Chapter 67 - Confession

3K 64 11
                                        

Cassie's POV

4 days kami dito sa resthouse ni Zachary kaya hindi kami pumapasok. Grabe 'di ako sanay! Ang dami ko nang namiss na lessons T.T mag babasa basa na nga lang ako ng libro. Nandito kami ngayon sa beach. Gumagawa sila Drake at Kye ng sand castle. Sinasadya talaga ni Drake na mahawakan yung kamay ni Kye eh hahahaha! Gusto niya siguro si Kye hihi~ bagay naman sila eh. Pero babaero si drake eh kaya delikado si kye pag nainlove siya kay drake.

Kanina pa 'ko nakaupo dito sa sand. Ang init nga sa pwet eh. Nagsasound trip lang kami ni Sabby. Nagduduet kami :) ang hirap pala kantahin ng problem noh? Ang taas ng boses ni ariana eh. 'Di ko mareach hahahaha!

Sila Zachary, Lance at Janel nandoon sa dagat. Aaminin ko, ang hot ni Zachary ^.^v nakashirtless kasi siya eh edi kita yung abs niya. To be honest kanina pa 'ko nakatingin sa kanya. Ang galing niya magsurfboard eh. :)

"Uyy Cassie kanina ka pa nakatingin kay Zach ah! Ano, pogi ba? Hihihi ;)" Hinampas niya pa talaga yung braso ko tss

"Sus siya din naman nakatingin kay Lance! Crush mo siya noh? Nakoo babae umamin ka na hanggang maaga pa." Pinandilatan niya 'ko. Ay papalapit na sila Lance at Janel samin. Ah kaya pala ^.~

"Masaya ba mag surfboard Janel? Natuto ka naman agad? Hahaha paturo nga din ako Lance!" Sabi ko. Nakapulupot pa din yung braso ni Janel sa braso ni Lance. Landiii haha kidding.

"Yeah! Ah 'di pa masyado wahahaha nakakatakot yung alon eh T.T pero ipupush ko 'to." Tuwang tuwa siya habang nagsasalita.

"Kay Zach ka na lang magpaturo gurl. ZAAAAACH TURUAN MO DAW SI CASSIE MAG SURFBOARD!" WTF?! Dahil sa inis ko, kinurot ko yung leg niya. NAKAKAHIYA TT.TT

"Ha? Ayoko. Baka mangitim ka tapos baka 'di mo kayanin." Tsk ang KJ naman. -_______-

"K." Inirapan ko siya. Humiga ako sa sand nakakangawit umupo eh. 'Di pa rin siya naalis sa harap ko. Hmmp! Bahala siya diyan. Haaay nakakamiss naman si Nathan :( ang tagal ko na siyang di nakikita ah. I don't know pero parang nawawala na yung feelings ko for him.

Speaking of... he's calling. "Sino yan?" Tanong agad ni Zachary. "Nathan." Biglang nagiba yung itsura niya nung sinabi kong si nathan yung tumatawag. Umalis muna ako doon tsaka ko sinagot yung tawag.

"Hi Nathan! I missed you!"

"I missed you too :) i have something important to tell you." Waaah nakakamiss yung boses niya~ pero parang malungkot siya.

"What's that?"

"I.. I.. have to go back to US." Nagulat ako sa sinabi niya. Is he really serious? Hindi ako nakasalita..

"Kilala mo naman yung gf ko diba? May cancer siya at 50-50 ang buhay niya. So ngayon, kailangan ko siyang samahan sa US. Doon siya magpapagaling. Babalik din ako pag gumaling na siya. Sana naiintindihan mo ako Cassie. Hindi na din ako nakakapasok kasi pinapabantayan nila sakin si Trisha. Nahihirapan na 'ko kasi palagi akong walang tulog. Babalik din ako promise."

Naluluha ako habang pinapakinggan ko siya. Naiintindihan ko naman siya eh. Kahit binreak na naman niya yung promise niya sakin na hindi na siya aalis, okay lang kasi kailangan niya talaga eh. Naawa ako bigla kay Trisha ba yun? Grabe nakakaawa siya.

"Yeah.. i understand. Basta take care of her okay? Kailan yung flight mo? Don't worry okay lang sakin. :)"

"Really? Yes i'll take care of her. Don't be sad huh? Haha bukas na kami aalis 4:00 am. Nasaan ba kayo ngayon? Thank you so much Cassie!"

"Nasa resthouse ni Zachary. Kasama ko sila Sabby pati yung friends ni Zachary. You're welcome! ay sayang hindi ka namin mahahatid :("

"What?! 'Wag kang didikit sa ugok na yun ha? Baka mamaya halikan ka na naman nun eh tsk oh sige pakausap na sa mga babae." Hahahaha ang protective niya pa din. :) binigay ko na sa mga bruha yung phone ko. Grabe pinagaagawan nila yung phone ko

She's the Cold Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon