PSMPPDT 11

1 0 0
                                    

PARA SA MGA PINAGTAGPO PERO'DI TINADHANA

***

"Oh? Calixtie anak, ano't nakatunganga ka lang diyan?"

Nabalik ako sa realidad nang marinig ang boses ni mamo. Nilingon ko siya. Nakatayo siya sa pinto.

"Ano ba ang ginagawa mo riyan sa labas? Kanina pa kita hinahanap, kakain na," dagdag pa niya.

Tumango ako. "Susunod po ako."

"Bilisan mo. Masamang pinaghihintay ang gracia."

Napabuntong-hininga ako nang makapasok si mamo saka muling nangalumbaba. Ang sama ng pakiramdam ko, parang wala akong gana. Pakiramdam ko lalagnatin ako. Ang bigat ng pakiramdam ko.

Narinig ko ang pagtawag ni mamo sa akin mula sa loob kaya pumasok na ako. Mabilis kong tinapos ang pagkain at agad na pumanhik sa aking kwarto. Nang maisara ang pinto ay humiga ako sa kama at pinako ang paningin sa kisame. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala sa kisame nang maramdaman ko ang mainit na likido na dumaloy sa gilid ng aking mga mata. Blanko ang isip ko kaya hindi ko malaman kung bakit ako lumuluha, hanggang sa sunod-sunod na ang pag-agos ng aking luha.

Natakpan ko ang aking labi nang isang hikbi ang kumawala rito. Hinagod ko ang dibdib ko na parang sa gano'ng paraan mapapatahan ko ang aking sarili ngunit hindi, mas lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko. Bigat na kanina ko pa dinadala mula nang maka-uwi ako galin sa park.

Sinaktan mo siya, bulong ng isang tinig sa aking isip dahilan para mas lalo akong mapa-iyak at makaramdan ng guilt.

Ang akala ko ay kapag nakatulog ako mawawala na 'yong mabigat na pakiramdam ko kinabusakan ngunit mali ako. Dahil paggising ko kinabukasan, mas lalong lumala ang nararamdaman ko. Ang bigat ng mata ko. Pagtingin ko sa salamin ay sobrang namamaga ito, hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak kagabi. Mabuti na lang at walang pasok ngayong araw kaya hindi ako mage-effort na itago ang namamaga kong mga mata. Mabuti na lang din ay nakaalis na si mamo ng bahay nang magising ako.

Nag-suot ako ng sunglasses at cap saka lumabas ng bahay. Ang tahimik ng bahay namin at ayaw kong mag-play ng sad songs tapos ay magda-drama sa umaga. Kaya susugorin ko na lang ang bahay nina Jory. Aas otso pa lang kaya alam kong tulog pa ang isang 'yon at plano kong bulabogin siya.

"Pasok po kayo, ma'am Cali," anang katulong nila na siyang nagbukas ng gate sa akin. Pumasok kami sa loob ng bahay nila. "Si sir Jory po ay hindi pa lumalabas ng kaniyang kwarto. Alas quarto na siya nang maka-uwi kanina. Sina ma'am Alba at sir Ed naman po ay kaka-alis lang." Ang daldal talaga nitong si manang, tingin ko ay nasa 50's na siya. Wala pa man akong tinatanong ang dami ng sinasabi.

Nginitian ko si manang. "Hindi naman sina Tito Ed at Tita Alba ang ipinunta ko ho rito. Maraming salamat po, susugorin ko na lang po siya sa kwarto niya." Tinangoan ako ni manang at ibinigay sa akin ang spare key ng kwarto ni Jory. Ilang beses na akong nakapunta rito sa bahay nila kaya naman hindi na bago sa akin ang pasikot-sikot dito.

Ipapasok ko pa lang ang susi nang mapagtanto na hindi iyon naka-lock. Pupusta ko mga barkada ko, lasing na naman ito no'ng umuwi. Napapikit ako at agad na tumalikod dahil sa naabotan ko sa loob ng kwarto ni Jory. Nag-kalat ang mga damit sa sahig samantalang may katabing babae sa kama si Jory, naka-unan si balikat niya ang babae habang nakayap.

Naiinis ako napa-iling.

"Sunog! Sunog!" sigaw ko, iyong sakto lang na magigising silang dalawa. "Sunog! Tulong! Sunog!"

Napabalikwas silang dalawa sa kama at parang mga timang ang mukha. Agad akong nakita ni Jory kaya kumalma ang mukha niya.

"Cali?!" Gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ako. Gano'n din ang babaeng katabi niya. Bahagya kong tinabingi ang aking ulo habang tinitignan sila, sa gano'ng paraan ko sinasabing nakalantad ang katawan nilang dalawa.

PARA SA MGA PINAGTAGPO PERO 'DI TINADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon