Chapter 21 part 2: Koname & JD Team

131 23 4
                                    

♔♞Koname and Justine Denice TEAM♔♞

◆◆◆Jubia Pov ◆◆◆

9 p.m..Napagkasunduan namin ni Justine na manunuod kami ng horror movie at yayayain namin si Lucy. Baka takot ito sa horror eh.

“Bhesty, tara sama ka sa amin ni Koname…manunuod kami ng Horror sa kwarto ko” ani Justine kay Lucy na nakahiga na sa kama niya para matulog.

“eh? Horror?”

“yup, bago ang mga ito at mukhang nakakatakot” wika ko habang winawagayway ko ung CD na hawak ko.

“pero patulog na ako eh, anong oras na oh” sabay tingin nito sa relo nito.

“ano ka ba Bhesty, mas magandang manuod ng horror movie pag gabi…tsaka medyo maaga pa naman eh.” Ani Justine.

Tumahimik ito bigla at pumormang nag iisip. Maya maya tumayo ito sa kama nito at lumapit sa amin.

“sige, since hindi pa naman ako inaatok.”

Alright!

♝a few minutes ago♝
♜♜♜JustinE Denice♜♜♜

“WWAAaaaaaaahhhhhhh!!!!!!!!!!!!!” sigaw ni Koname habang nakatakip ang mga kamay nito sa mata niya.

Habang si Lucy naman,

“ Sige! Sakalin mo siya! Higpitan mo pa! woh!”  sigaw naman  nito habang hawak hawak ang leeg ko.

“ Bhesty, h-huwag mong gawin s-sa akin yang pinapanuod natin...”

“tama yan! Ganito gawin mo gago! Suntokin mo!” wika pa nito na halatang hindi nito pinansin yong sinabi ko.

“s-saglit Bhes-----” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nasuntok niya na ako.

Takti manganganib buhay ko rito. Sa susunod hinding hindi ko na siya yayayaing manuod ng horror. Masyado siyang sadista.

Buti na lang pala hindi action ang pinanood namin haist.

Napahiga ako sa suntok niya at bigla itong luminga sa akin.

“matutulog kana bhesty?? Hindi pa tapos oh.”

Pakshet hindi niya pala alam ginagawa niya sa akin kanina pa. Halos patayin niya na nga ako sa kakasakal niya kanina eh tapos hindi niya alam.

Ano kaya iyon? May sariling buhay yong mga kamay niya? Sabonot dito sakal dito ginawa niya sa akin at itong last ay ang suntok.

“ Ah inaantok na kasi ako hehhe” pilit akong ngumiti at tumayo para matulog na. “mauna na akong matulog sa inyo”

Mas gugustohin ko pang matulog kesa samahan siyang manuod, baka sa susunod na gawin niya ay saksakin niya na ako at baka hindi niya pa alam na napatay niya na pala ako ahmpft.

Si Koname naman ay hindi pa rin tumitigil sa pag tili pero parang hindi naman ito nanonood kasi naman nakatakip iyong mga mata niya.

“ wuahahah!!!!!!!” tili ulit nito ng marinig yong sound effect na nakakatakot.

“a-ayoko na!” wika nito tapos tumayo bigla.

“oh saan ka pupunta Koname?” tanong Bhesty.

“matutulog na rin ako, baka bangungutin pa ako pag pinatapos ko pa yan” sabay labas nito sa kwarto ko.

“sige, good night” paalam naman ni Bhesty habang nakaharap ang mukha nito sa t.v screen habang nakangiti.

“ Hindi ka pa matutulog bhesty? Past 11 p.m na oh, masyado nang gabi” wika ko

“malapit ng matapos bhesty eh tsaka may papanuodin pa ako”

“may papanuodin ka pa?huwag mong sasabihing..”

“one piece ^_^ hehhehe”

Napafacepalm ako, Adik talaga ito sa onepiece kahit kailan.

“Sige bahala ka na dyan, matutulog na ako”.

♀♀♀♂♂♂♂♂♀♀♀♀

Pagkagising ko ay nanunuod pa rin si bhesty ng One Piece and it almost 3 a.m na. Adik ever!

“ wala ka pa bang balak matulog Bhsesty?” tanong ko rito.

Hindi ito sumagot at mukha itong busy sa panunuood, totok na totok ang mukha nito sa screen at kunting kunti na lang mahahalikan niya na ito.

Pagdating talaga sa panunuod at lalong lalo na sa One Piece ay hindi niya na namamalayan ang nanyayari sa paligid nito.

Dahil hindi nanaman niya ako pinansin ay dumiritsyo ako sa kusina para kumuha ng tubig.

Papasok na  ulit ako sa kwarto ko ng mapansin ako ni Bhesty.

“ahmpft Kala ko tulog kana parang hindi kita napansing lumabas  ah?” tanong nito.

Tinaas ko iyong dala kong baso na may lamang tubig.

“kumuha lang ako nito then matutulog na ulit ako…tska hindi mo talaga ako mapapansin kasi …nakafocus ka masyado sa pinapanuod mo ”

Bigla ulit itong humarap sa pinapanuod nito habang hindi pa ako tapos nagsalita.

She ignore me again.

Pinatay ko iyong ilaw na kanina pa nakabukas at mukhang wala yata itong balak ioff.

Then umupo ako sa tabi niya.

“samahan na lang pala kitang manood” wika ko kahit alam kong hindi niya papansinin ang sinabi ko.

Mayamaya biglang may tumulong luha mula sa mata niya(alangan namang sa ilong?)

“ Bakit Bhesty?”

Hindi ito umiimik… Sob sob sob umiiyak pa rin ito..

Siguro takot ito sa dilim kaya umiiyak.

hinawakan ko siya sa balikat.

“Bhesty takot ka ba sa dilim? Gusto mo iswitch- on ko na lang iyong ilaw?”

Umiling lang ito tapos tumingin siya sa akin habang pumapatak pa rin ang mga luha nito.

“B-Bhesty, si Luffy …

“huh?” nagugulohan  kong tanong.

“ B-Bhesty!..huhuhu…S-si Lufy nakakaawa..N-namatay si A-ace sa harap niya..huhuhu..S-Si Fire of Ace p-patay na huhuhu.” Wika nito sa akin habang nakaturo ang mga kamay nito sa screen.

Adik talaga ito kahit kailan haist wala ng pag asa ang isang ito.

Habang pinupunasan nito ang mga luha nito gamit ang kanyang kamay ay inabotan ko siya ng tissue.

“oh tissue”

“s- salamat”

Kala ko alam ko na ang kinatakotan niya eh! Sayang!...

Author: wait for the next chapter xD Anyway, I dedicate this chapter to ading enirym_16

HATE ME UNTIL YOU LOVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon