Chapter15: The truth!

153 33 8
                                    

**LUCY**

"tama na yan Koname" awat ko kay Koname ng hindi pa rin nito binibitawan ang buhok ni Akira.

"aray! Sumusubra ka ng babae ka ah!" ani Akira.

"Anong sumusobra? Kulang pa nga yan eh. Mang- aagaw ka!"sigaw naman ni Koname habang sinasabunutan pa rin nito si Akira.

Hindi ko maawat si Koname sa kakasabunot niya kay Akira dahil sobrang higpit ng pagkakahawak nito sa buhok ni Akira at Hindi ko naman kayang basta basta na lang hatakin si Koname palayo kay Akira dahil mas masasaktan lang si Akira pag ginawa ko yon.

"Bwesit na bwesit na talaga ako sayo ah!" sigaw naman ni Akira na halatang galit na at namumula na sa galit.

Bigla niyang tinuhod si Koname dahilan para mapabitaw ito sa kakasabonot niya kay Akira.

"Punyeta ka! Wala akong inaagaw sayo dahil hindi sayo si Justin at Alam mo ba na kahit kailan ay hindi magiging kayo ni Justin!?" sigaw ni Akira habang namimilipit pa rin si Koname sa sakit at habang dinudoro duro niya ito.

"bawiin mo ang sinabi mo!" biglang sumugod ni Koname kay Akira at dahil maagap na nahawak siya nina Ndrew at Mj ay napigilan siya.

"bitiwan niyo ako, kakalbohin ko ang babaing yan" wika pa rin nito habang nagpupumiglas.

"Alam mo ba kung bakit huh?..." ani Akira.

Patay mukhang sasabihin na ni Akira ang totoo.

"Akira tama na yan" pagpigil ko sa susunod niyang sasabihin, Lumingon ito sa akin

" Hindi ate, Dapat malaman na ng babaeng ito kung bakit kahit kailan ay hindi siya papansinin ni Justin," bigla ulit itong bumaling kay Koname "Kaya ikaw makinig kang mabuti!" sabay turo pa nito kay Koname. "Alam mo bang hindi niya talaga ako girlfriend? Good news di ba?" sabay ngisi nito habang si Koname naman ay parang nahimasmasan ng konti dahil hindi na ito nagpupumiglas na makawala sa kambal. "Pero may bad news ako sayo... Na kahit na hindi kami magkasintahan ni Justin ay never ka niyang papansinin at alam mo ba kung bakit? Kasi mahal ka lang niya bilang kapatid at hanggang doon lang".

"Anong sabi mo?! Wala kang alam!" Sigaw ulit ni Koname at nag-umpisa nanamang magpumiglas.

"Ikaw ang walang alam! Dahil hindi mo alam na magkapatid kayo ni Justin? Oo! kapatid ka niya at mahal ka niya bilang kapatid lang! at hanggang doon lang! kaya huwag ka ng mag-ilusyon na papatulan ka niy...at iyong mga nakita mong malasakit na pinapakita niya sayo noon? Isa lang iyong malasakit ng isang kapatid at wala ng iba ! kaya tumigil ka na sa kakailusyon mo!" patuloy ni Akira na sumisigaw na rin.

"Anong sabi mo? Bawiin mo yang sinabi mo! Sabihin mo nagsisinungaling ka lang!" sigaw ni Koname.

"Anong akala mo sa akin sinungaling?"

Hindi ko alam pero bigla na lang akong naawa kay Koname.

>>>>>>Koname

Kapatid ko raw si Justin Denice Abrogar?What the heck!. Paano ko siya magiging kapatid kung may sarili sarili kaming ama't ina? I already met his mother and his Father, so sabihin niyo nga sa akin? Paano kami magiging magkapatid kong hindi kami magkadugo? Pinagloloko ba ako ng babaeng to.?

Si Justin Denice na matagal ko ng mahal ay sasabihin lang ng ibang tao sa akin ngayon na hindi pwedeng maging kami dahil magkapatid kami! What the Fuck! What a nonsense story!

"kung ayaw mong maniwala sa akin, bakit hindi mo tanongin si Justin" wika pa ni Akira sa akin.

Parang gusto ko ng maniwala sa mga pinagsasabi niya pero hindi ko kaya, hindi ko kayang maging kapatid ang lalaking mahal ko, matagal ko siyang pinangarap, ginawa ko ang lahat para mapansin niya ako pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbunga ang paghihirap ko. Siguro nga ......siguro nga kapatid ko siya..... kaya never niya akong pinansin. Pero... pero sana hindi totoo... sana hindi kami totoong magkapatid.

"Hindi ko siya kapatid!" pagmamatigas ko pa rin.

Gusto ko ng lumuha pero pinipigilan ko.

"Totoo ang sinabi ni Akira, Koname" ani ng familiar na boses sa likod ko, pag lingon ko sa likod ko ay si Justin Denice iyon.

Hindi pa rin ako makapagsalita, nagmula na mismo sa bibig ni Justin Denice na hindi nagsisinungaling si Akira sa akin at hindi ko alam kung paano magrereact.

Kung kanina sumisigaw ako dahil ayaw kung maniwala sa pinagsasabi ni Akira, Ngayon naman ay naninigas ako sa kinatatayoan ko ng marinig ko mismo kay Justin Denice ang katotohanan. Ang katotohanan na magkapatid kami.

"kapatid kita sa ina. Mama ko ang mama mo." patuloy pa ni Gray habang nakatingin lang ako sa kanya. "Sorry kung ngayon ko lang sinabi ito sa iyo" dugtong pa nito.

Si mama?anak niya si Justin Denice? Bakit hindi ko alam? Napaka-Unfair naman!

Dahil sa di ko alam ang gagawin ay Bigla akong tumakbo palayo sa kanila.

Gusto kong mapag-isa........

Gusto kong magwala....

Gusto kong mawala ang sakit dito sa dibdib ko..........

Gusto kong mabura ang nararamdaman ko sa kanya......

masakit ei, sobrang sakit...

alam mo yung nagmahal ka

tas malalaman mong napakaimposibleng mapasaiyo sya?

tsk...

Sob

Sob

Sob

Huminto ako sa isang playground at doon ko binuhos ang lahat ng luha ko na kanina pa gustong umagos.

Umupo ako sa isang swing habang nag-uunahang umagos ang aking mga luha.'

HATE ME UNTIL YOU LOVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon