Cassie
So ayun nga kinwento ko na kung bakit ako galit kay Zach. You know what, useless yung advice ng mga bruhang 'to. Leche ang sarap sipain eh. Gusto nilang malaman kung bakit tapos walang kwenta rin pala yung mga advice nila -.-
Sinuot ko na lang yung headphone ko. Bahala sila diya----
Aray!
"How dare you! Listen to me Cass." Susootin ko na dapat yung headset ko pero pinigilan ako ni Kye. Ang sakit ng pagkahila niya sa headset pati tenga ko nadala. -.-
Hinayaan ko na lang siya magsalita. This is the last time na makikinig ako sa mga 'nonsense' advice niya.
"Cassie what if hindi na niya mahal si Hanna? Ikaw naman talaga ang mahal niya eh. You know, you need to talk to him." Sabi ni Zara.
She's right. Maybe i should talk to him. Siguro mamaya na lang may ginagawa pa sila sa baba eh ayoko naman silang madistorbo. Pero bakit ganun siya kay Hanna. Parang mahal niya pa rin yung babaeng yun. Malalaman ko din naman mamaya pag nagusap na kami ni Zach. Bumaba na sila Kye at naiwan ako dito. Kumuha ako ng ballpen and paper. "Let's talk later." Nilagay ko yung paper sa side table. Tumakbo agad ako sa cr kasi bigla akong naihi. Ang lamig kase eh. Narinig kong bumukas yung pinto at tumunog yung kama. Oh baka si Zach yan. Naghilamos muna ako bago ako lumabas ba't ang haggard ko? Kaloka. Siguro dahil sa mga advice ng mga bruha nakakastress kaya.
I'm right, nakahiga siya sa kama at mukhang stress na stress siya. Alam kong tumingin siya sakin pero hindi ako tumingin sa kanya. Ba't ako naguguilty? Hindi dapat ako magsisi na nagalit ako sa kanya. Ganun naman talaga pag nalaman mong may kasamang iba yung love one mo, of course hindi mo maiiwasang isipin na maybe he/she is cheating on you.
He called me, "Cassie." Still, hindi ako tumingin sa kanya. Kinuha ko yung earphones ko sa sofa then lumabas na ko. Oh my. Ang hirap na hindi siya pansinin ugh.
Later, Zach.
"Cassie tara sama ka samin sa mall." Sabi ni Kyle. Luh ang init init tapos magmamall kami? No thanks. Binatukan siya ni Zara, "Can't you see, it's so hot outside!" Napakamot na lang ng ulo si Kyle dahil sa sinabi ni Zara. Kahit kailan talaga gustong gusto magmall niyan ni Kyle tch. Ganun din kala Sabby and the lads, ayaw din nila mag mall. Medyo nadisappoint si Kyle hahahaha.
Napatingin kami lahat kay Zach habang bumababa siya. Pano ba naman, singhot ng singhot tapos namumula yung mata niya. Sumikip yung dibdib ko.. Umiyak na naman siya. Tumayo si Lance at inakbayan si Zach he tapped his shoulder tapos lumabas sila. Sinundan ko sila ng tingin.. siguro nandun sila sa garden.
Sa akin naman sila nakatingin. I raised my eyebrows, so what. Pumunta sila sa kitchen i think magbebake sila or something. Ang dami nilang nilabas na ingredients sa ref. "Hey ang dami niyan ah! Baka mamaya wala na kong maluto diyan." Pinuntahan ko sila hinarangan ako ni Kye so hindi ako makalapit sa kanila. What the f. "Uh oh. Doon ka na lang sa sala Cassie magbebake lang kami and hindi namin kukunin lahat yung laman ng ref niyo. Promise saglit lang 'to :)" She pushed me papunta sa living room.
Umupo na lang ako sa sofa at binuksan ko yung TV. Manonood na nga lang ako ng Victoria's secret. Bahala na sila dun.
Zachary
I hate to admit but yes i cried. Nakakainis naman napakaiyakin ko p*ta. Alam ko na iniisip niyo na bakit ako umiiyak, na dapat gumagawa ako ng paraan para pansinin na ako ni Cassie. Gumagawa din ng paraan pero syempre hindi ko maiiwasan na masaktan at maiyak. Kanina sa kwarto, tinawag ko siya pero she didn't hesitate to look on me. Nabasa ko yung note na nilagay niya sa side table ko. Natuwa ako na gusto niyang makipagusap sakin. Siguro gusto niya nang matapos 'to. So kinausap ako ni Lance well tinanong niya lang naman kung anong nangyari and he cheered me up. Kahit papaano, gumaan naman yung loob ko. Sabik na sabik na ako na malaman kung bakit galit sa akin si Cassie. I hope we can fix this problem.
BINABASA MO ANG
She's the Cold Princess
Teen FictionWho will win her heart? Is it her best friend or her enemy?
