PARA SA MGA PINAGTAGPO PERO 'DI TINADHANA***
Mabilis na lumipas ang mga araw, hindi ko namalayang dalawang buwan na pala simula no'ng pumayag ako sa set up namin ni Terein - walang label.
Sa loob ng dalawang buwan na iyon. Walang araw na hindi ko siya nakakausap - sa chat man o text - at walang gabi na hindi kami nag kakausap sa tawag. Gano'n lang kami, hindi kami nagkikita, madalas sa pamamagitan lang ng cellphone kami nagkakaroon ng communication. Sa loob ng dalawang buwan na iyon, isang beses pa lang kaming nagkita. Ano pa bang aasahan natin sa isang second option? Maraming bawal sa malamang. Bawal makipag kita, bawal maunang mag-text, bawal maunang tumawag dahil kapag nauna ako at mabasa ng jowa niya - it's the end of us. Sandali! Wala namang kami, ah. Tsk.
Nakakatawa, dahil pumayag ako sa ganitong set up at parang nakokontento na lang na ganito kami, na gusto niya ako at ang mas malala... gusto ko na rin siya.
Bakit ang bilis kong mahulog? Muntanga, ang rupok!
Sa chat, text at tawag lang umiikot ang walang label naming relasyon. Tulad ng dati, kapag nagcha-chat, parang obligado akong replyan siya kahit nag kaklase ang guro sa harap. Bahala nang mahuli, mareplyan lang siya. Kapag tatawag sa gabi, bahala nang matulog ng madaling araw, huwag ko lang siyang makatulugan at hindi niya maramdamang tulad ako ng jowa niya, na hanggang ngayon wala pa ring time sa kanya.
Nakakalungkot isipin, na kaya ayaw niyang mawala ako ay dahil napupunan ko ang pagkukulang ng jowa niya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang tinanong ang aking sarili kung bakit ako nakokontento sa ganito lang? Na matapos akong umasa sa best friend ko, sa ganitong set up lang pala ako babagsak?
Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ang messenger tone nito. Nag-chat si Terein. Nakakatawa, dahil kahit aware ako sa lahat ng bagay na namamagitan sa amin ni Terein, nagagawa ko pa ring matuwa sa tuwing may message siya sa akin.Terein Cruz: Boss, kumusta?
Simpling kumusta lang naman, na araw-araw kong naririnig mula sa moma ko. Pero nagiging espesyal kapag sa kanya galing ang salitang ito.
Calixtie Vergara: Ayos lang, ikaw?
Terein Cruz: Hindi ako okay. Nag-away kami ni Grazel. Nakita niyang may kausap ako sa phone kanina, tapos inaway ako at gustong makipag-break sa akin.
Hindi ko alam pero may biglang sumibol na pag-asa sa puso ko. Hindi ako pwedeng matuwa, hinding-hindi. Dahil unang-una, hindi kami pwede sa isa't isa.
Calixtie Vergara: Break na kayo?
Terein Cruz: Hindi ako pumayag. Mahal na mahal ko siya at hindi ko kakayaning mawala siya sa akin.
Muntanga! Sinong umasa? Si Calixtie!
Pakiramdam ko maluluha na na naman ako. Ginagago ba ako ng tadhana?
Ako ang sumbongan niya kapag nag-aaway sila. Hindi niya alam, sa tuwing sasabihin niya sa aking hindi niya kayang mawala si Grazel dahil mahal na mahal niya ito, pinaparealize niya sa akin ang maraming bagay. Ayaw niya lang na mawala ako, pero hindi niya sinabing hindi niya kayang mawala ako, may pinagkaiba iyon. Ayaw niyang mawala ako dahil walang pupuna sa pagkukulang ni Grazel. Ayaw niyang mawala ako, pero kaya niyang mabuhay nang wala ako. Gusto niya lang ako pero si Grazel ang mahal niya. Napupunan ko ang pagkukulang ni Grazel, pero si Grazel ang kailangan niya sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
PARA SA MGA PINAGTAGPO PERO 'DI TINADHANA
Romance'Study first before you enter AGAIN the Kingdom of Love' iyan ang naging motto ni Calixtie matapos masaktan ng dalawang beses na magkakasunod. Panay sabi ng 'Ayoko nang mag mahal ulit' sa tuwing maaalala ang sakit na dinulot ng pagkaka 'friendzone'...