Cassie's POV
Napunta kami sa Gym ni Zachary. Until now, 'di pa rin naaalis yung tinik sa puso ko. Sana nananaginip lang ako. Sana hindi totoo ang lahat ng 'to. Sana naman noon pa sinabi na niya sakin ang totoo at nang hindi na ako nagpapakatanga sa kanya.
"Halika na ihahatid na kita sa inyo." Sabi ni Zachary tapos kinuha niya sakin yung bag ko.
Ewan ko ba.. biglang nawala yung inis ko kay Zachary. Parang mas comfortable ako sa kanya. Hinatid na niya ako pauwi.
"Ah sige... uwi ka na. Bye" Gusto ko siyang pasalamatan pero nahihiya ako eh. Siguro bukas na lang.
"Good night :) don't worry everything's gonna be alright." Pumasok na siya sa kotse niya.
Pagkapasok ko sa loob, nakita ko yung bag ni Nathan sa sofa. N-Nandito ba siya? Tinanong ko yung maid namin kung nandito ba si Nathan pero hindi siya makasagot. It's possible na nandito nga siya. Pumunta ako sa kwarto ni mom. When i entered the room, tama nga ako.. he's here. Kausap niya si mom.
Napatingin siya sakin at tumayo siya para lapitan ako. Umalis kaagad ako doon tapos pumasok ako sa kwarto ko at nilock ko yung pinto.
Bakit niya ba kailangan pumunta dito? Para ano? Para magpaliwanag sakin? Handa naman akong makinig sa kanya pero 'wag muna sana ngayon. Masakit pa eh. Katok siya ng katok sa pinto. Hinayaan ko lang siya kumatok. Humiga ako sa kama ko at nagtaklob ng kumot. 'Di ko napigilan na hindi maluha. Sino ba kasi yung babaeng yun? Ba't niya kiniss yung girl? Sila ba? Kung sila nga, sana sinabi na agad sakin ni Nathan na may gf na siya para hindi na 'ko umasa sa kanya. Siguro kailangan ko siyang mag explain sakin.
Hindi pa rin siya tumitigil sa pagkatok. "Get the key and come in." Sigaw ko. Naghilamos ako tapos inayos ko yung itsura ko.
Umupo ako sa kama; hinihintay siyang pumasok. Kumuha ako ng magazine, kunwari nagbabasa ako. Maya maya narinig ko na na bumukas yung pinto. Isang yakap ang natanggap ko.
Then bumulong siya, "I'm sorry" Napaluha ako sa sinabi niya. Pinunasan ko agad yung luha ko. I know na ayaw niya na nakikita niya akong umiiyak.
"Look at me please.." Mahinahon niyang sabi. Hindi ako tumingin sa kanya. Pinipigilan ko pa yung galit ko. Pati na rin yung sakit.
"Cassie please talk to me." Hindi ko siya sinasagot. Nalulukot na yung page na hawak ko.
"Okay.. let me explain. Yung nakita mo kanina, hindi ko sinasadya yun. I just accidentally kissed her." Tinabi ko yung magazine tapos hinarap ko siya.
"Then? Who's that girl?!" Nasigawan ko siya bigla. Lumalabo na yung paningin ko so anytime lalabas na yung mga luha ko.
"She's... my.... girlfriend.." Para akong nabingi sa sinabi niya. Ano daw? G-Girlfriend?
"Wha.. what?" Lumabas na yung mga luha ko na kanina pa gustong lumabas. Bakit hindi niya sinabi sakin? Bakit niya nagawang itago sakin 'to?
"Hindi ko na siya mahal. Dati lang yun. I met her when i was on US. Then nalove at first sight ako sa kanya. Hindi ko sinabi sa inyo na may girlfriend na ako. Unti unting nawala yung feelings ko sayo noon. To be honest, gusto na kita dati pa. Bumalik ako dito para malaman kung mahal pa ba kita o hindi na. These past few days, i realized na i still love you. Matagal ko nang pinaplano na makipagbreak sa kanya but i can't hurt her. She's my good friend. Naghahanap ako ng way para makipagbreak sa kanya until now. Sana mapatawad mo ako Cassie. Ayoko ng ganito. Ayoko na nasasaktan ka." Paliwanag niya.
Hindi pa rin ako nagsasalita. I'm speechless.
"I'm sorry for lying. I'm sorry for hurting you. I'm sorry for everything... i love you" I don't know pero parang nawala yung trust ko sa kanya. I think he's lying again. I saw him enjoying his day with that girl. I think he's happy when he is with her.
"I'll think about it. Please go home now." Humiga na ako sa kama. Nakaupo pa rin siya.
"No. Hindi ako aalis hangga't hindi mo ako pinapatawad." Tinignan niya ako at hinawakan niya yung kamay ko. Inalis ko yun agad.
"Hindi madaling magpatawad Nathaniel. Umuwi ka na." Tumayo ako then kinaladkad ko siya palabas sa ayaw at sa gusto niya. Nilock ko ulit yung pinto.
Ba't niya hindi kayang saktan yung girl? Pwede naman niyang saktan yung kaibigan niya eh. Basta humingi lang siya ng tawad. I guess mahal niya pa din yung girlfriend niya. Ang sakit lang isipin na may nauna na sakin. Na hindi ako yung first girlfriend niya. Nasanay kasi ako na ako lang yung napapansin niya.
Suddenly my phone rang. Tinignan ko yung caller id, unknown yung nakalagay. Kanino kayang number to? Sinagot ko agad.
"Are you okay now?"
Teka familiar yung boses niya..
"Zachary?" Sagot ko. Sumisinghot pa ako kasi kakaiyak ko lang.
"Yeah it's me. Are you crying? Okay ka na ba?"
"No i'm not. Actually kakaiyak ko lang kanina."
"Why? Pumunta ba si Nathaniel diyan?"
"Y-Yeah. He told me that, that girl is his girlfriend. He also told me na mahal niya daw ako."
"What the f*ck? Mahal ka niya tapos may girlfriend siya? Two timer siya ah! Bullshit. Naniwala ka naman sa kanya?"
"Pinag iisipan ko pa."
"Nasa sayo na kung maniniwala ka or hindi. Basta hindi ako naniniwala na mahal ka niya."
"Yeah.. btw how'd you got my number?"
"I asked Kye. Matulog ka na. Gabi na oh."
"Hindi ako makatulog eh. Si nathan kasi."
"Psh don't think about him. Kakantahan na lang kita."
"Baka hindi maganda yung boses mo ah ibababa ko talaga 'to."
"Tsk kinantahan na nga kita noon eh."
"Ay oo nga pala..." Yung kinantahan niya ako ng Thinking out loud nung foundation day.
"We're only getting older baby and i've been thinking about you lately.. does it ever drive you crazy....." Kumanta nga siya. Favorite song ko yung kinakanta niya.
Ang ganda ng boses niya. Nakakalimot ng problem. He's singing night changes of one direction. Naalala ko na naman si Nathan. Mahal niya ba talaga ako? Dapat kikiligin ako sa sinabi niya pero mas lalo lang akong nasaktan. I love him more than i love my friends.
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
VOTE
COMMENT
AND
BE
A
FAN!
BINABASA MO ANG
She's the Cold Princess
Teen FictionWho will win her heart? Is it her best friend or her enemy?
