Kye's POV
Hi readers! Hahaha nandito kami ngayon sa house ni Drake. Anong ginagawa namin? Wala lang haha nakaupo lang kami sa sofa. Boring talaguuh! :( sana pala sumama na lang ako kay Cassie at tita Amber. 'Di naman talaga kami nagsimba eh.. nasa mall kami kanina. Hindi namin sinundan sila Cassie ah! xD Yeah i lied to her mehehe~ minsan lang naman eh. :P
"GUYS UUWI NA LANG AKO. WALA NAMAN TAYONG GINAGAWA EH" Nagulat ako sa sigaw ni Zara. Ay grabe si ateng!
"Edi sige umuwi ka!" Sabi naman ni Kyle. Nag asaran na naman siguro sila tss. Aso't pusa talaga.
"TALAGA!" -Zara. Tapos nag walk out na siya. Sinundan namin ni Sabby si Zara. Si Kyle naman tawa ng tawa. Mukhang baliw lang eh no?
"Hey Zara! Stop right there." Sigaw ko sa kanya. Ayaw niya kasi tumigil maglakad eh.
"Zara!" Nako sumigaw na si Sabby! Galit na yan for sure. Tumigil agad si Zara kasi galit na si Sabrina.
"Marga pag sinabing tumigil, tumigil ka. Hindi yung nagbibingi-bingihan ka." -Sabby. Emeged nakakatakot po siya promise T.T parehong pareho talaga sila ni Cassie magalit. Shet.
Hindi na nagsalita si Zara. Alam niyo, naiinis ako minsan kila Sabby at Cassie at naaawa ako kay Zara. Kasi naman diba bakit kailangan pa nila pagalitan si Zara? Hello~ hindi na bata si Zara noh. Atsaka 1 year lang naman tanda namin sa kanya ah. Bakit kaya hindi na lang nila sakyan yung mga trip ni Zara? Ako nga hindi na lang ako naimik pag nagkakamali si Zara eh. Aba ano naman kung nagkamali siya? Lahat naman tayo nagkakamali ah. Ginagawa nilang baby si Zara eh psh. Anyway, naglalakad kami ulit pabalik sa bahay. Nagsorry na din si Zara kay Sabby pati na rin sakin.
Pagbalik namin doon, nandoon sila sa kitchen. Nakain yata? Pinuntahan namin sila at tama nga ako.. nakain sila. Nagugutom na din ako.
"Ah pwede kumain?" Sabi ko. Tumingin naman sila sa akin tapos nagkatinginan sila. Siniko ako ni Zara at tinignan niya ako ng baka-hindi-pwede look. Tapos sumimangot siya.
"Hmm.." -Lance.
Jusko! Nagiisip pa. Gutom na talaga ako T.T hindi ko na natiis kaya umupo na ako at kumuha na ako ng pagkain. Pinagtitinginan nila ako tinarayan ko lang sila.
"Oy Kye! Ano yan ha? Ba't ka nakain? May sinabi ba kami? Tss" -Drake.
"Shut up! Eh sa nagugutom na ako eh. Alangan naman na mamatay ako dito no? Kayo nang bahala sa kabaong ko ah." Inirapan ko siya at sumubo na ako ulit. Si Zara at Sabby naman hindi na din nakatiis. Kumain na din sila.
"Kayo di---" Hindi ko na pinatapos si Drake. Sinubo ko kasi sa kanya yung buto ng chicken.
"Sige mag salita ka pa, uubusin namin 'tong pagkain niyo!" Sabi ko. Wala na din silang nagawa. Go with the flow na lang sila.
After we ate, pumunta kami sa sala. 6:00 na pala.
"Hey sa saturday, pupunta tayo sa private resort namin. So.. are you in? Paki-inform niyo na lang si Cassie." Sabi ni Zach.
PRIVATE RESORT? OMG
"Omg sure! ^O^" sabi naming tatlo. Siguro si Cassie hindi yun sasama.
"Eh si Nathan? Kasama ba siya?" Tanong ni Sabby.
"Sinong Nathan?" -Kyle.
"Yung kasama ni Cassie palagi." -Ako. Tumango naman sila.
"Sure." -Lance, Drake, Kyle.
"Ano Zach? Sama na natin yun. :D" sabi ni Drake tapos inakbayan niya si Zach. Kumunot naman yung noo ni Zach.
"Keep your dirty arm off me. Tss bahala na kayo." Woah! Hahaha tinanggal agad ni Drake yung kamay niya kay Zach.
"So it means okay lang na sumama si Nathan. Bahala na daw tayo eh! :)" -Zara.
Waah excited na ako~ nag uusap kaming lahat ngayon. Haay! Nakakabored naman -.-" naisipan ko nang umuwi na. Mag gagabi na naman eh
"Uhm.. girls tara uwi na tayo. Inaantok na ako eh" Sabi ko sa kanila kahit hindi naman ako inaantok. :P
"Ay? Umuwi ka mag isa. Hindi pa kami uuwi ni Zara eh." Sabi ni Sabby tapos pumunta siya kay Drake. May sinabi siya... ay shit! Alam ko na yung sinabi niya >_____< ipapahatid niya ako kay Drake.
Bumalik na si Sabby tapos kinindatan niya ako. Tinignan ko siya ng lagot-ka-sakin look. Pag tingin ko sa likod ko, nandoon na si Drake. >__
Tapos bigla niya akong hinila palabas. Aray ko! Ang sakit ng pagkahawak niyaaaaaaaa!!! T.T
SABBY KASALANAN MO 'TO EH! LAGOT KA TALAGA SAKIN BUKAS! TT.TT
Pero kahit papano gentleman din pala siya. Pinagbuksan niya ako ng pinto eh. Pero binuksan niya yung pinto sa passenger's seat. Ha! Anong akala niya? Uupo ako doon? Asa siya!
Binuksan ko yung pinto sa likod tapos sumakay na ako. Nilock ko na din yung pinto.
"HOY! DITO KA SA HARAPAN HINDI DIYAN!" Sigaw ni Drake habang kinakatok niya yung bintana. Sinuot ko yung headset ko para kunwari hindi ko siya marinig.
Wala na siyang magawa kaya pumasok na lang siya sa driver's seat. Hahahahahaha nakita ko yung mukha niya sa mirror. Hahaha ang pangit! Nakasimangot kasi siya na parang bata na naubusan ng balloon. ∩__∩
Nagulat naman ako nang bigla siyang tumingin sakin. Tumigil naman ako sa pagtawa.
"Dito ka sabi sa tabi ko eh tch -.-" tapos asdfggkavwkfwkfowbgo hinila niya ako ulit! Pinapunta niya ako sa harap. Hindi ako magkasya! Nauuntog na nga ako sa bubong eh >____
"Aray ko! Wag mo na ngang ipilit na magkasya ako diyan! Ang liit na nga ng daan eh =___=" Inalis ko yung kamay niya sa wrist ko. Lumabas ako at lumipat sa passenger's seat.
"Oh ayan! Masaya ka na? Mag drive ka na nga at nang makauwi na ako psh -.-"
"Oo tss." Masaya daw siya? So weird. ?.?
Nagdrive na nga siya at sinasabi ko sa kanya yung way papunta sa bahay ko. Muntik na nga kami mabangga kasi may pusang tumakbo bigla. Grabe alam niyo ba, bumaba pa talaga siya tapos sinigawan yung pusa. Pati ba naman pusa pinatulan niya haaay! Ibang klase talaga siya.
Nang makarating na kami sa bahay, hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto. Bumaba na agad ako at pumasok na sa bahay namin.
Sinalubong ako ni mommy. Hindi na ako kumain. Pumunta agad ako sa kwarto ko.. ay oo nga pala! May assignment pala kami. Hayaan mo na kokopya na lang ako kay Cassie. Kinuha ko yung celphone ko at sakto may nag message. Si Zara yun.
From Zara: Hi Kye! Nakauwi ka na? Kakauwi lang din namin ni Sabby eh. Hmm.. hinihingi pala ni Zach yung number ni Cassie omfg. Binigay ko naman sa kanya hihihi ^.^v sige bes, good night! Kita kits na lang bukas :)
Dumadamoves si Zach ah! Hahha buti na lang binigay ni Zara.
To Zara: Yep kakauwi ko lang din. Buti binigay mo hahaha sige good night!
Tinabi ko na yung phone ko. Natulog na din ako.... inaantok na ako eh.
Sige readers, bye!
◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆
A/N: Hi! Thank you for reading and voting. Sana magustuhan niyo 'tong chapter :) SI KYE PO YUNG NASA RIGHT ------>>>
Vote
Comment
And
Be
A
Fan ☆
BINABASA MO ANG
She's the Cold Princess
Dla nastolatkówWho will win her heart? Is it her best friend or her enemy?
