Chapter 5

338 44 7
                                    

>>>>>>>>>LUCY<<<<<<<

Lunes na! ang araw na kinatatakotan ko ?. No violence Lucy! Kailangan mong iwasan ang makipag-away ng 1 month pero paano iyong kay Koname at Sheryl? Ah bahala na..

Pagkapasok ko pa lang ng Academy ay may bulong bulongan na akong naririnig at mukhang ako ang paksa, hanggang sa makarating ako sa Kwarto ko ay para pa ring may mga bubuyog sa paligid ko, murmur roon, murmur dito at kahit saan yata ako pumunta eh puro na lang bulong nila ang maririnig ko ...na umaabot hanggang sa tenga ko, at kasing linaw pa ng tubig ang naririnig ko tsk.

"siya iyon di ba?"

"iyan iyong babaeng sumuntok kay Princess Koname"

"ang kapal ng mukhang pumasok pa rito"

"alam niyo bang siya ang target ni Master?"

"siya iyong bagong target di ba?"

Iyan ang lagi kong naririnig sa mga bulong nila, kung matatawag ngang bulong iyon. Ako daw ang bagong target ng Master nila? Sino nanamang Master iyon? Kailangan ko pa ngang harapin si Koname sa magandang usapan, KUNG madadaan sa magandang usapan. Hindi ako maaring makipag away ngayon dahil ayaw kong matalo sa pustahan. Sisiguradohin kong ako ang mananalo sa pustahan namin ni Justin.

Pero teka nga, sabi nila ako ang target, so ibig sabihin lang non.......OMG! mukhang matatalo ako sa pustahan. Bawal akong humingi ng saklolo kay Bhesty dahil nasa pustahan rin namin iyon. So mukhang mahihirapan ako nito haist.

Pagkatapos ng klase ko ay dumiritsyo ako sa banyo para umihi at sa paglabas ko ay naroon na sina Koname at Sheryl. Parang sa mukha pa lang nila eh malalaman mo ng gusto nila ng gulo.

Patay kang bata ka...bakit ba kasi lapitin ka ng gulo?..haist

"Hindi pa kami nakakabawi sayo pero nakagawa ka na ulit ng hindi maganda" wika ni Sheryl.

Makapagsalita talaga ito parang ang gaganda ng mga ginagawa ah, tsaka f.y.i lang ah wala pa akong ginagawang mali... gandang isumbat yan sa kanila tsk. Pero bawal...kailangang magpigil...

"oo nga, at ang pinsan ko pang si Taki Ryan ang binangga mo"

Taki Ryan? siya kaya iyong master na tinutukoy nila?...hindi ko siya kilala!!!!!!!!!!

"anong pinagsasabi niyo? At sino naman niyang Taki Ryan na pinagsasabi niyo?"

pagkasabi ko niyan ay bigla akong sinampal ni Koname. Mukhang nagiging habit na nitong sampalin ang mukha ko ah at mukhang hindi pa ito natuto sa ginawa ko sa kanya last week ah..ay pasalamat kang babae ka...at may pustahan kami ni Bhesty.

"Hindi mo ba alam na si Master Taki Ryan ang leader ng Wizard gang at ang pinakamalakas sa lahat ng wizard gang?"

Malamang,leader nga di ba?kaya dapat lang na siya ang pinakamalakas.

"At hindi mo ba alam na may attraso ka sa kanya?" sabay hawak ni Koname sa Braso ko. "Ano bang ginawa mo at ikaw ang target niya?"

"Aba malay ko sa Taki na iyan" wika ko.

Eh sa hindi ko naman talaga alam kung bakit ako ang target ng Taki na yan at wala rin akong matandaan na nakilala ko na siya at mas lalong wala akong matandaan na may nagawa akong mali rito.

Sira ulo din siguro iyon tulad ng pinsan nitong Koname. Targetin ba naman ako ng wala man lang akong ginagawang masama rito.

Bigla akong sinuntok ni Sheryl sa tiyan.

"wala ka talagang galang nuh? Sabing tawagin mo ang mga wizard gang na Master o Boss Eh" sigaw nito sa akin.

Pasalamat ka....hindi kita kayang galawin ngayon.....dahil kung hindi, baka kanina ko pa iningodngod yang maganda mong mukha.....

HATE ME UNTIL YOU LOVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon