Chapter 17: Another truth

184 32 1
                                    

*****Justin Denice****

Haist alam na ni Koname na kapatid ko siya…pero mabuti na rin siguro ang ganito, na alam niya..

Gaya nga ng sinabi ko, ay kapatid ko siya sa ina..Dati matatawag kaming pamilya..pero ng magkahiwalay ang mga magulang namin ay nagkawatak watak kami..si Koname ay kay mama at ako ay kay papa..bata pa noon si Koname kaya wala pa itong kaalam alam sa nangyayari..

Hanggang sa paglipas ng mga panahon ay nabalitaan ko na lang na may ibang pamilya na si mama at si papa naman ay nagpakasal ulit ito kay tita Regine, ang step mother ko..mabait naman siya eh..pero iba pa rin kalinga ng totoong ina..pero habang lumalaki ako ay unti unti kong natatanggap na never ko ng makakasama ang mama ko at ang kapatid ko..kaya nga ako pumasok rito sa Dragneel’s Academy dahil gusto kong makita ang kapatid ko..dahil nabalitaan ko na dito ito nag-aaral at hindi ko naman inaakala na magkakagusto sa akin si Koname. Hindi ko rin masabi rito na hindi kami pwedeng maging kami dahil hindi ko masabi..hindi ko kayang sabihing kapatid ko siya..dahil ayaw kong malaman nya ang katotohanan..

“Okey ka lang Justin?” tanong ni Akira sa akin. Narito kami ngayon sa bahay nila Lucy.

Tumango naman ako bilang tugon sa tanong niya.

“oy sorry, hindi ko naman sinasadyang sabihin sa kanya..ano kasi,,nadulas lang ako..kasi naman..ginalit niya ako..kaya ayon..oy sorry..hindi ko talaga sinasadya”

Kanina pa ito hingi ng hingi ng sorry at ilang ulit ko na rin sinabi rito na okey lang iyon dahil tama lang na malaman ni Koname ang totoo. Ang kulit talaga nito^^.

“Ano ka ba..ilang ulit ko bang sasabihin na okey lang yon”

“sigurado ka?”

Kulit talaga nito.

“oo nga” ----ako

“sabi mo yan ah”

“oo”----ako

“talaga?”

“talagang talaga”----ako

“okey ka na?”

“okey na ko”----ako

“sure ka?”

“oo nga sabi eh”-----ako

“sabi mo yan ah”

“oo nga”------ako

“okey..kung ganun samahan mo ako”

“huh?”

“samahan mo ko”

“saan?”

“basta, tara na?” sabay hila niya ako kaya naman sumunod ako sa kanya..

Dinala niya ako sa isang lugar na never ko pang napuntahan at ang ganda roon. Nagstop kami sa harap ng isang bahay..at ang ganda ng bahay..parang mansyon ba..

“Anong gagawin natin rito?” tanong ko sa kanya ng huminto kami mismo sa harap ng bahay na parang mansyon.

Nakatingin lang ito sa mansyon habang nakangiti.

BEEEEEEEEEEEP!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!biglang may nagbusina sa amin kasi naman nasa daan kami, bigla nanaman akong hinila ni Akira sa gilid, dahan dahan namang bumaba iyong salamin nung kotse na nagbusina sa amin at kinausap ako nung driver kung bakit nasa tapat raw kami ng bahay nila..si Koname naman ay nakatalikod lang..

“Ah wala po” wika ko sa driver at umandar na ito papasok sa gate ng mansyon.

“oy Akira, bakit nga ba tayo narito?” sabay kalabit ko rito.

HATE ME UNTIL YOU LOVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon