Chapter 60 - Kyle & Zara

3.5K 71 2
                                        

Zara's POV

"Zam, wake up now."

Dinilat ko yung isa kong mata. Ay si daddy pala. Tumayo na ako at nag exercise. Hmm.. anong oras na ba? 6:00 pa lang pala.

"Baba ka na lang Zam ah :)" Sumimangot ako kay daddy. Ano ba yan tinatawag na naman akong zam tsk. Yung pesteng nanay ko lang naman yung tumatawag sakin nun DATI.

Psh hayaan ko na nga lang. Alam ko naman na miss na miss na niya yung mother ko.

Pumasok na ako sa CR tsaka naligo na 'ko. Bumaba na 'ko pagkatapos kong maligo. Okay na din na maaga ako papasok. After kong kumain, nagpahatid na 'ko sa driver namin.

--------

Nakita ko agad sila Cassie. Waaah nalate na ako sa chikahan nila :( tumakbo ako papunta sa kanila.

"Hey girl! Ang aga namin pumasok no? Nako ang dami na naming pinagusapan!" Daldal agad ni Janel. Shet kailan pa 'to natutong dumadaldal? Siguro nahawa samin hahaha :D

"Ano bang meron ngayon?" Tanong ko.

"Nothing hihi~" Sabay sabay nilang sabi na parang kinikilig pa. Halaaa ano bang meron ngayon!

Kinalabit ko yung lalaking dumaan. "Kuya ano bang meron ngayon?" Mukhang kinilig pa si koya oh. Tsk ang ganda ko talaga! ^.^v

"H-Huh? Wala naman. Bak----" Hindi ko na siya pinatapos at nag thank you na agad ako sa kanya.

Bumalik ako sa mga bruha. "Wala naman daw meron ngayon eh! Kayo ah niloloko niyo 'ko! :3"

"Wala nga! May sinabi ba kami na merong mangyayari ngayon? Nako guyths tara na nga sa classroom." Sabi ni Kye.

Sumunod na lang ako sa kanila. Huhu bahala nga sila diyan. Habang naglalakad kami sa corridor, nakasalubong namin yung heartthrobs. Biglang tumibok si heart nung nakita ko si Kyle. Huminto sila kasi kinausap ni Zach si Cassie. Hindi ko alam yung gagawin ko kaya nag smile ako kay Kyle. Hindi niya ako pinansin. Ang cold niya ah. Anong nangyari dun?

"Tara sabay sabay na tayo pumunta sa classroom." Automatic naman na pumunta na sila sa kani-kanilang partners. Nga nga ako ngayon. Mag isa akong naglalakad.

Naunahan na ako ni Janel eh kaya no choice, nagpahuli ako. Waaah bakit kaya ganun si Kyle? 'Di naman siya cold kay Janel. Nagtatawanan nga sila eh. Nakapasok na kami sa classroom at nagsimula na din yung klase.

Nag quiz kami sa Physics tapos ngayon, magchecheck na kami ng papers. Shet pano na 'to? Katabi ko pa naman si Kyle. Sige na nga! Kakapalan ko na yung mukha ko.

"Uy exchange na daw" Binigay ko yung papel ko sa kanya. Kinuha ko naman yung papel niya.

16/20 yung score niya. As usual nilagyan ko ng corrected by ZMC. Binalik niya sakin yung papel ko. Omg 18/20 akooooo~ tumatalino na talaga ako! :D Tinignan ko siya.. may sakit kaya siya? Ang cold niya talaga eh psh

"Kyle paheram ng liquid eraser." Sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Patuloy lang siyang nagsusulat.

"Kyyylleee paheram ng liquid eraser! Bingi ka ba? Punyeta!" Sinigawan ko na siya. Nakakainis na eh! Ayoko pa naman pag nagbibingi bingihan yung tao.

Nagulat ako nung binato niya sakin yung liquid eraser. Buti nakaiwas ako kundi natamaan ako sa mukha. Tsk siya pa galit. -.- inirapan ko siya kahit hindi siya nakatingin sakin.

"Okay goodbye class." Haay finally! First break na. Tumayo agad si Kyle tas lumabas na silang apat.

Pagyuko ko, may nakita akong panyo sa sahig. Siguro kay Kyle 'to. Pinulot ko yun tapos nilagay ko sa chair niya. Pero may nakita akong ZM na nakacarve sa panyo. Zara Marga yun ah! Hahaha joke :D assumera ko talaga. Pinuntahan ako nila Cassie.

She's the Cold Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon