Chapter 83

2.5K 48 15
                                        

Kye






"Ano ba naman yan Ashley! Diba sabi ko wag mo paglaruan yung flour? Nako dun ka nga muna sa daddy mo. Ang dami dami kong ginagawa dito eh." Pano ba naman kinalat yung flour sa sahig tas nagsaslide siya so pati siya nalagyan ng flour. Dagdag pa sa trabaho yung kakulitan niya eh. Haay nako nakakastress 'tong batang 'to.

Tumungo siya siguro iiyak na yan. Nakasteady lang siya natakot siguro. Nakakastress na kasi eh.

"Drake paliguan mo nga muna si Ashley!" Sigaw ko. Nandon siya sa sala ewan ko kung anong ginagawa niya baka nanonood lang. Masyado kasi akong busy dito sa pagbebake kaya 'di ko na siya napapansin.

"Bakit? What happened?" Sabi niya habang papalapit na samin.

"Tignan mo naman yung ginawa." Tinignan ko si Ashley, nakayuko pa rin siya. Hindi siya nagsasalita.

Binuhat siya ni Drake tapos biglang umiyak si Ashley. Nakapout pa yung lips niya habang umiiyak. Sus daddy's girl kasi eh hahaha. Pumunta na sila sa CR. Pinunasan ko na yung sahig at pinagpatuloy ko na yung pagbebake ko ng cupcake.
Grabe pala magkaroon ng anak noh? Nakakapagod pero masaya naman. Yan si Ashley, ang kulit kulit niyan. Madalas si Drake yung kalaro niya kasi palagi akong may ginagawa. Pag wala naman si Drake, ako naman yung kalaro niya syempre pumapayag ako kawawa naman eh pag wala siyang kalaro.

Nung natapos na ako magbake, hinanda ko na sa table yung cupcakes. Actually pinilit ako ni ashley na gumawa ng cupcake kasi she's hungry daw. Wala naman akong magawa kaya nagbake na lang ako. Kukulitin kasi ako non pag di ako gumawa hahaha! Ay ayan na pala sila. Lumapit sakin si Ashley. Lumuhod ako para magkalevel lang kami.

"Mommy i'm sorry for what i've done. Promise i won't do that again :)" Sabi niya tapos kiniss niya ako sa cheeks. Kinurot ko yung pisngi niya huhu nakakagigil kasi siya eh ang cute cute!

"It's okay baby :) oh let's eat na." She clapped her hands. Sinubuan ko siya ng cupcake pero sabi niya she can eat by herself naman daw so hinayaan ko na lang siya.

Napansin kong nakatingin samin si Drake. Shet kinikilig akoooo! Hahaha kung makatitig kasi eh omg ang gwapo niya pa rin talaga. Bwiset hindi ko mapigilan na hindi kiligin. Grabe siya oh papatayin ako sa kilig parang nung dati lang hahahaha.

"Grabe ka naman makatingin drake! Kumain ka na nga dito. Sabayan mo na si Ashley at may gagawin pa ko." Lumapit siya samin na nakangiti pa rin.

"Hahaha sorry na po mommy Kye. Ang ganda niyo kasi tignan eh." Eto na naman yung mukha ko, nangangamatis na naman.

Niyakap niya ako ng mahigpit, "I'm so lucky to have you two." Hinalikan niya ako sa noo then tinabihan niya na si Ashley. Ako din Drake, masaya ako kasi hindi mo kami iniiwan ni Ashley at nagpapasalamat ako kasi napakamabuti mong tatay.

Anyways umakyat na ako tas sinimulan ko nang linisin yung kwarto namin ni Drake. Hindi naman masyadong madumi kaya mabilis lang akong natapos. Naligo ulit ako pagkatapos kasi sobrang init ngayon.
Habang pinapatuyo ko yung buhok ko, umupo ako sa kama. Nagisip lang ako ng kung ano ano hahaha! Pupunta na sana ako sa cr nang nagring yung phone ko. Aba sino kaya 'to? Tinignan ko yung caller id. Ay si Cassie pala. Halaaa namimiss ko na sila huhu tagal na naming di nagkikita eh. Kamusta na kaya sila Zara noh? Hahahaha nakain na kaya ng sistema yon? Haha di man lang ako tinatawagan eh.

"Yo cassie!"

"May sasabihin ako sayo omg" Sabi niya tas parang di siya mapakali hahahaha anyare kaya sa lokang to?

"What? Tell mehh now!" Hindi na 'ko mapakali eh naeexcite ako sa balita niya hihi

"Guess what??" Harujusko ayaw pa sabihin! Ano 'to, huhulaan ko pa yung sasabihin niya?

She's the Cold Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon