Zachary
"Honey, makikipagkita lang ako kay Hanna. Babalik din ako kaagad."
"Yun yung babaeng ex mo dati diba? Oh bakit ka makikipagkita dun? Ano, makikipagbalikan ka sa kanya?!"
"Oo siya nga pero wala akong planong makipagbalikan sa kanya. May paguusapan lang kami about sa company."
"Papabantayan kita! Sige layas na! Pag ikaw nabalitaan kong girlfriend mo na ulit yung linta na yun, di mo na 'ko makikita kahit kailan!" Sabi niya then tinulak niya ako palabas sa bahay. "5:00 dapat nandito ka na kundi sasaraduhan kita ng gate -.-" Sabi pa niya. Hahaha magfafive na nga eh. Kahit kailan talaga yung babaeng yun napakaselosa :)
Pag dating ko doon sa coffee shop na palagi naming pinupuntahan ni Jana, sinalubong niya agad ako ng yakap. Matagal na kaming hindi nagkikita ni Hanna 5 years ago nung last naming pagkikita. Namiss ko din 'tong babaeng 'to :)
"Nice to see you again, Zachy. So, how are you? ^.^" She said habang inaayos niya yung buhok niya. Tinignan ko siya ng mabuti.. ang laki ng pinagbago niya hahahaha! Dati chubby siya tas ngayon ang payat na niya. Siguro nag diet 'to nung nag break kami. Tsk Zachy pa din yung tawag niya sakin -.-
"I'm fine. Actually i'm already engaged :) ikaw, kamusta ka naman? Grabe ang laki ng pinagbago mo ha? Hahaha"
"Oh wow. Physically i'm fine, emotionally i'm hurt. Hahahaha ako pa! Ang ganda ganda ko tapos ang taba ko? Oh gosh sayang ang beauty ko." Ayokong mag assume pero napansin ko na parang nasaktan siya.
Mahal niya pa rin ba ako? Naka move on na ba siya sakin? Natahimik siya pagkatapos niyang magsalita. Alam kong plastik lang yung ngiting yun.
(A/N: lakas maka-Harry Styles ah hahahahaha ^.^)
"What do you mean?" I said in confusion. Hinawakan niya yung kamay ko.. inalis ko naman yung kamay niya.
"Zachy, to be honest, hindi pa ako nakakamove on. I.... I... still love you." Kinagat niya yung labi niya kasi paiyak na siya. Wala akong masabi sa kanya..
Cassie's POV
Pinasunod ko yung BGs ko kay Zach. Mahirap na no baka mag cheat pa sakin si Zach eh. Nakaskype kami ng body guards ko. Naka harap yung camera kila Zach. Lecheng Hannang yan! Hinawakan niya yung kamay ni zach. What the fuck >__< muntik ko nang mabato yung phone ko sa inis ko. Sabi ko na nga ba eh hindi pa rin nakakamove on si Hanna kay zach.
Hindi ko naririnig yung pinaguusapan nila kasi nasa labas lang yung mga BGs eh. Nagtitimpi na talaga ako malapit na akong sumugod! Isang galaw na lang Hanna ipapabugbog kita sa body guards ko punyeta ka! -.- ipapaban kita dito sa Pilipinas eh para di mo na malapitan ang fiancé ko.
Napatayo ako sa upuan nung nakita kong niyakap ni Zach si Hanna. Oh my fucking gosh.. may kumirot sa puso ko. Aray ko! Nakakainis na si Zach :( ang landi landi niya! Dapat pala hindi na lang ako pumayag na magpakasal sa kanya.
Mas lalong kumirot yung puso ko kasabay ng pagpatak ng mga luha ko nung naghalikan sila. Binato ko yung phone ko.
