Cassie
Medyo masakit yung katawan ko paggising ko. Ginawa ko na ang dapat kong gawin. Naglinis ako ng bahay then after kong maglinis, nagluto ako ng breakfast ko. Ako lang naman yung kakain eh. Kinuha ko na yung mga kailangan sa lulutuin ko. Meron pa kayang itlog? Binuksan ko yung ref.. ay wala na. Ano ba yan! Lalabas pa tuloy ako. Magkano ba yung itlog? Hmpf bahala na nga! Basta may mabayad ako okay na yun.
Okay na 'tong suot ko, nakashorts lang ako at nakasleeveless na damit.
Sabagay malapit lang naman yung supermarket dito. Kinuha ko yung susi sa bahay at wallet ko tapos lumabas na 'ko sa bahay.
Naalala ko si Zach.. hindi pa rin siya umuuwi. Ewan ko ba kung may balak pang umuwi yun. Napabuntong hininga na lang ako.
Sasakay na sana ako sa kotse ko pero nakita ko yung kotse ni Zach sa harap so it means nandito na siya.
My heart skips a bit when our eyes meet.Nasa harapan ko na siya ngayon.
I don't know kung sasabihin ko ba sa kanya na alam ko yung ginawa niya kagabi or i'll just keep silent. Pain and anger ang nafifeel ko ngayon.
Niyakap niya ako bigla. Napapikit na lang ako kinagat ko yung labi ko para 'di ako maiyak.
He cupped my face, " I'm sorry 'cause sobrang late na ako umuwi. Hinatid ko muna si Hanna sa bahay nila then naisipan ko na pumunta sa bar. Promse wala akong ginawang masama. Sorry hun" I know he's lying. Humiwalay ako sa yakap niya and sumakay na 'ko sa kotse ko.Hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya. Magpapahangin muna ako sa malapit na park sa supermarket na 'to. Ayokong umiyak. Hindi dapat iniiyakan ang mga lalaking sinasaktan ka.
Uy may ice cream! Tumakbo ako kay manong tapos bumili ako ng ice cream. Sabi nila pangpatanggal daw ng stress yung ice cream. Habang kumakain ako ng ice cream pinagmamasdan ko lang yung mga bata. Ang sarap maging bata ulit kasi pag bata wala pang problema eh. Masaya lang sila palagi."Cassie? yeogiseo mwohaneungeoya? naneun dangsin-ui eomeoniwa hamkke ibnida." Oh crap. Oppa and mom are here.
(What are you doing here? I'm with mom)"Amugeosdo. Geulaeseo naneun yeogie gagilo gyeoljeong hago nan geunyang jilu haeyo." (Nothing. I'm just bored so i decided to go here)
Sabi ko kay kuya.Dumating na si mom she hugged me, "oh bakit hindi mo kasama si zachary?" Kung alam mo lang kasi yung nangyayari mom eh. "Ah may ginagawa po kasi siya kaya hindi niya ako nasamahan :) ah sige mom oppa i have to go now." Kiniss ko yung cheeks nila bago ako umalis.
"Ah ganun ba. Ingat ka anak ha? Jib-e gaja." (Let's go home) umalis na nga sila ni kuya grabe ang daming pinamili nila mom.Zachary
She would freak out and more even hate on me kapag sinabi ko sa kanya yung totoo. Yes, i lied to her.
Doon na ako pinakain ng dinner kila Hanna then dun na din ako pinatulog. Dun ako sa masters bedroom natulog syempre. Wala naman kaming ginawang masama ni Hanna eh. We're just friends. Late na ako nagising kaya kanina lang ako nakarating.
Nakaupo lang ako dito sa couch hinihintay ko si Cassie. Galit ata siya sakin eh look, she didn't hug me back nung niyakap ko siya.
Tinatawagan ko sya pero 'di niya sinasagot. Isang tawag na lang talaga pag 'di niya pa 'to sinagot, hahanapin ko siya.*calling honey......*
*beep beep beep*Nabato ko yung phone ko. Biglang umulan ng malakas paglabas ko. Holy shit! Tinawagan ko ulit si Cassie. 'Di niya pa rin sinasagot baka nakapatay yung phone niya. Nag aalala na 'ko sa kanya puta.
Tinawagan ko sila tita. "Good afternoon po tita. Nandiyan po ba si Cassie?" Pabalik balik ako ng lakad. "Ay wala dito hijo. Wala siya diyan? Nakita namin siya kanina sa park malapit sa supermarket eh sabi niya uuwi na daw siya. Nako nasaan na yung batang yun!" She said. "Pupunta po ako dun. Tatawagan ko na lang po kayo pag nandito na siya." She said goodbye then she hung up.
Cassie naman eh! Nasan ka na ba! T*ng*na 'di ako mapakali sa kakaisip sayo.Cassie
Holy crap. Naabutan ako ng ulan omg T.T buti na lang dala ko yung kotse ko kundi maglalakad ako. Wala akong payong kailangan pa naman tumawid papunta sa parking lot shet pano yan tapos lowbat pa 'ko. Paano ako makakahingi ng tulong dito! May nakita akong panyo sa bag ko. Ah ilalagay ko na lang 'to sa ulo ko. Tumakbo na ako at sumakay agad ako sa kotse. Mga 20 minutes ako nastranded hahahahaha 'di ko agad naisip na may panyo ako ^.^
Hala madedrain na yung cp ko! Wala pa naman akong dalang powerbank ugh i-ooff ko nga muna 'to. Malapit na 'ko sa bahay (bahay namin ni zach)
Buti nakakaya ko pa magdrive halos wala na 'ko makita sa dinadaanan ko sa sobrang lakas ng ulan. Bumili pala ako ng ice cream hahaha para pagnastress ako kay zach, kakain na lang ako ng ice cream ^.^
Punyetang lalaking yun sinasaktan ako. Galing manloko *clap clap clap* ay ano 'to? Bat may kumirot sa puso ko? Ah.. masakit kasing maloko. Pinark ko na yung kotse ko sa garahe. Hindi pa 'ko ready makita si Zach.
Nagulat ako nung kumatok si Zach sa bintana ng kotse. Balak niya ba akong patayin? Langya. I took a deep breath bago ako lumabas.May hawak na payong si zach at pilit akong pinapayungan. Dumeretso ako sa CR pagpasok ko sa loob.
Ano ba Zach! Kunwari ka pang nagaalala ka sakin eh. Palibhasa mahal niya pa kasi yung Hanna na yun. Gulong gulo na 'ko. Kinakatok ako ng kinakatok ni Zach, "Cassie! Lumabas ka diyan please. Wag kang gagawa ng masama diyan please." Anong akala niya? Maglalaslas ako dito? No way. Hihintayin ko na lang yung huling araw ko at medyo malayo pa yun. Naghilamos ako then napatingin ako sa salamin, do i deserve to be fooled?
Ay sobra na yung kadramahan ko. Lalabas na nga ako.Niyakap ako ni Zach paglabas ko ng CR. "Okay ka lang ba? Thank God you're safe." Pumalag ako and syempre pinipigilan ko na hindi lumabas yung luha ko, "Ano ba zach! Let me go!" Nakawala ako sa yakap niya.. hindi ko na kaya.
Swerte ko kasi 'di niya napansin na may tumulong luha sa pisngi ko."Ano bang problema Cassie?! 'Di ko malaman kung ano ba yung t*ng*nang problemang yan! Sabihin mo na kasi f***ing bullshit!" Sige magmura ka pa. Kausapin mo yung hangin diyan. Umakyat na ako at pumunta na 'ko sa kwarto namin. Shet papalagyan ko nga ng master's bedroom 'tong bahay na to. Nagpalit na ako ng damit ko. May naririnig akong bumabagsak na bagay sa baba. Siya pa yung may ganang magdabog diyan siya na nga yung may kasalanan kaya ako ganito sa kanya. Humiga na ako sa kama. Lumabas na yung mga luha 'ko na kanina pa gustong lumabas.
Mas lalo akong napaiyak nung sumisigaw na si zach, "KANINA PA NGA AKO NAGAALALA SAYO HALOS MAMATAY NA KO SA PAGAALALA SAYO TAPOS NUNG DUMATING KA NA, PARA AKONG NABUNUTAN NG MALAKING TINIK AT LAKING PASALAMAT KO NA SAFE KA TAPOS KANINA DI MO MAN LANG AKO NIYAKAP ANG MASAKIT PA DUN AY DI MO KO PINAPANSIN. SANA NAMAN SINABI MO NA AGAD SAKIN KUNG ANO MAN YANG PROBLEMA MO." Tapos may mga naririnig na kong nababasag. Mali ako. Jinudge ko siya agad. Pinagisipan ko siya ng masama pero siya iniisip niya kung safe ba ako or hindi. Sinasabi ko na hindi niya ako mahal pero narealize ko na ganun niya pala ako kamahal. I'm so stupid ugh!
Bumukas yung pinto at mukhang umiyak siya kasi sumisinghot siya eh. Nakita kong pumasok siya sa cr narinig kong suminga siya at nagbuntong hininga.
Tumabi na siya sakin pero lumayo siya ng kaunti, "siguro naman narinig mo yung sinabi ko kanina" Nakatalikod siya sakin.
"Good night, i love you." Sabi niya pero 'di niya ako hinarap.Tears fell from my eyes. I feel so sorry for him TT.TT umusog ako para mayakap ko siya. I whispered to his ear, "I'm sorry."
--------------

BINABASA MO ANG
She's the Cold Princess
Novela JuvenilWho will win her heart? Is it her best friend or her enemy?