Cassie's POV
Kumatok na 'ko sa pinto, "Janel?" Sabi ko. Maganda naman yung bahay nila pero may pagkaboyish style. Tomboy ba si Janel? Haha sayang naman yung ganda niya kung ganun.
"Come in" sabi ng lalaki. Wait what?! Lalaki? 'Di kaya kuya ni Janel yun? Pero kaboses ni Zachary eh. Baka naman magkasama silang dalawa sa loob.
Nakoo! Sana manatiling virgin pa yung mga mata ko pagpasok ko *cross fingers* ang green ko noh? Hihi pagkapasok ko sa loob, nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko. OMG.
"Hoy anong ginagawa mo dito? Nasaan si Janel? Nandito ka lang pala ah. Tamad mo talaga pumasok kahit kailan tsk." Sabi ko sa kanya. Bigla naman siyang tumawa ng malakas na parang wala nang bukas.
"Ba't ka tumatawa? Nasaan si Janel ha?" Hindi niya 'ko pinansin tawa lang siya ng tawa. Hmmp! Bahala siya diyan mawalan ng hininga.
"JAAANEL!" Sigaw ko. Nasaan na ba yung bruhang yun? Teka nga.. tomboy ba talaga si Janel? Ba't panlalaki yung design ng kwarto niya? Nalibot ko na yung kwarto niya pero wala siya dito. Hinagis ko yung tsinelas na nakakalat sa kanya.
"Aww hahahahaha!" Punyeta T.T ang lakas ng trip niya nakakainis na! Binato ko ulit sa kanya yung tsinelas.
"Hahaha ano ba yun? Haahahaha" =__________=
"Where's Janel?" Tanong ko sa kanya. Pag tumawa pa siya ulit, aalis na talaga ako dito. Umayos siya ng upo tapos uminom siya ng tubig. Ba't balot na balot 'tong lalaking 'to? 'Di naman malamig ah.
"Why are you searching for her here?" Yung mga kaibigan mo kasi!
"Sabi nila Lance tawag daw ako ni Janel kaya ako napunta dito. Nasaan nga kasi si Janel? Kailangan ko nang umuwi oh!" Tinignan ko yung wrist watch ko.. 5:00 na. Bwiset naman eh "-.- umupo muna ako sa sofa.
"This is not her house. It's my house." Huh? So it means... NILOKO LANG AKO NILA LANCE? Ugh what the heck! Padabog akong tumayo at pumunta kay Zachary tapos sinabunutan ko siya.
"Aray! What was that for?" Tinuloy ko pa rin yung pagsasabunot sa kanya. Hinawakan niya yung wrists ko para patigilin ako. Pare-pareho sila ng mga kaibigan niya! Ugh -.-
"Niloko ako ng mga kaibigan mo! Ipasa mo na lang sa kanila yung sabunot ko! Nakakainis!" Umupo ako ulit sa sofa. Waaaah! :(
"Niloko ka nila? Wait i'll text them." Maya maya nag reply na yung mga loko.
"Kaya ka daw nila niloko ay para masamahan mo daw ako dito. May sakit kasi ako ngayon." Napatulala ako sa sinabi niya. Ba't ako pa? Pwede naman na si Janel eh.
"Sus wala ka namang sakit eh! Niloloko niyo lang ako eh tch" Nakakailang kasi kaming dalawa lang yung nandito then nakatingin pa siya sakin. T.T
"Anong wala? Halika dito, tignan mo." Lumapit ako sa kanya tapos hinawakan ko yung noo niya at leeg. Oh well super mainit. Nakakapaso kaya!
"Oh tapo------ AAAHH!" Napasigaw ako nung bigla niya 'kong niyakap tapos napahiga kami sa kama. We stared at each other pero tumayo agad ako.
Shit. Bakit bigla na lang bumilis yung puso ko? Kailangan ko na talaga magpacheck up. Bukas na bukas magpapatingin na talaga 'ko. Kinuha ko na yung bag ko.. aalis na nga ako!
"No.. please don't leave." Napatingin ako sa kanya. Nakaramdam ako ng awa. Naalala ko kasi noon si Nathan eh. Hindi kasi kami bati noon tapos iiwanan ko na sana siya sa playroom namin pero nagmakaawa siya. Aish namiss ko na tuloy si Nathan.
Dahil sa naawa ako sa kanya, nilagay ko uli yung bag ko sa sofa. Tumayo si Zachary tapos kinuha niya yung gadgets niya. Binigay niya sakin yun lahat. Aanuhin ko naman yan?
BINABASA MO ANG
She's the Cold Princess
Ficção AdolescenteWho will win her heart? Is it her best friend or her enemy?