Hindi ko alam na ganun pala si Zach. Niloloko niya lang pala ako. Kaya pala tuwing gabi busy siya sa phone niya tapos hindi niya sakin sinasabi kung sino yun. Pare-pareho lang pala yung mga lalaki ngayon. Pare-pareho silang manloloko! Hinagis ko lahat ng gamit na nakikita ko. Pinunasan ko yung mga luha ko tapos pumunta ako sa kwarto ni Zach. Tinapon ko yung mga gamit niya sa labas. Tangina niya kagaya rin pala siya ng mga ibang lalaki. Nangako siya na ako lang yung hahalikan niya pero anong nakita ko? I saw him and his ex kissing.
6:00 na at hindi pa rin siya dumadating. Humiga ako sa kama then may nakapa ako. Kinuha ko yun at kumirot na naman yung puso ko. Well, isang album yung nakuha ko... album na puno ng pictures nilang dalawa ni zach. Hindi ko kinayang tignan lahat ng pictures nila.
Tinawagan ko si kuya Alex. Siya lang naman yung masasabihan ko tungkol dito eh. Kapag sinabi ko kasi kala mom 'to, I'm sure na bubugbugin nila si zach. Bakit ba ganun si zach? Ano bang ginawa ko sa kanya? Ano bang kulang ko? Ako nga hindi ko siya magawang lokohin tapos siya nagawa akong lokohin.
"Hello Hye?" Pinipigilan kong umiyak kasi ayokong magmukhang mahina kay kuya. Sabi kasi sakin ni kuya, pag nag mahal daw ako, wag daw akong iiyak. Tinakpan ko yung bibig ko para hindi ako marinig ni kuya na humihikbi.
"Oppa, anong gagawin ko pag niloko ako ng isang tao?"
"You have to talk to him/her then let him go kung mahal mo yung taong yun. Oy tsong anong meron at ganyan yung tinanong mo sakin?"
"Wala lang oppa. Naghahanda lang ako sa future ko. *sniff*" Oh shit suminghot ako sana hindi mahalata ni oppa na umiiyak ako.
"Alright. Oh may sipon ka? Inom ka agad ng gamot para gumaling ka :) sige take care, bye."
Binaba ko na yung telephone. Ayoko pang sabihin kay oppa kasi masasaktan siya para sakin. 6:40 na pala.. ang bilis naman ng oras. Siguro naglalandian pa sila Zach. Hindi niya pa sinunod yung sinabi ko so he's cheating at me talaga.
-----
Nakatulog pala ako. Bumaba ako para tignan kung nandoon na si Zach pero wala pa rin siya. 9:30 na. Nagsimula na naman akong umiyak. Tinext ko siya pero hindi siya nag reply. Hinintay ko siya sa labas, umupo ako sa bench sa garden. Wala na ba siyang balak umuwi? Doon na ba siya matutulog kala Hanna? T.T
Akala ko siya na yung dumating pero yung body guards pala.
"Ma'am dumiretso sila sa isang bahay."
Parang gumuho yung mundo ko.
"Anong color ng bahay?"
"Orange po. Sa Monteverde Village." Shit. Nandoon nga siya sa bahay ni Hanna. Pasakay na ako sa kotse ko pero bigla akong nanghina. Natumba ako sa sahig buti nasalo ako ng body guard. Lumakas din naman agad ako pero hindi ko na tinuloy yung dapat kong gagawin. Pinauwi ko muna yung body guards sa bahay namin. (Sa bahay ng family ni Cassie)
Pumasok na 'ko sa kwarto then natulog na 'ko. Wala na akong planong hintayin si zach. Bahala na siya sa buhay niya. Ayoko nang umiyak. Balang araw, iiyakan niya ako.
-----------------------
A/N: Sorry for the late update. Busy na po talaga kasi ako sa school eh. Madami kasi kaming activities sa school so i hope you'll understand me.
VOTE
COMMENT
AND
BE
A
FAN ♡
BINABASA MO ANG
She's the Cold Princess
Ficção AdolescenteWho will win her heart? Is it her best friend or her enemy?
