The Start of Friendship

105 6 0
                                    

Author: kamusta madlang readers? ang bagal kong mag-update nuh?? bc na rin kasi ako sa work ^_^... Oh sya , hito na..  SOLO  (LUCYxTAKI)
.
.
.

(TAKI's POV)

Tapos na naming ihatid si Ate Chloe at si Pangit na lang ang kasama ko sa kotse..

"Haist, inaantok na ko" rinig kong sabi ni pangit at nag-yawn.

Bigla ko namang inihinto ang sasakyan dahil naiihi na talaga ako kanina pa.

"Oh? Bakit tayo huminto?" tanong ni pangit.

"Iihi ako, bakit? Gusto mo bang sumama?" wika ko rito at hindi ko na sya hinintay na mkasagot dahil agad na akong bumaba... ihing – ihi na kasi talaga ako >_<

Lumayo lang ako ng kunti at doon umihi...

Pabalik na ako sa kotse ng may matapakan akong madulas...at...pakshet lang...nagpagulong-gulong ako pababa..

Ramdam na ramdam ko ang bawat galos na nakukuha ko habang pagulong-gulong na pababa...plus maputik pa...

.

.

.

(LUCY's POV)

"Ang tagal naman ng Takin a yon, naghanap pa yata ng banyo ah"

At dahil naiinip na talaga ako sa kotse ay hindi ako nakapagtimpi na maghintay na lang...kaya bumaba ako sa kotse at sinundan ang daan na tinahak ni Taki kanina.

Nagpalinga-linga ako sa paligid pero hindi ko Makita si Taki...

Saan naman yon napadpad, eh dito lang naman yon pumunta...

"Taki! Nasan ka na!" sigaw ko rito.

Hindi naman nya ako iniwan, di ba?... nandito ang kotse at hindi sya maaring umuwi na maglakad dahil malayo pa kami.

Ano ba naman to haist...

"Taki! Ano ba! Lumabas ka na nga..."

Tas may nakita akong bracelet sa lupa, kaya naman pinulot ko..

"Kaya Taki to ah..." sabi ko ng kunin ko ang bracelet..

Sigurado ako, sa kanya to...Pangalan nya nakatatak eh, tsk...

"Teka...huwag mong sabihing nahulog sya sa bangin?" bigla naman akong kinabahan sa naisip...

Huwag naman sana....

Unti-unti akong tumingin sa may bangin, at para makasiguradong hindi ako mahuhulog ay kumapit ako sa isang sanga...

At bigla akong napasinghap at nailagay ang kamay ko sa bibig ko ng makita kong nagpagulong-gulong pababa si Taki...

At naalala ko...

Patay kang bata ka!...

Napabitawa ako sa pagkakahawak sa sanga, kaya diridiritsyo ako pababa T_T

Toink!

Toink!

Toink!

agad ko namang pinakiramdaman ang katawan ko ng malaman kong nasa baba na ako.

Awtsu!!!! Ang aking pwet! Ang sakit T_T

"Ang tanga mo talaga! bat ka nagpahulog! Paano na yan?" sigaw agad ni Mboy sakin...

Kapal nang mukha nito...kung makatanga wagas ah...eh sya naman tong unang nahulog tsk.

"Sa Tingin mo gusto kong magpahulog? Huh! ...Gusto lang naman kitang tulongan kaya ako napadpad rito." singhal ko rito.

HATE ME UNTIL YOU LOVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon