>>>>>LUCY
Sa wakas natapos ko rin ang 1 month na pagtitimpi wahahaha, hindi ko na kailangan pang magpa-api sa kanila, lalong lalo na sa Taki na iyon ahmpft. Subukan lang ulit nitong bwesitin ako at makikita niya na ang hinahanap niya. Di bale ng hindi ko matupad ang pangako ko sa sarili ko na hindi ako makikipag physical fight hangga't hindi pa ako naggraduate, kaysa naman sa lagi akong kinakawawa at hindi man lang makabawi, tang-ina lang! pag sila ang mananakit ay hindi sila naooffice..subokan lang na ioffice ako pag may inaway ako at baka ang instrUctor ko pa ang awayin ko, pakshet lang.
Pero medyo nakabawi na rin ako kay Taki last Friday ahahah..naiimagine ko pa rin ang mukha niya, oh baka sabihin niyo inlove ako sa kanya, atot niyo blue..natatawa lang talaga ako sa mukha niya last Friday ahaha. Pinicture-ran ko pa nga eh^^.
Hindi pa ako nakakalayo sa Dragneel's Academy ng parang may sumusunod sa akin. Kapag tumitingin naman ako ay wala namang tao, maliban sa akin. Lakad lingon lakad lingon ang ginawa ko pero hindi ko pa rin masyempohan iyong mga sumusunod sa akin, alam kong hindi lang isa ang sumusunod sa akin kundi dalawa.
Dahil pagod na ako sa kakalingon sa likod ko ay nagstop ako sa paglalakad.
"Lumabas na nga kayo! Kanina niyo pa ako sinusundan ah!" sigaw ko sa mga ito ng hindi ko pa rin sila makita ng lumingon ulit ako sa likod ko.
Maya maya ay lumabas na ang mga ito kung saan sila nagtatago. Dalawa nga sila at mukhang malalakas, ang lalaki ng mga katawan eh.
"Anong kailangan niyo sa akin?" tanong ko sa mga ito.
" Wala naman, gusto lang namin makipaglaro sayo" sabay lapit sa akin nong isang lalaki at hinawakan ang baba ko.
PAK!!! à sounds ng pagkatanggal ko ng kamay niya sa baba ko.
"gusto niyo palang makipaglaro ah" bulong ko rito then tinuhod ko siya at dahil sa sakit ay namimilipit ito ngayon. Iyong isa naman ay agad namang sumugod sa akin ng makita nito ang kasama nito na tinuhod ko. Pero bago pa naman niya ako masuntok ay naunahan ko na siya, alam ko na kasing susugurin niya ko after kong tuhodin iyong kasama niya.
Ang lalaki ng mga katawan nila pero ang lalampa naman tsk. PANIS!!!
Ganda talaga ng feeling kapag nakakaganti ka tsk
>>>>>>>>>Taki Ryan
Nagkakatuwaan kami ng gangmate ko rito sa Fairytail Room ng biglang bumigay ang pintoan at may dalawang lalake na nakatayo roon na puro nakatali at sa likod ng mga ito ay si Pangit.
"Ops" ani Mark John habang papalapit sa akin si Pangit. Halata sa mukha nito ang galit.
Nang makalapit ito ng tuloyan sa akin ay bigla niya akong sinuntok ng malakas at dahil sa lakas ng suntok niya ay napaupo ako sa sahig. Kinuwelyohan niya ako dahilan para mapatayo ulit ako then BOOGHS!! Sinuntok niya ulit ako sa mukha at hindi pa nakontento, tinuhod niya pa ako. At dahil sa sakit ng pagkakasuntok niya at lalo na ang pagkakatuhod niya sa akin ay napahiga ako ulit sa sahig at doon namilipit ng sobra sa sakit.
"Pasalamat ka Taki at may pustahan kami ni Bhesty dahil kung hindi ay matagal ko ng nagawa sayo yan, pero ito ang tatandaan mo, Sa susunod na gagawa ka pa ng kabalastugan sa akin, sisiguradohin ko sayo na hindi lang yan ang aabotin mo. At simula ngayon hindi na kita uurungan! Lalabanan na kita!" sigaw nito sa akin habang nasa sahig pa rin ako at habang sina Justin Denice, Ndrew John at Mark JOhn ay nasa gilid lang at pinapanood lang kami.
Hindi man lang ako tinulongan ng mga gago kahit sa pagtayo lang. Mukhang shock ang mga ito tsk. Nakanganga eh haist.
"oh ayan magsamasama kayo ng mga alagad mo!" sigaw ulit nito sabay tulak sa dalawang lalake na binayaran ko para takotin si Pangit. Sabay ng patulak niya sa dalawa ay ang kanyang pag- alis.
BINABASA MO ANG
HATE ME UNTIL YOU LOVE ME
Ficção Adolescenteisa akong nerd na palaban! (this is not a copy paste story) no plagiarism!