ay walang buhay. Samantalang nakikita ko sa kaniyang mga mata ang pag-aalala.
BINABASA MO ANG
PARA SA MGA PINAGTAGPO PERO 'DI TINADHANA
Romantiek'Study first before you enter AGAIN the Kingdom of Love' iyan ang naging motto ni Calixtie matapos masaktan ng dalawang beses na magkakasunod. Panay sabi ng 'Ayoko nang mag mahal ulit' sa tuwing maaalala ang sakit na dinulot ng pagkaka 'friendzone'...