@@@LUCY@@@
"sure ka ba sa gagawin niyo? Tanong ko kina Akira at Bhesty.
Napag-usapan kasi nila na pagsilosin si Koname para tigilan na nito si Bhesty. Sasabihin daw nila kay Koname na sila na (gf/bf).
Tas para hindi matuloy yung balak ni Koname na Magtapat kay bhesty.
Hindi ko alam kung maganda ang gagawin nila kasi naman feeling ko hindi magandang idea eh. Feeling ko mas magiging malala ang mangyayari kapag nagsinungaling sila tsaka paano na lang kung malaman nilang kapatid ko si Akira eh di huli agad tapos mas lalong iinit ang ulo ni Koname sa akin Haist bakit kasi hindi na lang diritsyahin ni Bhesty si Koname eh para hindi na ito patay na patay sa kanya at para mawalan na siya ng sakit ng ulo tsk.
Madali lang naman SIGUROng gawin iyon di ba? na sabihing hindi kayo pwede kasi ayaw mo sa kanya hehhee joke lang ano ba naman kayo. Alam kong mahirap sabihin iyon sa isang taong may gusto sa iyo nuh, makakasakit ka kasi, ikaw pa ang magiguilty sa huli pag may nangyari masama sa kanya di ba? di ba? tama ba ? tama? Okey fine alam ko unli ako kaya huwag na kayong magreklamo kung paulit ulit^^.
"yup" sagot ni Justin.
"game na ako sa pag acting" ani naman ni Akira.
Ewan ko ba pero parang ako ang kinakabahan talaga sa kanilang dalawa at lalo na kay Akira. Kasi naman kilala ko si Akira, lagi itong nadudulas at nasasabi iyong mga bagay na dapat hindi sabihin pag galit na ito, kaya wish ko lang hindi siya awayin ni Koname pag nalaman nitong 'Sila na' kuno ni Bhesty, baka sumabog ulo nito sa galit at masabi niya kay Koname ang secreto nila.
Wala na rin naman ako magagawa kasi naman nakapagdesisyon na silang dalawa, so ano pang magagawa ko? Di ba? di ba? haist..kaloka
Pagkapasok namin sa loob (alangan namang sa labas^^). Marami na kaming nakitang mga bisita and halata sa mga damit nila at sa mga kilos nila na puro sila galing sa maharlikang pamilya.
Agad kong hinanap sina Ndrew at Mj, pero sa dami ng tao eh hindi ko sila makita at idagdag pang puro nakamaskara pa ang mga tao rito. Lahat may maskara sa mukha, kasama na ako at itong mga kasama ko.
Ahmpft paano ko nga ba mahahanap ang mga iyon kung puro natatakpan ang mga mukha nila tsk. At paano ako makakaiwas sa gulo kung hindi ako makakalayo sa dalawang ito?.
After 5 mins ay nahanap na nina Akira at Bhesty si Koname, nakablack gown ito at ang ganda ng maskara niya, parang butterfly style ba tapos madali siyang hanapin kasi may hawakan ang maskara niya at anytime ay pwede niya itong ibaba o tanggalin sa mukha niya at sakto ng lumingon si Bhesty sa kanya ay hawak nito ang maskara nito na hindi nakalagay sa mukha niya at dahil hindi ko mahanap ang mga gangmate ni Bhesty ay hito ako ngayon sa tabi nila, no choice kundi sumama sa kanila. Dahil Wala akong kilala na kahit na isa sa mga bisita ,kaya iyon.... no choice ako kundi sumama sa kanila, ay ano ba yan paulit ulit na lang. tama na nga yang explain explain na yan, nakakabaog eh.
Nasa harap na kami ni Koname ng mapansin niya ang presence namin.
"Koname, si Justin ito" ani Bhesty.
"oh Justin, ang gwapo mo sa suot mo"wika nito habang nakangiti.
"salamat, maganda ka rin ngayong gabi" balik naman ni Bhesty , then tumikhim si Akira.
"Sino yang dalawa mong kasama ?"
tanong ni Koname kay Bhesty habang nakataas ang kanang kamay nito na may hawak na kupita.
Hay naku, hindi ako nakilala ng bruha paano ba naman kasi nakaayos ako ngayon. Nakasuot ako ng cocktail dress na pink at nakalugay ang malalago kong mga buhok. Naglagay din ako ng kunting make up para mas litaw ang TAGLAY kong kagandahan. Ahahhaha tandaan niyo yan TAGLAY kong kagandaha ahahah lumalandi ang lola niyo.Pero pwera biro, Hindi talaga ako makikilala ng kahit na sino ngayon maliban kina Akira at Bhesty. Ibang iba naman kasi talaga ang hitsura ko ngayon. Im so BEAUTIFUL, you know? Ahahha.
![](https://img.wattpad.com/cover/11415310-288-k447558.jpg)
BINABASA MO ANG
HATE ME UNTIL YOU LOVE ME
Teen Fictionisa akong nerd na palaban! (this is not a copy paste story) no plagiarism!