Chapter 6 : Justin Denice day!

316 46 8
                                    

$%Taki Ryan$$

Haist antok na antok pa ako ng dumating si Koname sa bahay at bigla bigla na lang tong kakatok ng malakas sa pintoan ng kwarto ko, kaya naman nabulabug ang maganda kong tulog tsk.

"Taki Ryan! Gising ka na!" sigaw nito.

"Ano ba Koname! Inaantok pa ako!" sita ko rito habang kumakatok pa rin ito.

"Tanghali na pinsan!, gising ka na"

Kaasar naman to oh, gusto ko pang matulog eh ahmpft..

Ayon binuksan ko na ang pinto para hindi na to mang-ingay sa labas, ang lakas lakas ng bunganga eh tsk.

Nang makapasok ito sa kwarto ko ay humiga ulit ako sa higaan ko..matutulog na sana ulit ako ng bigla niya akong batohin ng unan.

"Hoy grabe ka Pinsan! Anong oras na oh" wika nito sabay tignan nito sa suot nitong relo.

Haist pasalamat to pinsan ko siya dahil kung hindi baka kanina pa ito nakatikim sa akin tsk.

"Inaantok pa nga ako di ba? hindi ka ba nakakaintindi?..Tsaka kung narito ka lang para gulohin ang pagtulog ko, umuwi ka na lang pwede ba?" wika ko rito sa inaantok pang boses at habang tinakip ko iyong binato niyang unan sa tenga ko.

"eh kasi naman pinsan! Bakit hindi mo na pinapahirapan iyong Lucy na iyon? Mahigit One week mo na iyong hindi pinapahirapan ah"

Speaking of Lucy, talagang hindi ko ginalaw ng mahigit na isang linggo iyon dahil pinag-iisipan ko pa kung paano siya pahihirapan. Gusto ko iyong brutal para mas maganda. Iyong bang iiyak siya sa harap ng maraming tao, gusto ko ganun..para pagsisihan niya ang pagpasok rito sa Dragneel's Academy at pagsisisihan niya na kinalaban niya ako!.

Kung nagtataka rin kayo kung bakit hindi na sinasaktan ni Koname si Lucy, dahil target ko na siya ..at kapag may target ako, bawal galawin ng kahit sino hangga't wala akong inuutos sa mga ito na pahirapan ito at kung paano ito pahihirapan.

"bakit ba atat na atat ka?..umuwi ka na nga..iniistorbo mo ang tulog ko eh"

"oh sige aalis na ako pinsan, pero may ibibigay pa sana ako sayo eh.. iyong stuff toy sana ng mga characters ng bida sa One Piece.. pero di bali na lang" sabay lakad nito patungo sa pinto.

Bigla akong napabangon ng marinig ko ang stuff toy na One Piece..nang tignan ko ito ay nakatalikod na ito at may hawak itong isang malaking bag. Bigla akong tumakbo papunta sa kanya at tinignan ko iyong dala niya. Si Luffy at ang mga nakama niya ang naroon sa malaking bag..

"ops teka" sabay hila niya don sa malaking bag. "dapat may kapalit" napatingin ako sa kanya.

"Ano?"

"ibibigay ko sayo ito kung pababayaan mo akong pahirapan si Lucy ng kahit isang linggo lang..para naman makaganti ako sa pagsuntok niya sa akin" wika nito habang naniningkit ang mga mata nito.

"Hindi kaya masuntok ka niya ulit at makatulog ka nanaman sa isang suntok lang niya tsk" pang-iinis ko rito.

Umirap naman ito sa akin.

"Hindi na! sisiguradohin ko yan sayo..o ano deal?" sabay lahad nito ng kamay niya sa akin.

Ahmpft pag humindi ako, hindi ko makukuha iyong stuff toy ng One Piece..pero pag pumayag naman ako sa gusto niya, makukuha ko iyon..ahmpft pwede na siguro di ba? one week lang naman eh..tsaka pag napasaakin iyong stuff toy ng One piece, madadagdagan pa iyong collection ko.

Nagcoollect ako ng mga stuff toy, chain, cd, or any things na may larawan ng One Piece at Fairytail or any things na ginagamit ng nakama ni Luffy like Sumbrero ni Chopper or kaya sumbrero ni Luffy, iyong pang cosplay ba...

HATE ME UNTIL YOU LOVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon