PSMPPDT 13

2 0 0
                                    

PARA SA MGA PINAGTAGPO PERO 'DI TINADHANA

***

"Oh, class picture tayo, guys," sambit ni Val, hawak niya ang camera.

Agad namang nagtipon-tipon ang buong klase at handa na sa class picture.

Napakabilis ng araw. Hindi ko pa rin lubusang akalain na graduation ng school namin ngayon at isa ka sa ga-graduate. Parang kailan lang no'ng nagpa-register ako sa COED tapos nag-take ng entrance exam. Hindi ko rin malilimutan ang araw nang malaman kong pasado ako sa entrance exam, hangang ngayon ay natatandaan ko pa rin kung gaano ako kasaya no'n at kung gaano kataas ang talon ko dahil sa tuwa. Hangang sa nagsimula na ang college days ko. At ngayon tapos na dahil graduate na ako.

Calixtie Vergara, Bachelor of Elementary Education major in Content Education.

Ang sarap pakinggan. Parang lahat ng paghihirap ko mula sa simula hangang sa magtapos ako. I am very emotional right now. Lahat ng paghihirap ko ay nasuklian na. I just hope I am making my mamo proud.

"CONGRATULATIONS, EVERYONE!" We all shouted in unison, punong-puno ng saya ang boses dahil sa wakas, tapos na kaming makipag-deal sa nakakatuyo ng utak na subjects ng course namin. I am so thankful dahil sila ang naging kaklase ko.

Lahat kami ay binati ang isa't isa, maging ang hindi kakilala na gumraduate rin ay binati rin namin.

Ganito pala ang feeling kapag graduate ka na sa college, ano? 'Yong parang nakalutang ka na sa ulap. Dahil 'yong pangarap mong makatapos ay natupad na. 'Yong 'soon' na sinasabi mo lang noon, ngayon ay nangyayari na. Ang saya-saya lang.

"Cali, 'tol!"

Napalingon ako sa likoran nang marinig ko ang pagtawag ng pamilyar na boses sa akin. 'Ayon at nakita ko ang aking mga barkada, ang lalaki ng ngiti habang papalapit sa akin.

"'Tol, congrats!" Si Jory ang unang bumati sa akin sabay ginulo ang buhok ko.

"Naks! Cali 'tol, graduate ka na. Congrats sa 'yo," masayang bati sa akin ni Ekoy.

"Cali." Napatingin naman ako kay Lime. Napangiti ako nang makitang may hawak siyang bulaklak. "Congrats. Para sa 'yo." Inabot niya sa akin ang isang bungkos ng white roses na tinanggap ko nang may ngiti sa labi.

"Thank you, mga 'tol. Sa susunod na taon, kayo naman Lime, Kysler at Josh ang ga-graduate. Yiiiiieeee," sabi ko.

Ngayong taon ay ako lang ang gumraduate sa barkada namin. Sina Lime, Kylser at Josh ay parehong engineering ang course pero magkaiba ng major. Tapos si Teron naman at Ekoy ay 3rd year college palang sa architecture, pareho silang dalawa.

Lahat ng mga barkada ko ay nandito, maliban lang kina Sol na nasa ibang bansa na nagta-trabaho. Mas nakadagdag pa 'to sa saya, eh. 'Yong alam mong ang mga tao sa paligid mo ay masaya dahil sa naabot mo ngayon. I am so blessed with supportive people.

"Anak, congrats sa 'yo. Hay. Nagbunga rin ang lahat ng pagsisikap mo. Cum Laude ka pa. Proud na proud ako sa 'yo, anak." Heto na si mamo, nagsisimula ng mag-drama. Kitang-kita ko kung paano pinipigilan ni mamo ang nangingilid niyang mga luha. Tuloy ay hindi ko rin mapigilan ang mapaluha.

"Mamo, naman, eh. Huwag ka ngang mag-drama, tuloy ako naiiyak din," pagbibiro ko pa kay mamo.

"Tears of joy 'to. Masaya ako para sa 'yo."

Mas lalo akong naiiyak sa sinabi ni mamo. "Salamat, mamo. Utang ko sa 'yo lahat ng 'to."

Bahagya niya akong kinurot sa tagiliran. "Anong utang-utang ang sinasabi mo? Walang utang ang anak sa ina dahil responsibilidad namin ang pag-aralin kayo."

PARA SA MGA PINAGTAGPO PERO 'DI TINADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon