Cassie
"Uy zach samahan mo 'ko sa mall mamaya."
"May ginagawa ako eh kaya hindi kita masasamahan."
"Ah okay fine madami pa naman daw kidnappers sa mall. So pag 'di na 'ko nakatawag or text sayo, alam mo na ang ibig sabihin. Okay bye."
Binabaan ko na siya. Leche ayaw akong samahan -.- tinatamad lang yun umalis eh. Joke ko lang yung kidnapper thingy na yun sinabi ko yun para samahan niya 'ko pero wala eh. Pag yung sinabi ko nagkatotoo, bahala siya diyan. Bumalik na naman yung pagkainis ko kay zach ng biglaan. Parang nung dati, palaging mainit ulo ko sa kanya. 'Di naman ako nainis sa kaya kagabi eh? Anyare sakin.
Nakatapak na 'ko sa floor ng mall. Ewan ko pero kinakabahan ako parang gusto ko nang umuwi. Pero hindi pwede kasi may kailangan talaga akong bilhin dito eh. Nagsimula na akong lumakad sa mall. Pumunta na 'ko sa store na pagbibilhan ko ng gamit na bibilhin ko. 5 lang naman yung binili ko. Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya dumiretso ako sa S&R at umorder ng pizza.
Nagring yung celphone ko tss napatigil tuloy ako sa pagkain ko.
"Oh?"
"Where the hell are you?!"
"Secret. Umuwi ka na nga lang zach tapusin mo na yung ginagawa mo."
"Pucha nasan ka nga?!"
"Nasa white van kasama yung mga kidnappers."
"Tangina. Nasaan ka nga cassie! Pinagaalala mo 'ko eh!"
"Oh tas ngayon nagaalala ka diyan? Tch nasa S&R ako. Kung nagugutom ka na, dalian mo kasi matatapos na 'ko kumain dito."
"Syempre takot akong mawala ka! Stay there malapit na 'ko diyan."
Kinilig naman ako sa sinabi niya wushuuu ^////^ hinintay ko siya dito sa S&R. Ang boring naman!
Gusto niyo bang malaman kung kamusta na si Nathan? Ayun, nakahanap na din ng love life. Hahaha Xyrene yung name ng asawa or girlfriend niya hindi kasi ako sure eh.
"Buti naman hindi ka umalis dito." Dahil sa gulat ko, nahampas ko siya ng bag ko sa private part niya. Oh my gosh O.O
"Aww! What's your problem?!" Sabi niya habang inaano yung ano niya basta alam niyo na yun! Napalakas yung paghampas ko ng bag at sa private part niya pa talaga tumama hahahaha! Agad ko naman siyang pinuntahan tapos niyakap ko siya at nagsorry. Pinipigilan ko lang yung tawa ko eh kasi naman nakakatawa yung itsura niya ^___^
"Hehe ginulat mo kasi ako eh!" Alam niya naman na pagnagugulat ako, nananakit ako bigla. Eh ang tange niya ayan tuloy.
Umalis na kami agad doon sa S&R. Nagikot ikot muna kami sa mall na 'to. Graveh ang hirap magwindow shopping pareho kaming napabili ni zach ng mga damit eh. Hindi ako pinapansin ni zach simula nung umalis kami sa S&R nakakainis na nga eh. Palagi na lang siyang ganun -.- daig pa yung mga batang nagaway eh. Pero kahit naman ganyan siya, lab ko pa rin siya. Hahaha ^__^
Bakit nga ulit ako nagyaya dito sa mall? Ah kasi may sasabihin ako kay zach. Gusto niyong malaman? Okay i'll let you know my reason.
Sasabihin ko na kay zach na inarrange marriage si kuya sa taong hindi niya mahal. Syempre pagsinabi ko yun kay zach, wala naman siyang pake doon. So what kung gusto kong sabihin sa kanya yun? Hahaha.
"Zach you know what? Ikakasal so kuya sa babaeng hindi niya mahal. Dad forced him to marry a stranger. I don't know if I should hate dad for doing that or nah. What if he'll do the same to me?" Sabi ko kay zach. Napatingin naman siya sakin habang nakasimangot.
"Then i'll fight for you. Tsk hindi ka niya ipapakasal sa iba, sakin ka niya ipapakasal okay? don't worry." Niyakap niya ako.. naririnig ko yung heartbeat niya ang bilis. Mukhang nagaalala siya dahil sa sinabi ko ugh dapat pala hindi ko na lang sinabi sa kanya eh.
------
Nakauwi na kami ni zach sa bahay namin. Yep may bahay kaming dalawa. Ewan ko ba sa kanya excited magkaroon ng sarili naming pamilya eh hahahaha! Alam ng mga parents namin na naglilive in na kami at may sarili na kaming bahay.
Minsan lang ako umuuwi sa bahay. Pag wala si zach dito, umuuwi ako sa bahay. Minsan boring hahahaha gym lang kasi yung meron dito eh. Magpapalagay pa lang kami ng movie room. Nagluto na 'ko ng food for dinner good thing marunong ako magluto.
"Babe ako na maghuhugas dito. Matulog ka na okay? Maaga ka pa bukas papasok sa work."
"eh are you sure? ikaw din naman eh maaga ka din papasok. Ako na dito."
"No. 'Wag nang makulit Cassie! Ako na maghuhugas dito."
"Psh fine! Goodnight. -.-"
"Goodnight hahaha I love you." Lumapit siya para ikiss ako. Niyakap ko naman siya. Buti naman at hindi siya tamad hahaha bukas na nga lang ako maghuhugas.
"I love you too :)" I said tapos umakyat na ako sa taas. Nahiga agad ako sa bed at natulog na din ako.
-----
BINABASA MO ANG
She's the Cold Princess
Teen FictionWho will win her heart? Is it her best friend or her enemy?
