♣♣♣Chloe and Taki Ryan Team♣♣♣
★★★Lucy★★★
Mukhang siniswerte ako ngayong nagdaang araw ah, Nagagawa ko kasi iyong mga gusto kong gawin at napupuntahan ko pa iyong mga gusto kong puntahan at libre pa!.
Narito ako ngayon sa ZOO! At nilibre nanaman ako nina Ate Chloe at TAki..Kung ganito lang sana araw-araw nuh?..
Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta rito. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa Zoo ay puro hayop na ang nakatambad sa harap ko!
Ahahaha I love it! Long time no see animals hehehe.
Madami akong nakitang mga hayop at ang cucute ?.
"Ate Chloe, tignan mo sila oh" sabay turo ko sa mga tao na nagkukumpolan sa bandang malayo.
"oh anong meron doon?"
"snake" sabay ngiti ko.
Pinagkakaguluhan kasi iyong ahas at nagpapapicture iyong mga tao sa kanya.
Gusto ko ring magpapicture sa ahas @_^.
"oh ngayon?"
"papicture tayo!"
"sige, pero ikaw lang"
Yosh! Makakapagpicture na rin ako sa ahas.
Paglapit naman sa ahas ay agad akong nagpapicture kasama iyong ahas, Nilagay nila iyong malaking ahas sa leeg ko habang hawak hawak ko iyong dalawang maliit..habang pinipictureran ako ng Photographer ng Zoo at ni Ate Chloe ay pose naman ako ng pose, feeling model lang ang bet ko hehehe.
Mayamaya ay bigla ko na lang naisipan na ihagis kay ate Chloe iyong hawak kong ahas, at ng maihagis ko kay ate Chloe iyong ahas sa kanya ay nagtatalon ito habang sumisigaw at napatakbo kay Taki, habang ako naman ay tawa ako ng tawa at pinipicturan siya habang tumatalon. (tag-isa kami ng Camera na dala).
Oh ayan may remembrance na ako sa kanya ahaha.
"Lanya ka Lucy, papatayin mo ko sa takot nito eh" sabi nito habang nanghihingal pa rin dahil napagod ito sa kakatalon at pagsigaw.
Tawa pa rin ako ng tawa, kasi naman iyong mukha niya, ay grabe! Ang pangit niya pala pag ganun ang hitsura niya ahahha parang ewan lang habang tumatalon.
"Ang cute" bulong ni Taki habang nakatingin sa Baboy ramu.
Tinignan ko namang mabuti yong baboy ramu.
Eh hindi naman cute ah tsk, hindi marunong tumingin ng cute, walang taste.
♔♔ Chloe pOv♕♕
Pakshet, hinagisan ako ni Lucy ng ahas, takot pa naman ako don tsk,.
Ahmpft nasaan na kaya ang dalawang kasama ko? bigla na lang kasing nawala ang dalawang yon habang nagpapahinga ako dahil sa pagod sa pagtatalon kanina.
Hindi pa nagtatagal ang paghahanap ko sa kanila ng makita ko sila sa tapat ng cage ng Crocodile.
"Ang cute nito oh" wika ni Taki Ryan sabay turo doon sa crocodile.
..cute?iyon? WTF
"mas cute naman ito nuh" wika naman ni Lucy sabay turo sa unggoy.
Unggoy?cute?bulag ba sila?..
"mas cute iyong naroon oh" sabay turo ni Taki Ryan sa cage ng mga gorilla. "iyong gorilla dun"
Sabay lakad nila sa cage ng gorilla at mukhang hindi parin nila ako napapansin na nasa tabi na nila ako,dahil hindi man lang nila ako pinansin tsk.
BINABASA MO ANG
HATE ME UNTIL YOU LOVE ME
Novela Juvenilisa akong nerd na palaban! (this is not a copy paste story) no plagiarism!