PSMPPDT 17

1 0 0
                                    

PARA SA MGA PINAGTAGPO PERO 'DI TINADHANA

***

Umupo ako sa isang bench sa park kung saan kami madalas tumambay ni Bon sa tuwing pupunta kami sa park.

Maaliwalas ang panahon ngayon, kaya naman madaming tao sa park. Napatingin ako sa mga puno na animo'y sumasayaw sa kumpas ng hangin, ang ganda lang tingnan.

Napatingin ako sa batang lalaki na panay ang tawa habang tumatakbo dahil hinahabol ito ng sa tingin ko ay kaniyang nakakatandang kapatid. Ang cute tignan.

Awtomatiko naman akong napatayo nang madapa ang batang lalaki saka mabilis na lumapit. Kaagad ko itong tinulungang tumayo.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa bata habang pinapagpagan ang damit niya. "Nako! May sugat ka tuloy," sambot ko nang makitang dumudugo ang isang tuhod niya.

Tumingin siya sa tuhod niya, nang mag-angat ng tingin ay ayon na ang namumuong luha sa kaniyang mga mata.

"Mak-mak!"

Napatingin ako sa batang babae na humahabol sa kaniya kanina. May nag-aalala itong lumapit sa kapatid at agad na chineck ang katawan ng kapatid.

"Tsk. Nako naman, Mak-mak. Ang kulit kasi, eh. 'Yan tuloy nagkasugat ka. Ano na lang ang sasabihin ng mama mo?" nag-aalalang sambit ng batang babae.

"Hindi mo kapatid?" kunot-noong tanong konsa batang babae.

Tumingin naman siya sa akin saka umiling. "Hindi po, pinsan ko siya," may galang sa boses siyang sumagot saka muling bumaling sa batang lalaki na tinawag niyang Mak-mak. "Lagot tayo sa mama mo, hindi pa naman niya alam na lumabas tayo. Tara na uwi na tayo."

Tinanaw ko naman ang dalawang bata na papalayo sa lugar. Akay-akay ng batang babae ang batang lalaki. Para talaga silang magkapatid.

"Lovey."

Mabilis akong napatingin sa aking likod nang marinig ko ang boses ng lalaking kanina ko pa hinihintay.

Awtomatiko akong napangiti at lumapit sa kaniya. "Lovey," sambit ko kasabay ng pagyakap sa kaniya. Naramdaman ko namang ipinulupot din niya ang isang kamay sa likod ko.

"Salamat sa pagpunta mo," sinserong sabi ko.

Tipid siyang ngumiti sa akin.

"Tara na," aniya.

"Sa'n tayo?"

"Hindi kita nasamahan no'ng nag contract signing ka. Hindi rin kita nasamahang mag-celebrate kaya babawi ako," sagot niya.

Naramdaman ko namang lumundag ang puso ko. Pakiramdam ko maiiyak ako. Nagiging iyakin na talaga ako.

"Talaga?"

"Yes. So, let's go." Kinuha pa niya ang kamay ko saka bahagyang hinila para magsimulang maglakad.

Parang ang lahat ng luhang iniyak ko no'ng mga nakaraang araw ay pakiramdam ko nasayang. Sobrang nag-overthink ako matapos kaming mag-usap no'ng celebration namin ng mga tropa ko. Akala ko ay hindi na ulit magiging ganito sa akin si Bon.

PARA SA MGA PINAGTAGPO PERO 'DI TINADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon