Chapter 32

5K 135 3
                                        

Zach's POV

Tuwang tuwa ako kasi pumayag siya na maging kaibigan ko. Nandito pa din pala kami sa school.. malapit na din mag lunch. Nagtataka ako kung bakit siya pumayag. Eh diba ayaw niya sakin? Luh ang gulo niya pero nevermind. Nabobother pa din ako sa sinabi niya na in love din daw siya. Gusto kong malaman kung sino yung lalaking yun. Nung sinabi niya yun kanina, hindi na lang ako umimik. Binalewala ko lang. Pero deep inside nasaktan ako. Kasi malay mo, hindi ako yun. Tch

"Okay class dismissed. Good bye" Ay lunch na pala. Umalis na si prof. Nagsilabasan na din sila. Hindi pa kami lumabas kasi akala namin dito ulit sila kakain. Hinanap namin sila sa cafeteria... pero di namin sila nakita.

"Where are they? Nagugutom na ako!" -Kyle

"Eh kung mag tanong kaya tayo sa students dito?" -Gabriel

"Magkakarandapa naman sila satin pag kinausap natin sila." Totoo naman eh. Ayoko sa mga maingay na babae. Except na lang kila zara.

"Kuha tayo ng megaphone. Then tanungin natin silang lahat kung nakita nila sila Cassie." -Drake. Kumuha na sila ng megaphone. Ako na yung nagsabi.

"Excuse me. Nakita niyo ba sila Cassie?" I said through megaphone.

Napatingin naman silang lahat. Then nagbulungan sila. Psh tinatanong ko sila, walang sumasagot? Nice talking huh.

"Nice talking. Nasaan nga sila?! Pucha." Napamura na ako. Ayoko sa lahat yung hindi ako agad sinasagot pag may tinatanong ako. -____-

Napatigil sila sa pagbubulungan.. suddenly, may nagtaas ng kamay.

"A-Ah.. nag cr po sila." Sabi ng babae.

"Okay. Thanks" sabi ko. Kinindatan ni Drake yung girl. Namula tuloy tss babaero talaga -.-

Pumunta kami sa girl's cr. Kumatok ako sa door. Pero walang nag bukas. Nilapit ko yung tainga ko sa pinto. May mga nagsasalita so ibig sabihin may tao.

"Ang tagal naman. Nandiyan ba talaga sila? Gutom na gutom na ako eh." -Gabriel. Kanina pa siya ah! Hindi makapag hintay tss

"CASSIE LUMABAS NA KAYO DIYAN!" sigaw ko at sinipa ko yung pinto. Tama nga kami, nandoon sila nakatayo sa harap ng salamin.

"Ano bang ginagawa niyo diyan? Nagpapaganda? Wag na kayo mag paganda kasi maganda na kayo eh. Kanina pa namin kayo hinahanap.. halika na nga! Kumain na tayo." Sabi ni Kyle habang hinihila si Zara palabas.

"Di naman kami nagpapaganda eh. May pinaguusapan lang kami. Haay nako kyle! Napaka mo talaga! Bitawan mo nga ako. Ang sakit ng pagkahila mo ah! -.-" sinigawan ni Zara si kyle pero si kyle, patuloy pa din sa paglalakad.

"Bro anong table no.?" Sigaw ni Drake. Medyo malayo na kasi sila samin.

"18" sabi ni kyle tapos tuluyan na nga sila nawala.

Nandoon pa din sila Cassie sa loob.

"Let's go." Hinila ko na din si Cassie. Binitbit ko na yung bag niya. Hindi na lang siya nag salita. Sumunod na din sila Gab.

Nung nakarating na kami sa cafeteria, nagtinginan lahat sa amin. Yung ibang babae iniirapan pa sila Cassie. Tinakpan ko yung mata ni cassie para di niya makita yung mga babae. Inalayan ko naman siya sa paglakad no! Gentleman ako eh. :D

Nakita agad namin sila Kyle. Nakain na sila. Nag order na din siya ng pagkain namin. Umupo na kami..

"Oh zara, hindi na mainit ulo mo? Haahaha ^_^v" -Sabrina. Sumimangot naman si Zara.

"Hindi na. Kaso nung nakita kita, nag init bigla ulo ko." Sabi ni Zara na nakangiti. Nag aasaran na naman sila.

Hindi ako pinapansin ni cassie. Ano na naman bang nagawa ko? Ah siguro dahil hinila ko siya kanina. Kinalabit ko siya.. napatingin naman siya sakin. Tumingin ako sa mga mata niya. Nakakainlove talaga.

"Bakit hindi mo ako pinapansin?" tanong ko sa kanya.

"Eh wala naman akong sasabihin sayo eh."  Sabi niya tapos inirapan niya ako.

Ay oo nga naman. Magsasayang pa siya ng laway kung wala naman talaga siyang sasabihin. Common sense Zach! -.-

"Sabi ko nga hehe" nakakatakot siya mangirap. Kumain na lang ako ulit.

"May sinabi ka ba? Di ba wala?" -Siya.

Barado na ako. Patay!

"Wala. Sige na kumain ka na lang ulit. Sorry if i disturb you." Kumain na nga siya ulit. Masunurin pala siya eh hahaha

"Zach, friends na ba talaga kayo ni Cassie bae?" -Kye.

"Oo. Why?" Di ba halata? Lol

"Hindi halata eh. Diba guys?" Tumango naman sila. Tumahimik na lang ako. Tss ang moody kasi ni cassie eh.

"Uhmm... remember nung pumunta tayo sa MOA? After that day, bakit hindi niyo kami pinapansin noon?" -Zara 

Hindi ako nagsalita. Si Drake na yung nag explain

"Nasa rule kasi namin na wala dapat kaming kikilananin na ibang kaibigan except sa group namin. Pero ngayon, inalis na namin yun. Hindi kasi namin kaya na di kayo pansinin eh. Baka mabaliw kasi si Zach eh. Gusto niya na daw makausap si Cassie. Hehe peace tayo Zach! ^___^v" sabi ni Drake. @!#%*!?*#@$%**

"Sorry for the word, fuck you!" Binatuhan ko siya ng buto ng chicken. Buti hindi niya ako binatuhan. Subukan niya lang, makakalbo ko siya.

"Hahahaha sorry na! Haha :P" Nagtawanan lang sila doon. Si cassie din tumatawa pero mahina lang.

Tumingin ako sa watch ko, magtatime na pala.

"Oy magtatime na! Tara na."  Sabi ko sa kanila. Nag ayos na sila. Binitbit ko na yung bag ni cassie. Habang naglalakad kami, naririnig ko yung sinasabi ni Sabrina kay Lance.

"Aww ang sweet ni Zach oh! Dinadala niya yung bag ni Cassie. Shemay! Kinikilig akooooo~" -Sabrina

"Gusto mo din kiligin? Akin na yung bag mo ;)" -Lance

Tapos yun nagkulitan lang sila. Nakarating na kami sa classroom namin. Umupo na sila cassie sa seats nila. Lumapit ako sa prof namin...

"Sir, gusto ko lumipat sa tabi ni Cassie Sy. Lipat niyo na din sila Lance sa tabi ng mga kaibigan ni Cassie."  Sabi ko sa prof namin. Gusto kong makatabi si Cassie eh. Bakit ba? Permanent chair ko na 'to. :D

"Okay.. Stacy, Ann, John, Nikki please transfer at the back. :)"  -Prof. Lumipat naman agad sila Stacy. Umupo na kaming apat sa tabi nila Cassie.

Walang sinabi si Cassie sakin. Hindi niya ako kinausap. Nakikinig kasi siya eh. Mamaya ko na nga lang siya kakausapin. Nakinig na din ako kay prof. Hindi naman ako b*bo no. Medyo matalino kaya ako. Haha ^.~

++++++++++++

A/N: Hello~ sorry kasi maksi lang ito. :) Hope you'll like this chapter! ^.^

VOTE

AND

BE

A

FAN

<3

She's the Cold Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon