Chapter 20: Time to move-on

111 22 0
                                    

♣♣♣KONAME POV ♣♣♣

Haist! nababagot na ako dito sa kwarto ako, pero tinatamad naman  kong lumabas ng kwarto ●︿● nganga

Pinindot ko na yung intercom dahil nagugutom na ako, magpapadala na lang ako kay manang Karen ng pagkaen dito sa kwarto ko.

“Manan---“

“Sunog! Tulong! Sunog dyos ko! Tulongan nyo po kami!” narinig kong sigaw ni Manang Karen mula sa intercom kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto at bumaba.

“Manang! Saan ang sunog!? asan!?” tanong ko rito agad ng makarating ako sa kusina.

“ah wala po ma’am Koname, nagpracpractice lang po” wika niya habang nakangisi.

May gana pa syang ngumisi!::>_

Then napalingon ako sa mga kasama nya sa kusina at nakasmile silang dalawa sa akin.

“Ayos manang Karen ah! Bumaba nga sya :D” ani Akira.

Close agad sila? Ang bilis naman tsk

“Anong ginagawa nyo rito?” tanong ko sa mga ito.Q_Q

“Nandito kami para kumbisihin kang lumabas na dyan sa lunga mo. You must go out sometimes. Hindi yung lagi ka lang nagkukulong dyan sa kwarto mo at sa mansyon nyo na para bang aswang na nagtatago sa mga tao. Tignan mo nga yang hitsura mo, para ka ng zombie. Ang laki-laki na ng eye bags mo at ang payat mo na.” ani Lucy.

“At nandito ako para humingi na rin ng sorry about don sa nangyari sa atin sa party and I want to be your friends, if okey lang sayo ?” wika naman ni Akira.

“Apology accepted at ako naman talaga ang may kasalanan nun eh, so I should be the one who should say ‘sorry’” wika ko rito.

Kasalanan ko naman talaga ang lahat eh. Kaya dapat ako ang nagsosorry at hindi sya.

“pero sinasabi ko na sa inyo, wala na kayong pakialam kung magkulong man ako dito sa mansyon at magmukmuk sa kwarto ko. Mas mabuti pang umalis na lang kayo rito, okey??” wika ko sa mga ito na walang kaemoemosyon.

“You know what, hindi ka makakamove-on sa nangyari kung lagi ka na lang magmumukmuk dyan sa kwarto mo at lagi na lang babalikan yung mga nangyari sa party. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo Koname” ---Lucy.

Yeah, lagi kong binabalikan ang mga nangyari,,,dahil kung hindi sana nangyari yun…di sana…

“tama si ate, if you really want to continue your life with hapiness, you must know how to step forward. Kasi hindi ka naman makakalayo at makakaalis sa masamang parte ng buhay mo kung hindi ka hahakbang paabante at lagi na lang itong babalikan.” Ani Akira.

How? Paano ako aabante kung lagi na lang akong dinadalaw ng masamang panaginip na related sa nangyari?

Paano ako magfoforward kung nakatali ang mga paa ko sa mga masamang nangyari ???

“Tama sila ma’am. Kung gusto nyo po talagang ayusin ang buhay nyo po, dapat alam nyo pong tulongan ang sarili nyo. Kasi po, kayo lang po ang makakaayos ng buhay nyo, kayo lang po ang makakatulong sa sarili nyo.“ ani Manang Karen.

Bat parang lahat ng sinabi nila tumagos sa akin?

Lahat ng narinig ko sa kanla tumama sa akin?

Ganun na ba ako kahina para hindi ko maibangon ang sarili ko.

Ganun na ba ako katanga para hindi ko malaman ang gagawin ko?

“Koname..” ani Lucy para mapalingon ako rito. “Huwag mong kakalimutan na maraming tao ang nagmamahal sayo, Kaya sana Koname, huwag mong sarilinin ang problema mo, dahil mahirap solutionan ang isang problema ng nag-iisa. Maraming nakapaligid sayo na handang tulongan ka at samahang makabangon. Nandyan ang mga magulang at pinsan mo na hinihintay ang pagbangon mo. Lalo na si Bhesty. Mahal ka nya at nalulungkot sya sa nangyayari sayo, lalo na at nang dahil sa kanya kaya ka nagkakaganyan.”

“Kung gusto mo talagang makabangon. Pumunta ka sa *blah blah blah* at makipag-usap kay Justin. Hihintayin ka nya roon para makausap ka.” – Akira.

Tumayo sina Lucy at Koname sa pagkakaupo.

“Sana naman Koname, pumunta ka” ani Akira.

“It will be your first step to move-on Koname” –Lucy

At umalis ang mga ito ng hindi man lang ako nakakapagsalita. Im speechless again.

♠♠♠-Lucy Pov-♠♠♠

Ayan! Narito na kaming lahat (Ate Chloe, Cindy, Akira, Romeo at Wizard Gang-except sina bhesty at Koname.)

“Darating pa ba ang mga yon?” tanong ni Cindy habang nakasandal sa van nina Mboy.

“oo yan, dadarating sila” sabi ko naman..although parang hindi na nga >.

Tagal naman kasi nila..ang usapan 9 a.m…at 10 a.m na eh, waley pa rin sila hmp..

“mauna nalang kaya tayo? Alam naman kasi nina Justine Denice at Koname ang papunta sa rest house nina Taki Ryan eh” ani Mj.

“Oo nga, kanina pa tayo dito oh” ---Romeo.

“tara na nga” sabay bukas ni ate Chloe sa pintuhan ng van. “namamawis na ang kilili ko sa kakahintay sa kanila tsk”.

Then isa-isang nagsipwesto sa sasakyan ang lahat. Ako ang huling pumasok. Katabi ko si Akira.

Isasara ko na sana yung pinto ng makita ko sina Bhesty at Koname na tumatakbo papunta sa amin.

“Hito na pala sila oh” ani Akira.

“Oo nga” wika ko naman.

*Hingal aso*

“N-nakak-kapagod”—bhesty.

“B-buti n-na lang n-nkah-habol t-tay-yo”—koname.

Wow! Pawis na pawis silang dalawa. At mukhang ayos na silang dalawa.

“Okey na kami ni Koname” masayang ani Bhesty na ikinangiti ng lahat.

“Oh? Ano pang hinihintay nyo dyan???pasok na at nang makaalis na tayo” ani ate Chloe habang nakasmile.

Then yon nga, pumasok na ang dalawa sa sasakyan at habang byumabyahe kami ay pakanta pakanta silang lahat, except ako at si Mboy.

Kj na kung Kj…

Author: Malapit na..maidudugtong ko na yung iba..guys..pakiabangan po pala kung panu magiging close? Sina Lucy at Taking Ryan ツ

Minadali ko na ung kay Koname :)

Dedicated to sampenoy

HATE ME UNTIL YOU LOVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon