PARA SA MGA PINAGTAGPO PERO'DI TINADHANA
***
Tinignan ko ang hawak kong cellphone nang tumunog ang messenger tone nito. Binuksan ko ang messenger at nakitang nag-chat si Terein.
Terein Cruz: Cali, kita tayo? I want to see you.
Nang mabasa ko iyon, kinagat ko ng todo ang labi ko para mapigilan ang mapangiti. Pero hindi ko kayang pigilan ang natural na ngiti dulot ng kilig.
Hanu ba yan! Hindi ako marupok, ah!
Tumikhim ako saka pilit na tinggal ang ngiti bago nag type ng reply.
Calixtie Vergara: Bakit mo naman ako gustong makita?
Chos! May emoji pang kasama 'yan na nakataas ang kilay. Nagtataray kuno.
Si Terein, kaklase ko dati pero lumipat ng ibang school. Nagkita lang kami ulit sa bar no'ng ma-broken heart ako dahil na friendzone ng best friend. Ewan ko bakit nasa bar ako after no'n. Hindi ko alam paano nangyari. Pero hindi ako uminom no'n, ha. Umiyak lang ako doon sa isang tabi, 'yong madilim na part. Maingay kasi kaya walang makakarinig sa akin kahit humagulgol ako doon. Nang bigla akong abotan ng drink ng kung sino. Pagtingin ko, nabigla ako nang makitang si Terein pala iyon. Napahiya pa ako dahil nakita niya ako.
Simula ng gabing iyon, palagi na niya akong china-chat, halos every night magkausap kami sa phone, tine-text niya ako pag hindi ako online, tapos minsan lumalabas kami. Pakiramdam ko nga, naging comfort zone ko siya, eh. Nasabi ko sa kanya kung ano ang dahilan nang pag iyak ko sa loob ng bar. Kaya ayon, ang dami niyang words of wisdom sa akin. Napagaan talaga niya ang loob ko. Sa tuwing magka-usap kami sa chat man o sa tawag, napapangiti talaga ako.
Oo! Marupok na kung marupok! Crush ko siya dati, eh!
Ang gaan-gaan ng loob ko kapag siya Ang kausap ko. Mukhang nakalimutan ko na yata si Lime, eh. Marupok ako, oo. Pero madali lang naman akong maka move on. Well, Terein help me. Sa loob ng dalawang linggo, pinaramdam niya sa akin na nandyan lang siya para sa akin. Na maaari kong maging takbuhan. Kaya ayon, hindi ko mapigilang kiligin kapag gano'n.
Terein Cruz: 'Cause I miss you
May tatlong heart pa na emoticon sa dulo.
Hindi ko na naman napigilang ngumiti "Mmmmmmmm," impit akong tumili dahil baka marinig ni mamo sa kabilang kwarto. Baka mabulabog pa siya at pagalitan ako kung bakit gising pa ako e alas dose na nang gabi.
Madalas late na akong nakakatulog dahil kung hindi kami magka-usap sa tawag, e magka-usap naman kami sa chat. Nakakatulog lang ako ng maaga kapag may exam sa school kinabukasan. Pero kadalasan ay umaabot ng madaling araw ang kwentohan namin. Hindi kasi siya nauubosan ng kwento. Hindi rin siya boring kausap, minsan nga ay kinakantahan niya pa ako. Ewan ko ba, hindi ako nakakaramdam ng antok kapag siya ang kausap ko. Nakakatuwa lang talaga siyang kausap.
~Bakit ba ikaw ang naiisip ko at
Di na mawala-wala pa
Kahit na alam ko na ang puso mo
Ay may mahal na ngang iba
Ayaw ng paawat nang aking damdamin
Tunay na mahal ka na
Sanay hayaan mong ibigin kita
Maghihintay pa rin... at aasa~
At hindi ko namamalayan, mas napapalapit na siya ng sobra sa akin. Tipong kahit nag di-discuss ang teacher, kapag nag message siya ay re-reply-an ko talaga. Tipong gusto kong mauwi ng maaga para matapos ko agad ang gawaing bahay. At papanhik ng maaga sa loob ng kwarto para mas mahaba ang usapan namin.
BINABASA MO ANG
PARA SA MGA PINAGTAGPO PERO 'DI TINADHANA
Romance'Study first before you enter AGAIN the Kingdom of Love' iyan ang naging motto ni Calixtie matapos masaktan ng dalawang beses na magkakasunod. Panay sabi ng 'Ayoko nang mag mahal ulit' sa tuwing maaalala ang sakit na dinulot ng pagkaka 'friendzone'...