Chapter 21 part 1 : Pustahan

98 21 2
                                    


♬♬♬Justine Denice♬♬♬

Hito kaming lahat sa garden,  maliban kay Bhesty dahil siya ang nagluluto ng Breakfast namin dahil day-off ng katulong nina Ate Chloe ngayon.

“Ano ba yan, ang boring dito” ani Romeo.

“oo nga, nakakabagot naman dito” ani Akira.

“wala bang magandang gawin dito?” ---Ndrew John.

“Nabubulok na ako sa kwarto ko”—Mark

“Beach na lang tayo” yaya naman ni Ate Chloe.

Mukhang naboboring na rin ito.

Haist tama sila, ang boring nga.

Sa susunod na linggo  pa pala ang bday ni Ate Chloe.

2 weeks pa naman kami rito.

Ano nga bang magandang gawin rito?. AHA! May naisip ako@_^

“guys bakit hindi tayo magpustahan?” wika ko dahilan para mapalingon silang lahat sa akin.

“pustahan?anong pustahan?” Tanong ni Ndrew John.

“pustahan tayo kung sino ang unang makakaalam ng kinakatakotan ni Bhesty” sabay ngiti ko sa mga ito.

“kinakatakotan ni Ate? Ahmpft sige, sama ako dyan” ani Akira.

“ako rin” sabay taas ni Romeo ng kamay.

“sama din kami” sabay taas din ng kamay nina Ndrew John, Mark John, Koname at ni ate Chloe.

“ikaw Taki Ryan? hindi ka ba sasama?” tanong ko kay Taki Ryan na katabi ko lang. bago pa makasagot si Taki Ryan ay inunahan na siya ni ate Chloe.

“sasama siya, no KJ allowed, kaya lahat sasama” ani Ate Chloe kaya walang nagawa si Taki Ryan kung di sumali rin^^.

“okey, sasama ang lahat!” wika ko.

“Ay teka  lang, parang unfair naman..kapatid ni Lucy sina Akira at Romeo..tapos ikaw naman pinsan ka niya, impossibleng hindi niyo alam kung saan siya takot?” ani Ndrew John.

“Oo nga” sang-ayon naman ni Mark John sa sinabi ng Kambal.

“Porket ate namin siya alam na namin agad ang kinakatakotan niya?” ani Akira

“oo nga, kahit kapatid namin siya, hindi namin alam kung saan siya takot nuh” wika naman ni Romeo.

“Ako rin, kahit kaclose ko si bhesty, never ko pang nalaman kung saan siya takot” wika ko naman.

Eh sa hindi ko naman talaga alam kung saan takot si Bhesty Eh, Matagal ko na nga ring gustong malaman eh, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam.

“ganun ba?..so ano ang rules?” tanong ni Ate Chloe.

“Anong premyo ng mananalo?” tanong naman nina Akira at Romeo.

“Ang rules ? ..pwedeng gawin lahat..pero hindi pwedeng tanongin si Bhesty kung saan siya takot kasi unfair iyon at bawal din malaman ni Bhesty na pinagpustahan natin siya dahil siguradong magagalit iyon sa atin…and about naman sa prize, eh depende na sa inyo kung anong ipupusta niyo, kahit ano pwede.” Paliwanag ko.

“Isa lang ba ang mananalo?” tanong naman ng kambal.

“Nope, by group tayo, bali 2 members in a group…kayo na din ang bahala kung sino ang gusto niyong kagroup” sabay tango tango naman ng mga ito.

“Partner ko si Taki Ryan” wika ni Ate Chloe.

“Si Romeo ang parner ko” wika naman ni Akira.

“kaming dalawa ni Ndrew john ang magpartner” wika naman ni Mark John.

“Then, im Koname’s Partner” wika ko naman.

Napahinto kami sa pag-uusap ng dumating si Bhesty at syempre hindi niya pwedeng mahalata na pinag-uusapan namin siya at lalong hindi niya pwedeng malaman na balak naming alamin kung saan siya tako,t kaya ng dumating siya ay naghiwahiwalay kami agad at kunwari may sari-sarili kaming mundo^^.

  Pumunta si Bhesty sa garden para yayain kaming magbreakfast na at kaya ayon, sumunod na kami sa kanya papuntang sala at doon kumaen.

After naming kumaen ay bumalik nanaman kami sa garden at gaya ng dati wala si Bhesty dahil siya ang naghuhugas ng pinagkaenan namin, ayaw niya daw kasing nakatambak lang mga pinagkaenan namin sa lababo at walang maghuhugas, kaya siya na ang nagbulontaryong maghugas.

“Alam niyo na ba kung anong ipupusta niyo?” tanong ko sa kanila ng makaupo na kami.

“Free 2 tickets to Singapore” ani Ate Chloe.

“ with free shoppping, worth 50 thousand” dugtong ni Taki Ryan.

“Sa amin, Dalawang Itanium 7 laptop and 1 month  free Breakfast, Lunch, and Dinner sa restaurant namin tapos sagot na rin namin iyong pamasahe or gas  niyo papunta doon.” Wika naman ng kambal.

“Sa inyo Akira at Wendy?” tanong sa ko dalawa.

“Kami? Ahmpft dahil wala naman kaming pera at mamahaling gamit na pwede naming ipusta…Sarili na lang namin ang ipupusta namin” wika ni Akira.

Tumango tango naman si Romeo. “tama siya, magiging alila niyo kami sa isang buwan ng walang bayad pag natalo niyo kami” dugtong naman ni Romeo.

“okey..ayos na yon” wika ko.

“Ang ipupusta naman namin ni Justin  ay isang Rest House sa Baguio and kasama na iyong lupa” wika ni Koname na nakalimutan kong banggitin sa kanila ang ipupusta namin ni Jubia.

Ayos! Ang gaganda ng mga pusta nila. Sana kami ang manalo^^. Mag-i-start na kami bukas! Sa wakas, may pagkakaabalahan na kami bukas at hindi na kami mababagot sa sarili naming kwarto!.

Author: hmmm reserve ko muna ung iba..:) ..sa susunod kona lang ipost...inaamag na kc tlga utak ko sa kakaisip ahaha

Comment, vote then share to others: ) tenkyu

I dedicate this chapter to Claudette_013

HATE ME UNTIL YOU LOVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon